CHAPTER 22

16 1 0
                                    

Nang matapos ako ay pumasok ako sa kwarto namin. Sakto namang paglabas ni Gel mula sa bathroom pero naka t-shirt at cotton shorts na ito.

"Kukuha lang ako ng pamalit. Sa kabilang room nalang ako."sabi ko sa kanya sabay punta sa drawer ko

"Ge...."

"Bakit?"tanong ko kahit hindi ko sya nililingon

"Can you please---stay. Kasya--naman tayo dito---eh."base sa tono ng pananalita nya, i know she's trying to imply something.

"Okay."sagot ko diretso bathroom. Ayoko syang tingnan dahil nanghihina ang loob ko. Lahat naman ng tao eh kahit anong tapang may kahinaan parin.

Paglabas ko narinig kong may kausap sya sa telepono.
'Thank you Arnold'-----
'Yeah i hope, as soon as possible'-----
'Im counting you in. Thanks again because you never leave us'---

Tsk si Arnold. The guy who'll never leave them, like i did. Nang mapansin ko tapos na syang makipag-usap pinatay ko na yung main light. Kaya lamp shade nalang ang bukas.

Kumuha ako ng comforter at unan ilalatag ko na sana nang bigla syang magsalita

"Dyan ka matutulog?"

"Obviously."

"Yeah I know. Pero sinabi ko kanina kasya tayo dito kaya you don't have to sleep on the floor." Ayoko ng makipagtalo kaya humiga nalang din ako sa kama pero nakaupo parin sya. Nakatingin lang ako sa kisame habang nakauna ang kaliwa kong braso tapos nasa right ko si Gel pero nakaupo parin.

Maya maya lang naramdaman kong humiga narin sya. Ang nakakailang lang alam kong nakatitig sya sakin. Pero pinili kong manahimik. Bigla ko nalang naramdaman na yumakap sya sakin. Nakaunan sa dibdib ko at nakadagan ang hita nya sa hita ko

"Ge---l"nauutal kong sabi. Kahit napapaisip ako sa pagkukulang at kasalanan ko sa mag-ina ko noon, natuwa ako dahil sa ginawa niyang ito. Ramdam kong mahalaga ako at kailangan niya ako sa buhay niya.

"Ssshh wag kang maarte, namimiss ko na toh."sabi nya.

"Dati palagi kitang nayayakap. Walang hesitation, walang walls pero ngayon hindi na." Pagpapatuloy niya at nanatili akong tahimik. I dont want to spoil the moment dahil kahit ako na-miss rin to

"Tsk ang daya mo. Hindi nga ako makatulog pero ayaw mo kong kausapin. Alam kong nagagalit ka sakin. Sorry kasi nilayo ko ang anak natin sayo for so many years tapos nawala ko pa. Hindi ko rin sinasadya na mapagsalitaan ka ng ganon kanina. sorry." Umayos ako ng higa at gumanti sa yakap niya.

"Don't feel sorry. Dont blame yourself, walang may gusto ng nangyari. At lalong hindi kita sinisisi dahil nawala sya at hindi rin ako nagagalit sa sinabi mo kanina. Ako nga dapat ang mag-sorry eh. Ang dami kong pagkukulang sa inyo. Wala ako nung mga panahong mas kailangan nyo ko kaya sisikapin ko na punan yon ngayon."sincere kong sabi

"Salamat Ge. Salamat daddy."tapos hinigpitan nya lalo yung pagkakayakap nya sakin. Pagtingin ang ko sa kanya, nakapikit na sya.

Napatitig ako sa mala-anghel nyang mukha. Manipis na kilay, mahabang pilik mata, matangos pero maliit na ilong, manipis na labi, mapulang pisngi. Ang ganda nya talaga. Inside ang out.

"I love you Mickyel Angela Rosales."i utter.

"Love you too."huh? Sya ba yun? Gising sya? Pero mukhang mahimbing na ang tulog nya. Itutulog ko nalang toh, puyat lang siguro..

**
**
**
**
**

Pagmulat ko ng mata ko si Gel agad ang nakita ko na may ngiting pilit sa mga labi.

The ConsequencesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon