"Hey!" Si Irah Fleeden naman ngayon ang bumungad sa akin. Ang sexy niyang tingnan sa suot niyang black stringed bikini. Pinagtitinginan siya ng mga lalaki pero mukhang ayos lang sa kanya.

"Hey." Bati ko sa kanya. "I got invited b-"

"It's okay. It's great you're here." She smiled.

Pinasadahan niya ako ng tingin kaya tiningnan ko rin ang suot ko. I'm wearing white shirt and black leggings not totally a swimwear!

"Hindi ako sanay magsuot ng ganyan." Tinuro ko ang suot niya. "Kaya..." Ngumiwi siya at tinalikuran ako.

"Anyway, I know you're Cross's girlfriend but please, Quinn is mine, sis. Alright?" She faked a smile before turning her back on me. "Just saying."

Kunot-noo ko siyang sinundan ng tingin. What the hell did she say? Bago pa ako mawindang sa mga sinabi ng babaeng iyon, bumaba na rin ako. Naabutan kong tinapunan ni Quinn ng damit iyong Irah Fleeden.

"Selos ka na ba niyan, Quinn?" Rinig ko din ang tawa niya na parang inaasar ang lalaki habang sinusuot ang binigay na damit. "Don't worry, sayo lang 'to. Sayo lang ako!"

Hapon na at nagkasiyahan pa sila. Tumatagay din ako paminsan-minsan pero kapag ako na ang susunod na iinom, inaagaw agad iyon ni Kian na sinasabayan naman ng kantyaw ng mga kasama.

"So guys, wanna play? I'll call this game a 'Confess-You-n'!" Si Irah Fleeden na halatang lasing na dahil namumula na ang maputi niyang balat. Pinapatigil na siya ng isang babaeng katabi ngunit ayaw magpaawat. "So, here's how it goes. All you have to do is to confess your feelings to the person you like whether that person is here or not. You don't need to tell the person's name...but if you want to, then that's great!"

What a play! Meron bang ganitong game? Loka talaga.

"Who wants to confess first?"

Nagkatinginan ang iilan at nahihiya pa. Ang iba naman nagsimula nang magtuksuhan.

"Si Pres!" Sigaw ng isang lalaki. Namula ang mukha ni Kian habng tinutukso siya ng lahat. Tinutukso sa akin.

"Alright! Pres, it's your turn!" Si Irah Fleeden.

I feel the awkwardness within myself. As if I don't want to hear Kian's confession because I know, he'll confess to me. Dream on, Rielle! You're so full of yourself!

"I don't know what to say." Nahihiyang sambit ni Kian.

"Oh come on, Pres! Just tell her you like her and-" Naputol ang sasabihin ni Irah Fleeden dahil pinigilan na siya ni Quinn.

"Okay." Huminga muna ng malalim si Kian bago nagsalita, nakayuko, pinaglalaruan ang maliliit na bato sa harapan. "When I first saw her, and met her, I've never been interested in anyone else. Her name is my favorite word. Ang tapang niya. She doesn't even know her effect on boys at school, of course, on me everytime she's walking. She's unpredictably beautiful." Hindi mawala-wala ang ngiti niya sa mga labi.

"Sino ba iyan, Pres?"

"Sabihin mo na ang pangalan ng maswerteng babae na iyan!"

Umangat siya ng tingin diretso sa akin. Lumunok ako ng ilang beses at nag-iwas ng tingin. This is crazy!

"I like you, Rielle." Walang patumpiktumpik na sabi niya habang nakatitig sa akin. Mukhang lasing na ang isang ito kaya kung ano-ano ang lumalabas sa bibig.

"Yun! Pumapag-ibig na si Pres ah!" Sigaw nila.

Sanay akong walang nagmamahal sakin but knowing that you are loved by someone is the best feeling you could ever have. Hindi ko alam ang sasabihin. I remained silent. I just don't feel like talking.

"My turn!" Si Irah Fleeden ulit. Hindi na siya nagpaawat at nag-confess na. Hindi ko na masyado binigyan ng pansin dahil okupado lahat ni Kian at ng confession niya ang utak ko.

