Niyakap ko siya nang mahigpit dahil siya ang kailangan ko sa oras na nalulunod na naman ako. "M-miss Dawn.."

I felt she hugged me back, hushing me to calm down. "Samantha, wala na 'yung mga gamit niya. Atsaka kanina nakita ko na 'yung kapalit niya na magtuturo sa inyo."

"Iniwan niya na naman po ako, ang sakit sakit kasi kagabi lang masaya kami at bumubuo ng pangako,"

"Samantha, kilalang-kilala ko si Irene. Hindi niya iiwan ang taong mahal niya nang walang dahilan." She replied while wiping my tears. "Lahat ng bagay ay may dahilan, tandaan mo 'yan." As she kissed my forehead.

In the problems I go through, she is my savior.

Gumawi ang tingin ko kay Savi bago siya tignan muli. Nakita ko kung paano dumaan ang sakit sa mata niya. Kahit na pilit ang ngiti niya na binibigay sa amin habang pinagmamasdan kami, alam ko na peke lamang 'yun.

Nababasa ko ang nararamdaman niya, kaya naman humiwalay ako sa pagkakayakap kay ms. Dawn.

"Huwag ka nang umiyak, hm? Gusto mo ba puntahan natin siya sa penthouse niya, baka nandoon pa siya," Naliwanagan naman ako nang marinig ko ang sinabi ni ms. Dawn, kaya agad akong tumango.

Oo nga, iisang building lang naman kami. Bakit ba hindi ko 'yun naisip? Masyado ko na sigurong nilalamon ang sarili ko sa sakit, kaya hindi ko na alm ang ginagawa ko. Padalos-dalos na lamang ako.

"Ako nang bahala mag-excuse sa'yo, sige na,"

Pinuntahan ko na ang kotse ko para tignan kung nandoon pa siya sa penthouse niya, ibig sabihin ay babalik ako sa condo ko. Ngunit natigil naman ako nang napansin ko na nakasunod pala sa akin si ms. Dawn. Sasama sya?

"Sasama po kayo?"

"Natin nga 'di ba? Syempre sasama ako, hindi kita iiwan, Samantha," She sarcastically replied na dahilan namg pagkangiti ko nang bahagya."Tabi ka riyan, ako na ang magdadrive."

"P-pero, miss Daw-"

Hindi siya nagpatinag, pinipilit niya akong tumabi upang siya ang magmaneho. "No buts, Samantha. I insist, kaya pumasok ka na rito,"

Habang nagmamaneho si ms. Dawn, hindi ko naman maiwasang makaramdam ng kaba at mag isip ng kung ano-ano. Nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang kaba na baka hindi ko na siya maabutan.

"Hey, kung ano man 'yang iniisip mo, itigil mo na 'yan. Hindi makakatulong kung pinapangunahan mo pa 'yang kaba mo." She softly muttered, caressing my hand gently.

Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami ni ms. Dawn sa condominium, kaagad akong bumaba upang dumeretso sa lobby.

"Penthouse," Tipid na turan ko, nakita ko sa mukha ng babae ang pagtataka.

"Kayo na po ba 'yung bagong magrerent ng room na 'yun?" Hindi, hindi maari.

"Ano? Hindi ba si Irene, Irene ang may-ari ng room na 'yun?" Paninigurado ko, hindi puwedeng mangyari ang kinakatakutan ko. Ang kinakatakutan ko na mawala siya.

"I'm sorry ma'am, pero vacant na po ulit siya, kasi po umalis na po si ma'am Irene kanina," Kumirot ang puso ko nang malaman ko ang sagot, nanlulumo ako sa sakit.

"Nagbibiro ka lang 'di ba? Ano 'to prank ba 'to ha?"

Mas gugustuhin ko pa na magbiro sila kaysa iwanan ako ng mahal ko.

"Ma'am, totoo po-" Sasagot na sana siya nang putulin ko iyon.

"Hindi, hindi siya aalis, ano ba! Parang-awa naman nasasaktan na ako.."

Miss VictoriaWhere stories live. Discover now