"Morning. Wake up, marami pa tayong pupuntahan. By the way nandyan ang parents natin and may dumating palang pulis kanina sabi ni manang pero sila mommy na ang kumausap." Bumangon naman ako agad

"Bat di mo ko ginising?"

"Alam kong pagod ka rin kaya sige na mag-shower ka na."papasok na sana ako ng bathroom ng magsalita sya ulit kaya napatingin ako sa kanya

"Ge may blower ka ba?"

"Check mo nalang sa cabinet may binili ako jan."

Hay hanapan na naman. Para kaming nangangapa sa kalsadang walang ilaw. Sana ligtas at nasa maayos na kalagayan ang anak ko. A man can always hope. Pagkatapos kong maligo nagulat ako sa nakita ko

"Gel anong nangyayari sayo?"umiiyak kasi sya habang hawak ang isang notebook

"Paano ka nagkaroon ng ganito?"naitanong nya habang titig na titig sa noteboom na para bang doon nakasalalay ang buhay niya. Umupo ako sa tabi nya.

"Kay Georgina yan. She told me to keep that. Bakit? Anong problema?"sagot ko habang hinahagod ang likod nya. Binaba nya yung hawak nya tapos bigla syang yumakap sakin. Naramdaman ko nalang na basa ang balikat ko

"Ssshh Gel dont cry mahahanap din natin si Georgina."pagaalo ko habang hinahagod sya sa likod.

"Ba-bas-sahin mo." kinuha ko yung notebook. Binuklat ko pero wala ng nakasulat sa sunod na page. Binasa ko yung huling nakasulat.

'Hi daddy if your starting to read this, backout. Hahaha daddy I'm happy. I know I told you not to read these nor open it but this notebook represents you. Kahit hindi pa po kita nakikita or kilala noon, I really love you na po. My birthday became very special when mommy introduce you as my dad. Daddy I was bullied by my classmates because I dont have a daddy. That's why I study well so I can excuse myself from classes. But daddy I also do that for you and mommy to make you both proud of me. I aim to be  the best in our class so mommy will grant my wish to live in the Philippines. Thats why I'm very thankful that God gave more than what I asked for. Daddy I want us to be family like Missirielle and the Kambal boys have. Ate Michelle said that we can be family even we don't sleep in the same bed but I want to have you both in my bed. Wag po sana kayo always mag-fight. Okay lang po kahit hindi tayo sa isang house nakatira basta happy lang po kayo ni mommy. Pero syempre po gusto ko pa rin kayo kasama sa isang house. Huwag na po kayo maghiwalay ni mommy ah huwag nyo na po akong iwan. I love you Daddy.'

Hindi ko masisisi si Gel kasi kahit ako naluha rin. Ang laki pala nga naging epekto ng sitwasyon namin kay Georgina. Niyakap ko si Gel at hinalikan siya sa ulo.

"Mick Gerald hinhintay na kayo ng magulang nyo hindi pa daw ba kayo lalabas?"sigaw ni nay Lydia mula sa labas matapos nitong kumatok.

"Sandali nalang ho nay susunod na.."sagot ko kay nay Lydia. Bumalik ako sa pagpapatahan kay Gel.

"Im sorry Ge kung hindi ko sana nilayo sayo si Georgina hindi sya masasaktan ng ganyan."nakayakap pa rin sya sa akin habang patuloy na humihikbi

"Gel hindi lang ikaw. Kasalanan ko rin ok? Kaya tama na please hahanapin na natin sya at ibibigay natin sa kanya lahat ng kaya natin."ayaw nya talagang tumigil. Hinawakan ko sya sa balikat and made her face me. Namumugto na yung mata nya at umiiyak parin

"Gel ang mahalaga ngayon mahanap natin si Georgina ok? Dahil pag nahanap na natin sya we will make it up to her. Lets be strong ok?" Then pinahid ko yung mga luhang tumutulo mula sa mata nya. Tumango tango sya tapos hinawakan nya yung kamay ko na nakapatong sa pisngi nya

"Ge hanapin na natin sya. Nami-miss ko na sya. Kailangan na natin sya mahanap. Dahil habang tumatagal lalo akong nagaalala at nagiisip ng kung ano-ano. Ayokong lamunin ako ng mga iniisip ko Ge tulungan mo ko, hanapin na natin sya."nakatitig lang sya sakin. Nakikita ko yung sakit, pangungulila, at yung pagmamahal nya para sa anak namin.

