Chapter 50: Wake Up

Start from the beginning
                                    

"Anak, saan ka galing?" salubong ni papa. Pagkalapit sa kanya humalik agad ako sa pisngi niya. And by doing this, unti unting bumabangon ang guilt na nararamdaman ko dahil sa pasya kong paglilihim muna sa kanya pansamantala ng kalagayan ko

Matipid akong ngumiti "Nagpahangin lang po. I just neeeded a fresh air" pagsisinungaling ko and I hope hindi na siya magtanong pa. I cant bear to tell him lies now.

"Pumasok ka na sa loob, Erica. Mahamogan ka pa" pasok ni Minho sa usapan and by looking at his stern expression alam kong utos yun at hindi pakiusap

Lumapit ako sa kanya at inabot ang kamay niya. Quickly, he entwined our fingers together "Thank you" I said whole heartedly and those words have double message. Pasasalamat sa paghahatid sakin. Pasasalamat sa pagtulong niya sakin.

He kissed the back of my palm at tumango lang. Then he averted his eyes kay papa "Mauna na po ako Mr. Dela Serna" paalam niya

"Sige, hijo mag iingat ka. Salamat sa pag aalaga kay Erica" sagot ni papa at nakipagkamay sa kanya.

Pinanood lang namin siyang umalis hanggang sa totally hindi na namin siya makita. Tumalikod na kami ni papa at pumasok sa bahay. With the thought of my pregnancy at pananatiling sekreto nun still hanging on my head.

Hindi ko sana gustong kumain dahil wala akong gana but I forced myself. There's a life inside me at kailangan niyang kumain kahit hindi ko gusto. So yung usual na dami ng kain ko in adjust ko ng kaunti by adding more. Nagtimpla pa ako ng gatas pagtapos.

Sinubukan kong tawagan si Derick pero nakapatay ang cellphone niya. Now I am here alone, finlashback ko ang mga nangyari kanina.

On how he said na hindi niya ako kilala
On how he said na girlfriend niya si Cathy
On how he said na ayaw niya na akong makita pa..

When I really thought about it, our relationship had never been perfect. It had never been the exact right fit. Pero nagmamahalan kami. Mahal na mahal niya ako that there were days that I doubt myself kung bagay ba ako sa kanya dahil nag aalala ako na hindi ko napapantayan yung pagmamahal na binibigay niya. Kaya alam kong hindi ako magagawang iwan ni Derick. Even when he just did..

Funny how things happened so fast. I love him with all my heart and never I have imagined na magagawa niya sakin yun. Alam kong mukha na akong tanga kakaisip. Alam kong mukha na akong tanga pero umaasa pa din akong magiging okay kami after what just happened. Handa akong magpatawad. Handa akong humingi ng tawad sa kung ano man ang maling nagawa ko at lumuhod sa harapan niya so just to make things right. Handa akong lunukin ang natitirang pride at dignidad sakin wag lang siyang mawalala. I will do everything to make him stay. To make him love me again

The ring of my phone snapped me back to my sense at noon ko lang din napansin na basang basa na pala ang mukha ko ng mga luha. With the thought na baka si Derick ang tumatawag, kinuha ko yun kaagad but only to see na si Ma'am Veluz pala.

I am not in the mood to talk but I badly need someone to atleast ease this pain na nararamdaman ko especially when I feel like I am close to breaking down.

"Ma'am" I answered in a shaky voice at niyakap yung unan ko. As if this is a life line.

"Erica.. Sinabi sakin ng papa mo ang nangyari and he asked kung pwede daw ba kitang kausapin at baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo" I can sense the concern on her voice. That one moment I am tempted na sabihin sa kanyang buntis ako but I held myself

"It's actually a shock to me.. Isang sem ko lang kayo naging estudyante but I am able to know you and him. Madalas ko siyang makitang nakatingin sayo at yung mga tingin niyang yun alam kong may pagmamahal.. Kaya nga pinaghihiwalay ko kayo ng upuan di ba? When I asked you nun na kung anong gagawin mo kung sakaling ma inlove ka sa estudyante, grabe din ka violent ang reaction niya. So that's a little wonder kung bakit bigla na lang niyang gagawin sayo yun"

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now