Pagod pero masaya ang lahat na bumiyahe pabalik sa pampang. Kahit sa bangka, hindi pa rin sila tumitigil sa panunukso sa amin ng Pres nila. And I hate it! I hate the idea of him liking someone like me.

Nanliit ang mga mata ko nang unti-unting dumadaong ang sasakyan. I saw a man standing. Sa postura niya, mukhang ilang oras na doon naghihintay dahil nakapameywang pa. I'm not sure if it's Cross dahil lasing na rin naman ako, kung ano-ano nakikita ko.

"Hi Senyorito Cross!"

Fuck!

"Hindi ka sumama sa amin, Senyorito!"

"Cross."

It's Cross! Nakakunot ang noo habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata. I couldn't look at him. He's angry! Ano bang ginawa ko? May kasalanan na naman ba ako?

"Let's go, Rielle." Si Kian na nakaabang na sa baba at nilalahad ang kamay sa akin. Iaabot ko na sana kaso nagsalita si Cross.

"Ako na, Ignacio." With his cold baritone voice. Hindi na siya humingi ng permiso sa akin at agad naman niyang hinawakan ang bewang ko at ibinaba ako sa lupa na.

"Ano ba! Bitaw nga!" Hinaklit ko ang braso ko sa pagkakahawak niya nang kaladkarin niya ako palayo sa mga kasama. Hindi nila kami napansin dahil diretso na silang umuwi.

"Fuck!" Sigaw niya matapos marahas bitawan ang braso ko at tiningnan ako ng masama. Nagtitimpi ng galit. But I know for sure, he's pissed already.

"Fuck you!" Sigaw ko sa kanya.

Eh gago pala siya! Kaladkarin ba naman ako kung hindi siya bobo!

"Rielle!" Tawag niya sa akin nang iwan ko siya at naglakad na. "Rielle! You're drunk! Fuck!"

Gago! Gago talaga! Magsama sila ng Pia niya tutal doon naman siya naniniwala, eh di doon na siya!

"Iuuwi na kita, Rielle! Lasing ka. Please. Rielle!"

"Umuwi ka mag-isa mo! Hindi ako lasing! Kaya ko ang sarili ko noh! Lumayas ka, huwag kang magpapakita sa akin!-Cross!" Sinikop niya ang mga binti ko at binuhat ako pabalik sa sasakyan niya. "Ibaba mo ako! Gago ka ba? Hindi, gago ka nga! Ano ba?!" Pinagsusuntok ko ang dibdib niya sa gulat at pagkairita!

"Fuck you, Cross!" Muntik pa akong mauntog sa may sasakyan niya nang maipasok niya ako doon. Nagmura din siya ng isang beses saka sinara ang pinto bago pa man ako makalabas.

Diretso siya sa driver's seat saka pinaandar ang sasakyan. Sumisigaw pa rin ako dahil sa galit sa kanya.

"Put your seatbelt, Rielle. Huwag kang makulit." Hindi ko siya sinunod. Tinigil niya ang sasakyan sa gilid at siya na ang nagkabit no'n sa akin.

"How dare you, Sullivan!"

"Lasing ka, Rielle. Magpahing-"

"Fuck you! I hate you! I hate you so much!"

"Kailan mo ba ako nagustuhan? Ha, Rielle?" Natigil ako saglit dahil sa seryosong tanong niya pero binalewala ko iyon at nagpatuloy nalang sa kakasigaw hanggang sa hindi ko namalayan na wala na akong imik, tahimik na nakamasid sa labas habang umaandar ang sasakyan.

Sumalubong sa akin ang malamig na hangin lalo na ngayon na malapit nang gumabi. Niyakap ko ang sarili at doon na lamang naramdaman na basa pa pala ako.

Hinanap ko ang bag na dala ngunit wala dito. Shit! Saan ko nga ba naiwan iyon? Baka sa isla pa? Naloko na!

"Ayoko pa umuwi." Nakabusangot na sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Where do you want to go?"

"Ibaba mo nalang ako diyan sa gilid."

"No."

"Edi wag! Bahala ka diyan, matutulog ako!" Iritadong sabi ko sa kanya at pilit na ipinikit ang mga mata.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Where stories live. Discover now