Tahimik akong naglakad papalapit hanggang sa nagiging malinaw sa akin ang tinig ni Alice. Huminto ako sa isang puno at doon nagpasyang magtago.

"Masasaktan ka lang sa pinapasok mo, Draven!" Alice cried.

Hindi umimik si Draven.

"Ferrarin siya! Sila ang rason kaya lugmok kayo! Kaya nakulong ang Papa mo! Kaya namatay si Tita—"

"Please don't include my mother's death," ang mahinahon na tinig ni Draven.

"Dahil totoo naman! At ang nangyari sa pamilya mo, mangyayari rin sa'yo! Kaya huwag mo nalang ituloy 'yang binabalak mo! Hindi ka naman niya gusto!"

Humalukipkip ako. Bumuntonghininga si Draven.

"Nangako ako kay Mama—"

"Huminto kana, Draven! Ikaw ang kawawa! Huwag mo nang ituloy ang balak mo! Hindi na kita kayang suportahan sa bagay na 'to!"

She's right. Sapat na ang mga narinig ko para umalis doon at huwag nang makiusyoso pa sa kanila.

Nagbihis ako at noong bumalik, naroon na si Draven at Alice sa grupo. Halata ang pamumugto ng kanyang mga mata. Si Trison, nang makita ako, ngumisi pa! Nagawa pang sumenyas na isusumbong ako.

"Uuwi na ako," si Alice na biglang pinagkukuha ang gamit.

Ang ngisi ni Trison ay napawi. Tiningnan siya ni Draven habang desidido na si Alice sa pag-alis.

"Uuwi na ako, Draven," ulit ni Alice at tiningnan ito.

"Ako na ang maghahatid sa'yo. Walang lisensya si Draven," si Sanders.

"Sanders," tawag ko kaya napatingin silang tatlo sa akin.

"Ako na. Give me your keys. I'll drive her home," sabi ko.

Kita ko ang pag-ahon ng tingin ni Draven sa akin. Kahit si Alice ay nagulat.

"Wala kang lisensya—"

"I know them. They will let me pass," I smirked.

"Still," si Sanders na talagang napaka estrikto.

"Ako na," mas matapang kong saad.

Kita ko kung paano nahubog ng malalim niyang tingin ang kanyang ekspresyon. He's serious.

"Basta Ferrarin talaga," iling niya sa sarili at mukhang suko na lalo na't nakikita kong dinudukot niya na ang susi sa bulsa.

"Sasama ako," si Draven sa seryosong tinig.

"Huwag na. I want to talk to your friend," sabi ko at sinalo ang inihagis na susi ni Sanders sa akin.

Alice looked at me with doubts. Inikot ikot ko sa aking daliri ang susi at tiningnan si Alice na nagdadalawang isip pa ata na sumama sa akin.

"Come on. As if I'm gonna eat you whole," I chuckled.

Humigpit ang pagkakahawak ni Alice sa kanyang gamit at tumingin kay Draven na nakahalukipkip. Binawi niya ang mga mata at naglakad patungo sa akin.

Tahimik kaming tiningnan ng mga boys na umaalis na. Lumebel ako kay Alice. Mas matangkad ako ng ilang dangkal sa kanya. Nakayuko siya, namumula pa rin ang mga mata at walang imik.

"How old are you?" tanong ko.

Umahon ang kanyang tingin at tiningnan ako ngunit saglit lamang.

"Sixteen," mahina niyang sabi.

"You like him," ngiti ko na ikinagulat niya.

Umiling siya ngunit namumula. Tumingin ako sa aming dinadaanan at hinila siya sa hindi maputik na daanan.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon