Sino ba naman kasi ang magagalit kapag sinabihan ka ng 'It's none of your business' sa harap ng mga tao.

"Hoy! Baka kung saan mauwi 'yang bangayan n'yong 'yan." Sabi ng lalaking katabi ni Cinnamon. "Ikaw naman Cinnamon bread ang hilig mo talagang makipag-away. Palpak naman pagdating sa mahika hanggang ngayon."

Bahagyang natawa ang iilan naming mga kaklase.

Nilingon ito ni Cinnamon. "Hoy Alec Camacho, sa susunod na sisingit ka sa usapan, mawawalan ka ng dila." Banta ni Cinnamon sa katabi n'yang lalaki. "At kapag ako ay pumalpak, baka hindi lang dila ang mawala sa'yo kun'di pati na rin 'yang kabuuan na ulo mo."

"Ito naman. Binibiro lang kita. Pinapalamig ko lang ang ulo mo." -Alec.

"Kapag ako ang napikon, 'yang buong katawan mo ang manlalamig na parang bangkay." -Cinnamon.

Napanguso naman si Alec.

"Guys ayan na naman kayo. Nagsisimula na naman kayo." Sa wakas ay muling nagsalita si sir Ryan.

Napairap lang ako. "Pwede na ba akong umupo sir?" Tanong ko sa kay sir Ryan.

Tinanguan ako ni sir Ryan at pumunta na ako sa bakanteng upuan sa likod.

***

Lunch break na at katatapos ko lang mag-lunch. Naramdaman kong kanina pa ako naiihi kaya pumunta ako sa CR. Pagkatapos ko ay naghugas na ako ng kamay at naglagay ng alcohol. Kinuha ko ang red lipstick mula sa bag na dala-dala ko at nag-lipstick. Inayos ko ang mga lumagpas na lips ko. Kinuha ko rin ang mascara at nilagyan ang pilik mata ko nito. Naglagay na rin ako ng kaunting blush on.

Tinitigan ko ang sarili ko sa malaking salamin na nasa harap ko. Napabuntong hininga ako. "Ang hirap talagang maging maganda." Malungkot na sabi ko at ibinalik ang mga gamit sa loob ng bag. Kinuha ko ang pabango ko at nag-spay sa damit ko. "Ang hirap rin na maging mabango."

Kelan kaya matatapos ang problema kong ito?

Napatingin ako sa babaeng kakapasok lang at tumayo sa tabi ko.

Hindi ko na ulit s'ya pinagtuunan ng pansin at muling pinagmasdan ang kagandagan ko sa salamin.

May kulang sa looks ko.

Oo nga pala. Eyeliner.

Kinuha ko ang liquid eyeliner pen ko mula sa bag at naglagay na rin nito. Maingat ang paglagay ko dahil medyo nakalimutan ko kung paano ito magiging perfect. Dalawang taon ka ba namang tulog at hindi na naaayusan ang sarili.

"Ayan. Perfect."

Napatingin ako sa babaeng katabi kong nakatayo dito sa loob. Familiar sa'kin ang mukha n'ya. Parang classmate ko s'ya. Napatingin s'ya sa'kin mula sa repleksyon ng salamin.

"Ikaw pala 'yan, Thyxyn Seraphina Zamora." Walang buhay na sabi n'ya at inayos ang pagsuklay n'ya ng buhok n'ya.

S'ya nga 'yun. Ang babaeng sinabihan ako na mayabang kanina.

Pagkatapos n'yang magsuklay ay naglagay s'ya ng lipgloss sa lips n'ya.

"And you are?" Tanong ko sa babaeng kasama ko dito.

"Aliyah." Maikling sagot n'ya.

Napa-smirk ako. "Aliyah Artemis Shaddai."

Napakunot ang noo n'ya, halatang hindi s'ya makapaniwala na alam ko ang buong pangalan n'ya.

"How...?" Halatang naguluhan s'ya.

"I heard a lot about you." Sabi ko. "Aliyah Artemis Shaddai, the lost princess of Archers."

Hindi s'ya nakapagsalita.

"Pangalan mo lang ang kilala ko, pero hindi ang itsura mo." Dugtong ko.

Hindi pa rin s'ya nakapagsalita. Tinitigan n'ya lang ako na may halong pagdududa.

"Ikaw pala 'yun." Sabi ko. "Hindi ko akalain na magiging classmate kita."

"Sino ang nagsabi sa'yo tungkol sa'kin?" Tanong n'ya.

"It doesn't matter." Sinara ko ang bag ko. "And one more thing, sikat ka na sa school na 'to. Kaya dapat alam mo sa sarili mo na kilala ka naming lahat."

Binalik n'ya ang lipgloss sa bag n'ya.

"Whatever." Aniya.

Aalis na sana s'ya pero nagsalita ako. "By the way, magulo pa rin ang buhok mo."

Wala lang. Nang-aasar lang ako.

"Hindi na 'yun mahalaga." Aniya at humakbang pero napahinto rin kaagad. "Wait, pabango mo ba 'yun?"

"Yeah." Sagot ko.

"Ang baho naman." Aniya at tuluyan akong iniwan dito sa loob.

Nice. Lumalaban.

Naido High: School of Magic 2Where stories live. Discover now