✟ CHAPTER 10 ✟

Start from the beginning
                                    

Hindi ako sumagot at kaagad na pinatumba ang timba. Pagkatapos ay humiga ako sa sahig na para bang nadulas ako. Ipinikit ko ang aking mga mata, nagpapanggap akong nawalan ng malay. Pagkailang segundo ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Mukhang sinipa niya ito para mabuksan.

Naramdaman kong may nagbubuhat sa akin. Hindi pa rin ako gumagalaw at hinahayaan ko lang siya. Dahan-dahan siyang umuusad na naglalakad-takbo. Mayamaya ay naramdaman ko ang malambot na kama sa aking likod.

Dito ko na binuksan ang aking mata at nakita ako ng pulis na nabigla. Bago pa man siya makakakilos ay inuntog ko ang ulo sa noo niya.

Masakit ang iyon pero ininda ko ang sakit. Malakas ang impact kaya natumba siya sa sahig habang hawak-hawak ang noo niya na bahagyang napapikit. Ito na ang chance ko para makatakas.

Hindi na ako nag-aksaya at tumakbo na palabas. Ni paglingon ay hindi ko na ginawa para makalayo sa lugar na ito. Suot ko pa rin ang ospital gown at naiwan pa ang karayom sa kaliwang wrist ko. Ang tubo lang ang natanggal doon sa banyo. Wala na akong time para kunin kanina.

Mabuti na lang at nag-iisa lang ang bantay kaya malaya akong nakapagtakbo. Wala man lang pumigil sa akin o kung mayroon man ay hindi ko na iyon napansin dahil tumatakbo na ako palabas. Pagkalabas ko ng ospital ay nakita ko si Michael. Papasok na sana siya sa loob. Nagulat pa nga siya.

Kaagad ko siyang nilapitan at hinila patungo sa kaniyang kotse. "Buksan mo at tulungan mo akong makaalis dito, Michael," sigaw kong tugon.

"Bakit ka tatakas? Anong nangyari?" tanong niya.

"Mamaya na ako magpapaliwanag. Kailangan na kailangan kong umalis sa lugar na ito."

Hindi na ulit nagtanong si Michael at binuksan na ang naka-lock na sasakyan. Kaagad kaming pumasok, makita ko pa sa labas ng kotse ang tumatakbong pulis patungo sa sasakyan ngunit nakalarga na kami. Nakita kong kinuha ng pulis ang cellphone niya at magtatawag siguro ng back-up kaya sinabi ko kay Michael na huminto sa kabilang kalye.

NANG bumaba na ako sa isang makitid na kalye na malapit lamang sa ospital. "Ano ba nag nangyari?" tanong ni Michael sa akin.

"Kailangan kong pumunta ng Baguio, Michael. Kailangan kong makausap si Mang Ricardo para patunayan na si Xander ang mamatay tao. Dahil pinatay niya ang kakambal ko."

Nakanganga lang si Michael.

"Paniwalaan mo ako, Michael. Hindi ako baliw," dagdag ko.

"Pero paano ka makakapunta roon?"

"Hindi ko alam." Napasabunot ako sa sarili ko.

Natahimik kami ng limang segundo . . . "May extra ka bang maski t-shirt man lang diyan sa loob ng kotse mo?"

Tumango siya at nagtungo sa back trunk ng kotse niya. Sinundan ko siya roon at nakita namin ang isang duffle bag.

"Mabuti na lamang ay hindi ko pa inilabas ang t-shirt ko galing sa gym."

Binuksan na niya ito at nakita ko ang trunks at mga iba pang kagamitan niya para sa gym niya. Kaagad niyang hinablot ang trunks na para bang ikinakaihiya niya iyon. Bahagya akong napangiti dahil doon. 

Kinuha na niya ang puting t-shirt. "Iyan ang suot ko kaninang umaga. Walang pawis iyan, Yca."

Inabot ko ito, "Salamat, Michael."

Pumasok na muna ako sa loob ng kotse para isuot iyon, nakita ko naman nakatalikod si Michael. Pagkalabas ko ay saka lamang humarap si Michael. "Salamat, Michael. Kailangan ko nang umalis."

Tumalikod na ako sa kaniya para maglakad palayo.

"Teka lang!" tawag niya.

Lumingon ako sa kaniya at nakita kong may kinuha siya sa kaniyang bulsa sa likod ng kaniyang pantalon. Kinuha niya ang kaniyang kalupi at saka kinuha ang lahat ng pera na nasa loob. "Alam kong wala kang perang dala-dala. Mag-ingat ka roon."

𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (PUBLISHED) Where stories live. Discover now