Prologue

10 1 1
                                    

(This is my first story to share because I have a lots in mind such as imagining and making scenarios in my mind. I apologize if there are misspelled or wrong used of words in a sentence. Anyways, Enjoy reading!)

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

DISCLAIMER: This is a word of fiction. Names, characters, business, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.

                                           ***

"oy tara gala na agad!" bungad ni Celine. Nagkita-kita na kasi kaming mag-kakaibigan after 3 years mawalay sa isa't isa dahil lumipat kami ng bahay at sa ibang city pa. I've decided to live separately from my family since I wanted to live by my own and ayaw ko nang mag-depend sakanila.


"Agad-agad? 'Di ka pagod n'yan?"patanong na sagot ni Yela.


"Pahinga muna tayo. Kakarating-rating lang natin oh!" dagdag pa n'ya. "Fine." sagot naman ni Celine sabay irap. Tumawa lang ako nang mahina dahil most of the time sila 'yung 'di mag kasunduan.


Around 4pm na silang nakarating dito sa condo kaya sabi ko bukas nalang kami umalis para mas mahaba 'yung time ng bond naming tatlo at para makapag-pahinga na rin sila. Tumango nalang sila at naghanda ng susuotin pan-tulog.


Nagulat ako sa lakas ng sound na narinig ko na naging dahilan ng pag-gising namin ni Yela.


"Bwisit ka talaga Celine!" inis na sabi ni Yela. Nag-play ba naman nang malakas na tunog ta's naka max volume pa. "argh! panget kaagad start ng day ko!" Tuwang-tuwa naman si Celine sa ginawa n'ya at para bang hindi na-guilty sa ginawa.


 "Ang ulol mo talaga no?" inaantok na sabi ko at tinawanan n'ya lang.


Nauna na akong bumangon para mag-hilamos at bumaba na para mag-luto ng breakfast habang inaayos naman nila 'yung mga pinag-tulugan namin. Nag-luto lang ako ng bacons and sunny side up eggs. Nasunog pa 'yung isa. Putcha.


Pagkababa ni Yela sinabihan ko na s'yang mag-timpla ng juice at tumango naman s'ya. Narinig ko na rin ang mga yapak ni Celine pababa ng hagdan kaya pinag patuloy ko na lang ang pag-luluto at pag-hahanda ng plato and untensils sa lamesa.


Nataranta kami dahil sa malakas na sigaw ni Celine nang madulas s'ya sa hagdan. Pinuntahan kaagad namin ni Yel at siniguradong ayos lang s'ya kahit oblivious namang hindi.


"Omg Ce, Are you okay?" tanong ko na may pag-aalala sa mga mata. 


"Tangina, sino ba kasi 'yung nag-lagay ng crayons dito?" Pumasok kaagad sa isip ko si Sierra, dog ko. "At mukha ba akong okay ha? ha?" sabay turo sa sarili. 


"I'm so sorry. Panigurado si Sierra kasi mahilig s'ya mag pick-up ng mga bagay tapos nilalagay kung saan-saan." sagot ko naman sa tanong n'ya.


"Ayan karma ka tuloy" pang-aasar na sabi ni Yela.  Sinamaan s'ya ng tingin ni Celine habang tumatawa naman si Yela kaya napatawa na lang din s'ya.

Arcade LoveWhere stories live. Discover now