Chapter 8

21K 853 361
                                    

"KUMUSTA ang pagsama mo kina Abraham at Hakim sa pangingisda?" nakangiting tanong ni Diego kay Marilyn habang nasa loob sila ng kubo at kumakain ng banana cue bilang meryenda.

"Okay naman. I'm also happy dahil nakapag swimming rin ako." sagot ni Marilyn at ngumiti rin ito.

Hindi niya kayang sabihin na hinalikan lang naman siya ni Abraham sa kaniyang balikat dahil nakakahiya iyon. Wala siyang ideya kung bakit iyon ginawa ng lalake sa kanya ngunit hindi niya napigilan kanina ang paglakas ng tibok ng puso niya dahil halos magkadikit na ang mga katawan nila nang tinuturuan siya nitong lumangoy sa dagat.

"Mabuti naman kung ganon. Ah, Marilyn.. may gusto lang sana akong itanong sa'yo." sabi ni Diego na mukhang nag-aalangan pa.

"What is it? Spill the tea." Marilyn said.

Napahawak naman si Diego sa sariling batok. "Itatanong ko lang sana kung may nobyo ka na ba?" he shyly asked.

Marilyn stopped for a moment dahil sa tanong sa kanya ni Diego. She never had a boyfriend before.

Paano ba makakalapit ang mga lalake sa kanya kung palagi nalang nakabuntot si Euzon na inaakala ng lahat na boyfriend niya? Then there's Gabriel, he's now courting her at hindi pa niya ito boyfriend so basically ay single pa rin siya.

"Wala. I don't have a boyfriend." Marilyn answered na ikinangiti pa lalo ni Diego.

"Mabuti kung ganon. Baka kasi magalit ang nobyo mo kung malaman niyang may pitong lalake kang kasama sa iisang bahay. Wala ka naman palang nobyo kaya panatag na ang loob ko." Diego said na may malaki pa ring ngiti sa labi.

"Eh bakit parang sobrang saya mo yata nang malaman na wala akong boyfriend?" Marilyn raised her eyebrow.

"Hindi ah," umiwas naman ng tingin si Diego sa kanya pero nakangiti pa rin ito.

Napailing nalang doon si Marilyn at nabaling na ang atensyon niya kay Israel na pumasok sa loob ng kubo at may kasama itong puting aso.

"Nandito pala kayong dalawa," bati ni Israel sa kanila.

"Kaninong aso 'to?" tanong ni Diego kay Israel saka nito ibinigay ang isang piraso ng banana cue sa aso na kaagad naman nitong kinain.

"Kay Archie, Kuya Diego. Naiinis na kasi 'yung nanay niya dahil ayaw na siyang pag-alagain ng aso kaya sa akin nalang niya binigay." sabi ni Israel at nginitian niya si Marilyn.

"What breed of this dog? He's huge and very cute." tanong ni Marilyn at pinat nito ang ulo ng puting aso na tila nagustuhan naman ang ginawa niya.

"Labrador retriever. Magandang bantay natin siya sa labas ng bahay. Ayos lang ba sa'yo kung may aso dito sa atin, Marilyn?" Israel asked her.

Marilyn nodded immediately. "Oo naman. I haven't any dog pets yet at gusto ko ring ma-experience na alagaan sila."

"Pwede mo na ring maging alaga ang aso na 'to." sabi ni Israel at pinat rin nito ang ulo nung aso.

"Wala pa ba siyang name? Can I give one?" tanong ni Marilyn kay Israel.

"Sige. Lalake siya, Marilyn." Israel informed.

Nag-isip naman si Marilyn nang ipapangalan niya sa aso. Bigla ay naalala niya si Euzon.

Dahil sa galit at inis niya sa traydor niyang bestfriend ay ipapangalan nalang niya ito sa isang aso.

"Prince nalang ang name niya." Marilyn said at nagsquat siya sa harapan ng aso na gusto namang targetin ang kinakain niyang banana cue. Binigay nalang niya ito sa aso.

"Prince? Magandang pangalan para sa aso." pagsang-ayon ni Diego sa sinabi ni Marilyn.

"Ayos! Prince na ang pangalan ng aso natin." Israel said and smiled at her.

Marilyn and the Seven MonroeWhere stories live. Discover now