Well, wala naman akong magagawa. Nakakahiya ring humindi sa adviser ko. Kahit na labag sa loob ko, kinuha ko na aking aking cellphone at nag-reply.

Sa tingin ko naman, hindi naman magagalit si Mom dito. Hindi naman ako totally sumali sa cooking contest gaya ng sabi niya. Moral support lang naman ang gagawin ko ata room.

Pagkasagot ko sa adviser ko, nag-notif na naman ang Wattpad app ko. Naka-receive naman ako ng message from talahulugan. Halos naging close na rin kaming dalawa since i-promote ko ang story niya.

Masayang kausap si talahulugan at may humor siya. Siya ang madalas kong kausap patungkol sa Wattpad stories. Nagra-rant na rin ako sa kaniya about sa mga hinanaing ko sa sinusulat niyang kuwento.

I never expected that I'd be close to him. I'm once a Wattpad reader and now we're friends (I think) with one of my favorite writers.

"Coast, I have a question for you. Babae ka, alam kong masasagot mo ito. Nahihirapan kasi akong isulat ang next chapter sa on-going story ko," basa ko sa una niyang mensahe.

"If you have a crush on someone, ikaw ba ang gagawa ng first move o hihintayin mo na lang siya?"

Agad akong nagtipa sa aking cellphone nang mabasa ko ito. Siyempre para sa akin, ako na ang gagawa ng first move, makapal ang mukha ko eh. Bukod dito, gusto ko rin kaagad malaman kung crush din ba ako ng crush ko. Kasi kung hindi, aalisin ko na siya sa listahan ng mga hinahangaan kong tao.

Bakit mo naman kasi ipagpipilitan ang sarili mo sa taong hindi ka gusto? Besides, sa opinyon ko, wala namang masama na mag-first move ang babae. Iba iba naman kasi ng pananaw ang mga tao at ito ang akin.

Tinanong ako ni talahulugan kung nagawa ko na ba ito at sinagot ko ito ng tapat. Nakatalong first move na ata ako sa mga crush ko at hindi ako magsasawang gawin ito paulit ulit, kahit na ma-reject ako.

Sa aking palagay, mas ayos nang mag-take a risk ka kaysa naman magsisi ka sa huli. Baka crush ka rin pala ng crush mo, kaso nagkakahiyaan lang kayo. Sayang naman 'di ba?

Ito ang sinagot ko kay talahulugan. I don't know if he would agree with me, but that's my perspective. Iyong iba siguro mas gugustuhin nila na ang lalaki ang gumawa ng first move. Okay naman 'yon, kaso lang nasa modern day na tayo. Hindi lang ang lalaki ang may karapatang gumawa ng paraan upang magtapat ng nararamdaman sa taong natitipuhan mo.

-- 10:30 PM --

talapeligro
Girls like me can do the first move. People should take a risk confessing your feelings to someone. Mas okay nang ma-reject ako pero at least I tried. Kaysa naman magsisi ako bandang huli nang hindi ako umaamin.

Asterisk is my first name, what's the purpose of the word 'risk' on it if I didn't use it, right?

--- 10:32 PM ---

talahulugan
I like your answer and stance on my question. I'll take note of that. Thank you and good night. Baka nakakaabala pa ako sa beauty rest mo.

Ito ang natanggap kong tugon niya. I smiled because of that and immediately responded.

--- 10:32 PM ---

talapeligro
Hindi ko na kailangan ng beauty rest dahil maganda na ako.

Napatawa muna ako sa sinabit kong ito bago ko dugtungan ang aking sagot ng  you're welcome. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nasabi ko 'yon.

--- 10:33 PM ---

talahulugan
I know that you are beautiful < 3

Eyes of Imperfection | Sixth of Ace: CoastWhere stories live. Discover now