"Oo Gel hahanapin natin sya sa lalong madaling panahon. Kaya tama na ang drama ok quarter to 10 na."then inalalayan ko sya patayo para sabay ng lumabas. Pero bago kami makalabas nagsalita ulit sya

"Ge salamat. Kasi pinipilit mong maging matibay para samin ni Georgina. Alam kong magiging mabuting daddy ka sa kanya." 'At mabuting asawa sayo' Gusto kong idugtong pero nginitian ko nalang sya.

"Good morning mom dad tito tita." Bati ko tapos yumakap lang sa kanila si Gel

"Baby what happened? namumugto ang mata mo?"puna ni tito sa kanya habang yakap ito. Humiwalay naman si Gel kay tito sabay hawak sa kamay nito

"Daddy help us. We need to find Georgina as soon as possible." Gel pleaded. Nakatinginan naman sila tito at tita, tas bigla nalang tumango si tita. Ang weird. May alam kaya sila?

"Yes baby we're here to help."sagot ni tito. Niyakap naman ni tita si Gel.

"Baby? Mickyel!!" Sigaw ni tita.

Bigla nalang nawalan ng malay si Gel buti nalang naalalayan ko sila ni tita, kung hindi dalawa silang babagsak.

"Gel wake up."sabi ko habang tinatapik sya sa pisngi.

"Gerald, dugo."sabi ni mommy habang may tinuturo sa baba. Napatingin naman ako sa tinuturo ni mommy.

Dugo nga, umaagos mula sa hita ni Gel.

"Dalhin na po natin sya sa hospital!!!" Sigaw ko. Buti nalang hawak ni tito ang susi nya kaya sa kotse na nila kami dumiretso.

Sa backseat ako pumunta habang buhat si Gel.

"Honey bilisan mo. Ang baby natin.." Umiiyak na sabi ni tita.

"Yeah dont be too hysterical. Hindi nakakatulong."sagot ni tito

"Oh God help our daugther please." Patuloy na dasal ni tita. Paulit ulit sa dasal ni tita na kahit ako ay nagdasal nalang rin.

'Gel maging matatag ka. Panginoon wag naman po ganto. Kakayanim ko naman lahat ng ibibigay nyong pagsubok huwag lang po sabay-sabay. Tulungan nyo po ang mag ina ko parang awa nyo na.'tahimik ko dasal habang hawak hawak ang kamay at mukha ni Gel.

"This is all our fault honey."biglang bulalas ni tita

"Bakit po tita?"tanong ko kaya napatingin ito sakin

"We're very sorry Gerald."huh? Ano bang sinasabi ni tita, nagugulahan na ko.

I dont have the chance to asked again dahil nakarating na kami sa hospital. Sinugod namin si Gel sa emergency room. Kasabay ang 3 nurse at 1 doctor.

Biglang may lumabas na nurse.

"Ano po ang nangyari sa pasyente bago sya isugod?"

"Bigla nalang sya hinimatay tapos may nakita nalang kaming dugo sa hita niya."sagot ko. Si tita kasi iyak lang ng iyak. Hindi makausap ng maayos. Mukhang kay tita nagmana si Gel. Pumasok ulit yung nurse sa e.r

"Gerald we're very sorry."biglang sabi ni tito

"No po wala po kayong kasalanan." Magalang ko sagot dito kahit sa totoo lang kanina pa ko nahihiwagaan sa ikinikilos at sinasabi nila

"Son be strong kaya mo yan. Kami muna ng mommy mo ang aasikaso sa paghahanap sa grandaugther namin." Biglang tapik sakin ni daddy na nakasunod pala sa amin the whole time. Niyakap muna ako ni mommy bago sila umalis, naiwan kami nila tito na naghihintay.

Hours have passed. Im nervous, ano bang nangyari kay Gel para tumagal sila ng ganto sa loob. Maya maya lumabas na yung doctor. Nilapitan agad namin sya.

"Doc what happened to our daugther?" Tanong ni tita

"Sino po ang asawa ng pasyente?" tanong ng doctor habang tumitingin samin. Umiling lang si tita as an answer.

"Im sorry to say but your daugther lost her child.."pagpapahayag ng doctor

"Po??!!"gulat na gulat kong tanong. Napatingin tuloy sakin si doktora,at mukhang alam nya na ang kaugnayan ko kay Gel

"Gusto ko sana kayong kausapin privately sumunod nalang po kayo sakin."tapos lumakad na ulit si doktora

"Gerald sumama ka."seryosong sabi ni tito. Nakakakaba yung tono ni tito.

The ConsequencesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon