Chapter 4

2 0 0
                                    

"Goodmorning Mam. Welcome to Jollibee." Bati ko sa customer na pumila sakin. Gumanti rin naman sya ng bati sakin. Ganyan ang mga bet kong customer yung bumabati din. Umorder sya ng breakfast longganisa at hotdog parehong coffee yung drinks. After,maassemble yung order, nagbuzzer ako to call the attention of the dining crew. " Dining assist please!" Sigaw ko para maassist si Mam. Lumapit si kuya Martin. Regular crew sya dito sa Jollibee Orani. Actually gwapo sya. Matangos ang ilong, mapupungay ang mga mata, maganda yung pangangatawan. Hindi naman sobrang macho na gaya ni Daniel Matsunaga. May mga baby fats pa rin. May isang unique mark si kuya, iyon yung balat nya sa kaliwang kilay. And that does not cause any ugliness to him. Mas lalo syang gumwapo dahil dun.

Nga pala, sa aming apat na nagapply ako lang ang natawagan for final interview. Kaya heto ko ngayon solo flight. May mga close friends na rin naman ako dito. Two months na rin naman akong nagwowork dito sa Orani.

Kuya Martin: Anu ba yun Musang?
Me: Tse. Hindi ako si Musang. Assist mo na lang si Mam.
Kuya Martin: Luh, pikon ka na nyan?
Me: Hindi noh, di naman ako napipikon.

Nung una hindi ko pa narerealize yung existence ni kuya Martin sa store although nakikita ko na yung picture nya sa organizational chart ng store. Di rin kasi kami naguusap or talagang nagkikita every duty namin.

Ang totoo madami akong crush sa store na toh, pero si Kuya Martin ang greeeaaateeeest crush ko. May diary pa ko na laging sya yung topic ko. Nakasulat dun yung araw na pareho kami ng suot na damit at sabi kong soulmate kami. Nakasulat din dun yung araw na sya yung una kong nakita kaya kumpleto na yung araw ko. Nakasulat din yung mga araw na hindi ko sya nakita kasi nasuspend pala sya. Ang dami kong sulat don na tungkol sa kanya. Ganun ako kapatay na patay kay Kuya.

Iba kasi si kuya. Kahit na gwapo sya, humble pa rin sya. Hindi sya mayabang at sobrang bait pa.

Pero never akong naging vocal sa feelings ko sa mga workmates ko. Alam ko kasing di lang toh simpleng crush. At hindi ko ipagsasabi ang feelings ko dahil alam kong wala akong pagasa na magugustuhan nya rin ako.

Nagtataka siguro kayo bakit si Kuya ang bukambibig ko. I broke up with Bruce. Ayoko na din kasi ipagpatuloy yung relationship na alam kong walang patutunguhan. I don't know pero masaya ko sa naging desisyon ko. Siguro kasi ramdam kong may kuya Martin na darating. Wahahaha. Ang lander ke lengs.

Mabilis lumipas yung araw medyo close na kami ni Kuya Martin. Lagi nya kong tinutuksong Musang o kaya pag dadaan sya sa likod ko susundutin nya yung tenga kong may kuntil. That is us everyday. Masayang naglolokohan at nagbibiruan.

A broken loveKde žijí příběhy. Začni objevovat