Kasama si Quinn na nakasuot ng uniporme. Nakikita ko siya dito sa eskwelahan pero hindi madalas dahil nga graduating na din ang batch nila. Ang palagi niyang kasama ay ang mga kasamahan niya sa Council at minsan nakikita ko din na nakabuntot sa kanya 'yong babaeng nasa restobar matagal na.

"Good morning, Senyorito!" Kanya-kanyang bati ang mga estudyante. Kulang nalang lapitan na nila ito at makipagkamayan pa.

What is he doing here? Kailan siya dumating? Ilang buwan din siyang nawala. At ang sabi ni Don Idefolso, may trabaho sa Maynila kaya hindi makauwi.

"Miss, anong sayo?" Biglang sabi ng babae sa harapan kaya nawala ang tingin ko kay Cross.

"Kanin saka adobo lang, Miss. Tig-isang order lang saka tubig na rin."

"Gawin mo ng dalawa." Si Senyorito Cross na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala. "Ang konti mo kumain, Rielle. Kaya ka namamayat." Panlalait niya pa.

Napasinghap ang iilang estudyanteng nakatingin ay nakikiusyoso sa amin. Gulat dahil kinakausap ako ni Cross. Para bang bago lang ito sa paningin nila. Ang iba, pasimple akong iniirapan sabay hawi ng kanilang buhok.

"Ayos na ito. Hindi ko mauubos kung madami." Sabi ko sa kanya sa mahinang boses.

"Edi sasabayan kitang kumain. Tamang-tama, gutom na rin ako. Baka mamayang hapon pa ako makauwi." I'm not asking Senyorito! "Gusto mo juice?"

"Huwag na." Inirapan ko siya dahil sa tanong niyang wala namang kwenta! Hell! I won't drink juice, ever again!

Kukunin ko na sana ang order ko para makaalis na ngunit nagsalita ulit siya.

"Ilagay mo nalang sa isang tray, Miss. Ako na magdadala. Ako na rin magbabayad." Gulat akong napalingon sa kanya. Pakialamero. Hinayaan ko na lang siya dahil ayokong pagpiyestahan ako ng mga estudyante dito.

"Rielle, 'yong usapan natin ah." Sigaw ni Kian bago pa man ako makaalis. Tumango ako.

"Let's go." Si Cross sa malalim na boses. Sabay kaming naglakad patungo sa lamesa nila Andeng. Pinagtitinginan ulit kami ng mga estudyante. Nakakahiya!

"Dito ka na, Cross. Sabay tayong umuwi mamaya ah." Si Sofia. Tumabi naman ako agad kay Andeng. Kinuha ko lamang ang order ko kahit na sobra at iba-iba ang inorder ni Cross para sa aming dalawa.

Nag-uusap-usap sila habang ako tahimik lang hanggang sa si Kevin ulit ang nagbukas ng usapan tungkol sa bagong project ng mga Sullivan.

"Tumutulong ka pala sa pagttrabaho ng bagong building dito, Cross." Si Kevin. "Kailan ka nga pala dumating?"

"Oo, wala naman akong ginagawa sa bahay kaya minabuting bisitahin ko ang pinapagawa ni Lolo at tumulong na rin. Saka kaninang madaling-araw lang, medyo traffic kasi." Sagot niya dito." Kumain ka pa, Rielle." Sabay latag ng dalawang putahe ng ulam sa harapan ko. Napasinghap ako pero mabilis lang iyon.

Ang yaman nila. Bukod sa isa ang pamilya nila sa may-ari ng buong eskwelan na ito, nagiinvest rin sila sa iba pang eskwelan dito sa probinsya. Unfortunately, may bago na naman silang building na pinapagawa dito sa loob ng campus.

"Mukhang mapapadalas ang pagbisita mo dito, Senyorito ah. May gusto kang makita noh." Pang-aasar ni Andeng at pasimple akong kinurot sa tagiliran sa ilalim ng mesa na agad naman siyang sinita ni Sofia.

"Naku Andeng. Kung ano-ano ang sinasabi mo. Magtigil ka nga." Iritadong saad naman ni Sofia.

