Chapter 1

22 0 0
                                    

"Tyakan naman na yan,katagal naman ni Jeff. Kainit eh" reklamo ni Faith habang naghihintay sa isa naming kasama. May examination kasi kami sa inapplyan naming fast food chain kung saan bida lagi ang saya ang JOLLIBEE!

Actually, lahat kami naging crew na sa Jollibee dun sa bayan namin. Pero dahil nag-end na yung contract namin nagapply kami sa ibang branch.

But before I continue my story, I will introduce myself first. Medyo baka makalimutan kong magpakilala, hehe. Ako nga pala si Nica Magat short for Veronica. Graduate naman ako ng Nursing pero dahil ang hirap maghanap ng work,ayan nagapply ako sa Jollibee. Hmm, from Dinalupihan ako. Part of Bataan just for additional info. May bf ako ngayon actually kasama ko sya mageexam. His name is Bruce. Syempre ayaw namin maghiwalay kaya magkasama kaming nagapply together with Jeff and Faith. Hindi ako katangkaran, hindi rin katabaan. Sakto lang. Alam kong hindi ako ganun kaganda pero sabi nila cute daw ako. Hindi ko alam if totoo pero pinaniniwalaan ko,hahaha. Hindi kutis artista na maputi pero kayumanggi. Should I say parang Alessandra de Rossi o Angel Aquino ang complexion ko. Pinay na pinay.

"Uy, sorry late ako. Tagal ng jeep eh." Si jeff. Sa wakas dumating na.
"Naku sabihin mo ikaw ang matagal" iritableng sabi ni Faith. Ganyan talaga sya mabilis mairita pero mahal ko yan. "Usapan kasi sabay sabay."
"Sorry na nga."super sorry ang tropa kong Jeff.
"Oh zsa zsa padilla wag na kayo magaway, pasok na tayo at baka malate pa tayo" sabi ko na lang sa kanila para wag ng mauwi sa pagtatalo yung dalawa kong tropa.

Pagkapasok namin sa loob, umakyat kami sa second floor. Dun daw yung examination area according kay manong guard. Umupo na kami dun kami sa may bandang dulo pumuwesto. Syempre tabi tabi kaming lahat. Alam na this,haha. Ako kasi ang magiging source ng sagot. Di naman sa pagbubuhat ng bangko pero may katalinuhan din naman akong taglay.hahaha.

After few minutes, dumating na yung magpapaexam. Si PC Bomz(short for product controller). Regular employee daw sya doon. Eh di sya na,hahaha. Binigay nya na yung answer sheet and test papers. After siguro ng 15 minutes I am done with the exam. Sisiw,haha. Ang totoo madali lang naman talaga yung exam. Simple logic, math and grammar lang yung inexam.

Nung tapos na kaming lahat. Si PC Bomz na din yung nagcollect ng papers. Syempre dahil sya lang naman yung nandun,hehe. Sinabi nya na ipopost na lang lahat ng pumasa after a week kasama na din yung schedule ng initial interview.

Umuwi na kami after that. Hinatid ako ni Bruce sa bahay. Three months na kaming dalawa. Madalang pa sa patak ng ulan kami magkita,di rin kami gaanong nagkakatext. So hindi ko sya maramdaman. Pero somehow, love ko naman toh. First boyfriend ko kaya sya after my 21 years of existence.

Gulat ba kayo dahil sya first bf ko?hahaha. Ganun talaga,studious kasi ako nung nagaaral pa lang ako. Wala pa sa isip ko yung magbf. Pero nung nanligaw sya siguro after one week kami na. Hahaha.. Di ko din alam sa sarili ko bakit ang bilis,siguro kasi dahil gusto ko na din maexperience yung may special someone.

A broken loveWhere stories live. Discover now