'KINABUKASAN'
Nagising ako nang maramdaman ang pagtama ng sikat ng araw sa aking mukha.
Inaantok akong uminat at kinusot kusot ang mata. Agad akong tumayo at naligo.
Sa edad na 19, wala pa 'kong napatunayan sa sarili. Nahinto ako sa pag-aaral sa kolehiyo dahil kapos sa pera.
Pagkatapos kong naligo, inumpisahan ko nang maglinis ng tinutuluyan kong apartment.
Nilampaso ko ang sahig. Hinugasan ko ang pinggan. Naglaba ng mga labahin. 'Yan ang ginawa ko buong maghapon.
"Hays..kapagod" pinunasan ko ang pawis at umupo. Halos alas singko na ng hapon, bago ako natapos.
Kinuha ko ang cellphone at tulad nang naging gawi ko noong mga nakaraang araw, in-open ko ulit ang app.
Tulad nang inaasahan, tadtad na naman ako ng messages ng robot. Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang mabasa ang kahuli-hulihang mensahe nito.
"I love you, alliyah. I really do"
Rinig ko ang malakas na pintig ng aking dibdib. Normal lang naman daw 'to sabi ni syxie na ganito ang messages ng robot.
Pero hindi, bakit iba ang dating at epekto nito sa 'kin?
Napailing na lamang ako sa kawalan. Siguro nga nababaliw na 'ko. Siguro kaya ganito ang nararamdaman ko kasi halos palagi ko na itong kausap.
Napatango ako sa naisip at muling tiningnan ang mensahe.
Weird. Parang hindi robot ang kausap ko.
____
'9:30'
"Sa tingin mo bagay 'to sa 'kin?" tanong ni syxie at pinakita sa 'kin ang isang pulang dress na sa tingin ko, hanggang tuhod niya ang haba nito.
Kasalukuyan ko itong ka-videocall.
Alas nuwebe na ng gabi at naghahanda na kami sa mga susuotin at dadalhin para bukas sa concert ng Phoenix sa MOA arena.
Tumango ako rito at ipinakita ko naman sa kaniya ang high waist ripped jeans na paparesan ko ng isang white top.
"Eto, bagay ba?"
Tumango siya sa 'kin at parang tangang ngumiti sa kawalan.
"Sa wakas, ma-meet ko na bukas ang future daddy ng mga anak ko"
Napailing na lamang ako sa kabaliwan nito. "Wish mo lang" saad ko.
Nakangusong tumingin ito sa 'kin mula sa camera. "Talaga, 'tsaka as if din namang papatulan ka ni charles kung makikita ka niya" taray na sagot niya
Napairap na lamang ako. Halos inabot na kami ng madaling araw kakausap.
YOU ARE READING
I'M NOT A ROBOT
Teen Fiction"I love you, alliyah. I really do" napailing na lamang ako at in-uninstall ang app. Weird. Parang hindi robot kausap ko.
