CHAPTER 1

83 0 0
                                    

THE
NIGHTMARE

GIM POV.

Parang iba ang pakiramdam ko, nag-iinit nanghihina, palihim ko rin nilalabanan ang pangingnig habang hawak ang manubela.. Hindi ako mapalagay pakiramdam ko may masamang kaganapan kaming magagawa.

Kumbaga nagpapahiwatig yung katawan ko.

Ngayon nasa biyahe kami ako ang driver kaylangan ko lamang pagkaingatan. Higit pa dito kasiyahan ang aming pupuntahan.

"Gim?"

Baliwalang tumingin lang ako't marahang bumalik paharap dahil sa tawag ni Kayla.

"May problema ba..Gim?"

Tumingin akong nginitian siya nang tipid"W-wala naman By"Mahinhin na sagot ko.

"Hindi mapalagay yang mga mukha mo"Dumikit muli sya sakin na hinimas ang abs.. ngumiti lang ako.

Kilala na ni Kayla ang bawat expression ng mukha ko. Alam nya kapag selos may problema pag-aalala sa akin. Sa tatlong taon namin magkarelasyon gamay na gamay pa niya ang bawat weather nang pag-uugali ko. Kahit magsinungaling magtago oh supresa kabisado niya na.

Kasabay nang pagtingin ko sa backseat.

Si Akihiro ang Besfriend ko sa kaliwang seat. Pinaggigitnaan naman yung bading na friend ni Kayla si Neri at yung sa kanan si Joana.

4:00 PM

Lima kami patungo sa kilalang Resort hot spring pool dito sa Bokod Benguet. Nasa loob na rin naman kami ng Bokod, ilang minuto na lang rin naman nasa Resort na kami.

"Butter pop corn mga akla baka bet niyo?"Inaabot samin ni Neri yung sitsirya na kanina pa nila kinakain.

Kinuha naman ito ni Kayla.

"First time mag-aya ah.. maramot ka pa sa kuripot diba? Kapag may food ka nga nagtatago ka?"Natatawang biro ni Kayla.

"Of course change-change rin kapag may time, may oppa sa gilid ko ate girl sakyan mo na ugali ko. Points ko din 'to, Don't ka dyan.. ikaw Aki gusto mo?-- Ako--"

Nagtinginan kami ni Kyla matapos kunin yung sitsirya, kanina pa kinukulit ni Neri si Aki. Sa katunayan nyan hindi kami madalas magkakasama dahil hiwalay silang tatlo.

"Open your mouth.. aahhhh"Pag-aya nya.

Awkward akong ngumiti para sumunod kay Kayla.

Bago isubo ni Kayla nahulog yung pop corn sa harapan ng short ko kasabay nang tawa namin sa sablay na pagsubo.

Tumatawa akong paibabang tinitignan yung nahulog na popcorn habang kinakapa yung manubela.

------

"GIIIIMMM!!!"

Sigaw ng lahat.

Mabilis ko kinaliwa yung manubela pero huli na.

May na sagasaan ako.

May nabangga ako.

Sa lakas nang preno ko halos naalog masubsob kami sa loob. Nasa gilid kami ng kalsada at kaunti na lang kami naman ang madadali sa puno.

"Oh my god!! Ano na Gim?!"Naiiyak na sambit ni Joana.

Inaalalayan ko si Kayla halos pumipikit sa sakit.

Saka ako mabilis na tumingin sa side mirror. Mayroong taong naka handusay sa lapag ng kalsada, hindi ko makita yung muka niya nakagilid siya sa likuran ng sasakyan. sa pananamit at korte ng katawan nya sa tingin ko matandang babae.

The NightmareWhere stories live. Discover now