"Sinasabi lang ni Andeng, Sofia. Baka naman may gustong makita si Senyorito dito kaya siya bumibisita na hindi naman niya dapat ginagawa dahil marami naman silang tauhan." Sabat naman ni Ralph.

"May bago kang girlfriend, Senyorito?" Si Fernan naman ngayon.

"Balita ko, may girlfriend ka sa kabilang eskwelahan, Senyorito? Ano nga bang pangalan no'n... Binanggit lang 'yon no'ng babae kanina sa jeep. Ano nga pangalan no'n, ate?"

"Wala siyang girlfriend, And—" Si Sofia.

"Keish." Sabi ko na lang at tumayo na. Gago talaga! "Tapos na ako." Walang ganang sabi ko. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at naglakad na ako daladala ang tray ng pinagkainan ko.

Hindi ko namalayan, Biyernes na naman. Nakasalubong ko ulit si Kian sa pasilyo buti nalang may kumakausap sa kanya kaya hindi niya ako nagawang bulabugin ulit. Araw-araw niyang pinapaalala sa akin ang tungkol sa outing nila. Araw-araw ko din siyang tinatanggihan pero sadyang makulit din kasi ang isang ito.

Kakatapos lang ng PE namin at nagpahinga ako saglit sa likod ng eskwelan. Saglit lang iyon at bumalik na ako sa room.

"Balita ko, inaakit niya si Senyorito Cross."

"Hindi naman maganda ah. Si Sofia, maganda na, matalino pa."

Diretso lang ang lakad ko kahit alam kong ako ang pinagtsitsismisan nila. Binalewala ko iyon.

Palagi nalang ganito sa tuwing papasok ako. Ako palagi ang topic nila. Wala na bang bago? Eh ito naman kasing si Senyorito Cross, paanong hindi ako mapaguusapan eh palaging nakabuntot sa akin. Palagi kaming magkasabay kumain sa canteen kahit sinasadya kong magpahuli papunta doon. Sinasabay na niya rin ako pauwi dahil nagpaalam naman na daw siya kay Nanay kahit tanggihan ko. Palaging bumibisita sa bahay. Ano nalang gagawin ko sa kanya?

Hindi naman siya nanliligaw and he didn't tell me anything about it. Ano bang ginagawa niya? Binibigyan niya ng maling akala ang mga babae dito na nagkakandarapa sa kanya.

"Oportunista!" Pagpasok na pagpasok ko sa room, iyon agad ang ibinungad sa akin ni Sofia na mugtong-mugto ang mga mata sa kakaiyak. Nanlilisik din ang mga mata ng mga kaklase ko na nakatingin sa akin.

Gigil na hinawakan niya ang braso ko at muntik na niya akong masampal buti nalang nahawakan ko ang kamay niya.

"Ano bang problema mo?! Bitaw nga!" Sigaw ko at itinulak siya ng malakas dahilan ng pagkadapa niya sa sahig.

"Rielle!" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Cross at dinaluhan si Sofia. "Anong ginawa mo?"

What a scene!

I really hate two faced people. It's so hard to decide which face to slap first. Ang amo ng mukha kapag nasa harap ni Cross, dragon naman kapag nakatalikod. Tss!

"Tinulak niya ako, Cross." Si Sofia na parang batang nagsusumbong sa nanay niya at nagsimula nang umiyak.

Tinaasan ko siya ng kilay. Si Senyorito naman, matalim ang titig sa akin. Hindi ako nagsalita. Silence is the best way to react while angry. Naku Senyorito. I don't care if you believe her or not. Oh Rielle, of course he'll believe her! Magkababata sila at ikaw? Bagong salta ka lang dito. Sino sa tingin mo ang papaniwalaan niya?

Tinalikuran ko na sila dahil umiinit ang ulo ko.

Nakasalubong ko si Kian. Magsasalita na sana siya nang unahan ko na. "Sasama ako sa Sabado. Anong oras ba? Saan ang tagpuan?"

"Talaga? Mabuti kung ganoon. Alas-diyes. Daanan nalang kita para sabay na tayo, alam ko naman kung saan ang sa inyo eh." Isang tango lang ang ibinigay ko at umalis na.

I cut my class again, nawalan ng ganang pumasok sa susunod na klase. Dumaan ulit ako sa likod at tinalon ang pader palabas.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Where stories live. Discover now