Chapter 1

564 21 2
                                    

Thyxyn's P.O.V.

"Good morning." Bati ko sa mga kaklase ko. "My name is Thyxyn Seraphina Zamora." Pakilala ko sa lahat. Dahil kelangan ko raw na magpakilala dahil hindi pa nila ako kilala.

First day of school ko ngayon as a third year college student. Dapat ay nakapagtapos na ako dito sa school na 'to. Pero sa kasamaang palad ay may nangyaring masama sa'kin, na muntikan kong ikinamatay, habang bakasyon bago ako mag-third year noon. At nagpagaling ako ng dalawang taon. Yes, 2 years akong nawalan ng malay.

"'Yun lang?" Tanong ng professor namin. Si professor Ryan.

"Bakit sir? Parang hindi mo naman ako kilala." Sagot ko.

Naging professor ko noon si sir Ryan noong 2nd year college student pa lang ako. Kilala n'ya ako at kilala ko rin s'ya.

"Ikaw kilala kita, pero sila ay hindi ka nila kilala."

"Right." Tugon ko. "'Yun lang ang sasabihin ko, maliban na lang kung may tanong sila."

"Do you have any questions for miss Thyxyn?" Tanong ni sir Ryan.

"Ikaw ba 'yung...?" May isang babaeng nagtanong sa'kin pero hindi n'ya natuloy.

"Yes." Sagot ko. Hindi ko alam kung ano ang itatanong n'ya.  Sigurado naman ako na hindi iyon tungkol sa pagkawala ko dito sa school na ito. Kasi alam kong hindi naman nila ako kilala dahil kasalukuyan akong walang malay noong 1st year pa lang s'ya.

"I mean, 'yung... dapat ay... graduate na ngayon... pero... nakapag-stop ka---."

"Kasi pansamantalang nag-stop ang pag-function ng katawan ko? Yes." Pagputol ko sa sasabihin n'ya. Magtatanong na lang ang bagal pa. "Paano mo ako nakilala?" Tanong ko sa babaeng nagtanong sa'kin.

"Batchmate mo noon ang ate ko at naikwento n'ya sa'kin ang tungkol sa'yo." Sagot n'ya.

Tumango-tango naman ako. "Ngayon ay ka-batchmate mo na rin ako. Ang swerte n'yong magkapatid." Mayabang na sabi ko. Pero nagbibiro lang ako.

"Ugh! Yabang." Rinig kong reaksyon ng babaeng isa sa nakaupo sa harap. May katabi s'yang lalaki sa bandang kanan n'ya. Ang gwapo ng katabi n'ya. At sa kaliwa n'ya naman ay isang babae na kasalukuyang ngumunguya ng bubble gum.

"Ako mayabang? Tama ka. Mayabang talaga ako." Nginitian ko s'ya ng matamis.

"Tsk!" -S'ya.

"Love ano ba." Suway sa kanya ng lalaking katabi n'ya.

So mag-on pala silang dalawa. Tiningnan ko ang babae, maganda rin naman s'ya. Bagay sila ng boyfriend n'ya.

"Wala na ba kayong tanong?" Tanong ko sa kanilang lahat.

"So ano ang nangyari sa'yo?" Tanong ng babaeng ngumunguya ng bubble gum na katabi ng babaeng sinabihan ako ng mayabang.

"It's none of your business." Sagot ko.

"Nagtanong ka kung may tanong ba kamj sa'yo tapos ngayong nagtanong ako ay ganyan ka sumagot?" Pahabol na sabi ni bubble gum girl. "Edi sana hindi ka na lang nagtanong. Siraulo ka pala eh."

Halatang na-offend ko s'ya dahil sa sagot ko.

"Miss bubble gum girl, may mga---"

"It's Cinnamon." Aniya.

"Huh?" Naguguluhang tanong ko.

"Cinnamon ang pangalan ko, bobo."

Hmm. Hindi naman s'ya mataray.

"Miss Cinnamon, may mga bagay na ayaw kong sabihin and I think may karapatan ako pagdating doon." Sagot ko sa kanya.

"Then h'wag mo na kaming sabihan kung may itatanong ba kami kung hindi mo naman pala kayang sagutin lahat." Halatang galit s'ya sa'kin.

Naido High: School of Magic 2Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin