"Anong iyakin? Umiiyak lang ako kapag natatakot ako." Inirapan niya ako at binalingan ang kinakain niya.

Mahina akong natawa at saglit siyang tinitigan. I'm glad that she didn't counter it—that she is my friend. Knowing her, napapansin niya lahat ng sinasabi ng kausap niya. Pero hindi niya 'yon kinounter.

"Pero. . . anong parusa 'yung gagawin do'n sa dalawang tukmol na 'yon?" Binalingan ko si Dorothy na ngumunguya.

"Galit na galit 'yung mga teacher sa kanila. Pinauwi na sila at pinadala sa principal kasama na rin agad ang parents. Most likely, expelled. Sayang graduating pa naman na. . . " Nagkibit-balikat siya.

"Mabuti kung gano'n. At dapat lang! Dapat 'wag na silang mag-aral. Mamatay na lang sila agad." I clenched my jaw.

Patagong natawa si Ferih pero narinig ko 'yon kaya nilingon ko siya. Tinaasan ko siya ng kilay at sinundot sa tagiliran niya. "Pinagtatawanan mo ba ako?"

Tinaasan niya rin ako ng kilay. "Bakit mo ako hinahawakan? Hindi naman tayo friend." Pinagpag niya pa ang tagiliran niya na parang nadumihan 'yon.

I scoffed loudly. "Wow! Nag-standing ovation ka pa nga no'ng nakita mo ako kanina. Nag-aalala ka pa. Tapos ngayon hindi tayo friend?"

Tiningnan ko si Dorothy na tumatawa. "'Di ba, Dorothy? Itong si Ferih, porket naka-bangs ka ngayon. . . ha?"

"Hoy! Hindi ko 'yan sinasadya. Woke up like this lang." Tinago niya ang pagtawa niya kaya kiniliti ko ulit siya kaya natawa na siya.

Humalakhak ako. "Ikaw ha. . . nag-so-sorry ka nga kagabi sa akin habang umiiyak. Hindi pa kita pinapatawad kaya mag-sorry ka ulit." Ngumisi ako nang nakakaloko.

Kinunotan niya ako ulit ng noo. "Nako! Pasalamat ka niligtas mo kami kagabi. Kundi dadagdagan ko 'yang sugat mo sa kamay. Nang-aasar ka na naman!"

"Aminin! Na-miss mo rin kaya!" nakigatong si Dorothy kaya mas lumawak ang ngiti ko at makahulugan na tiningnan si Ferih na ngayon ay may malaking ngiwi sa mukha. Ready na maging in denial.

"Bakit ko 'yan mami-miss? Puro kalokohan lang naman 'yung mga sinasabi niyan sa akin."

Hindi ko alam kung saan galing sa loob ko 'yung urge pero niyakap ko bigla si Ferih habang nakangiti nang malawak. Sinandal ko pa ang ulo ko sa balikat niya at bahagyang nag-swe-sway.

"Uy! Timoteo!" Pumipiglas siya pero alam kong nagpapanggap lang siyang pinipiglas 'yon.

"Na-miss kita. . ." sabi ko kaya unti-unti na rin niyang tinigilan ang pagpapanggap niyang pagpiglas at mahina na lang na natawa.

"Ayie! Bati na sila! Omg!" Nagtakip pa ng bibig si Dorothy.

Umayos na ako ng upo. Nakaangat ang tingin sa akin ni Ferih. "Pipilitin ko na lang 'yung sarili ko sa isang bagay na hindi ko kaya para lang maging kaibigan mo, Timoteo. Pasalamat ka." Ngumisi siya ng may pagmamayabang.

Malawak pa rin akong nakangiti sa kaniya. "I hope you tell me that someday. Kung bakit gusto mong iwanan na lang 'yung friendship natin kaysa ayusin. 'Yung totoong dahilan mo kung bakit hindi mo ako kayang suportahan kay Ferah."

Tumango siya. "Oo, sasabihin ko rin sa 'yo. Hindi ko lang alam kung kailan pero. . . sasabihin ko. I owe you that. Pag-ready na ako."

"Kahit kailan! Basta ang mahalaga ngayon ay bati na tayo. Hindi ko na 'yon uulitin. At sana ikaw rin 'wag mo na rin 'yon uulitin. Alam kong ginagantihan mo lang ako sa pang-aasar ko sa 'yo pero 'yung mga limitations dapat alam natin." Ginulo ko ang buhok niya.

"Oo na. Sorry na rin do'n. Nang-aasar lang din talaga ako no'n. At hindi namin kayo sinusundan. Ano kayo hello? Artista lang? Sino ba kayo? Mga tumatae din naman kayo kagaya namin." Ang maamo niyang boses ay naging mapang-asar bigla kaya nagtawanan kami.

It All Ends Here (The Ravels Inception #1)Where stories live. Discover now