Peste, kung hindi ka lang assistant manager, sobra pa sa pagbabara ang ginawa ko.

Ngumiti siya bigla, “I like that.”

I rolled my eyes and went near the other shelf. Wala na akong pake kung assistant manager ka, nakakabwisit siya ng araw, literal.

Nang dumating ang oras ng lunch ay bumili lang ako ng isang box ng sisig meal mula sa store. Umupo ako sa may upuan sa gilid at inilapag ang box sa table. Nagsimula na rin kumain si Ate habang si Johann naman ay lumapit sa gawi ko at katulad ng ginawa ko, inilapag niya rin ang isang box ng sisig meal sa harap ko at nag-start na siyang kumain.

“Ate told me that you’re an engineering student.” he broke the silence between us by asking me about my course.

“Yeah.” I said with a cold tone. Wala ako sa mood makipag-usap sa kaniya.

“Civil?”

“Yeah.”

“Same.”

So he was taking the same course as mine.

“Okay. No one asked though.” pagbabara ko na naman sa kaniya.

“Hmm, is the coming year your last school year in college?” Dami niya namang tanong. Hindi niya ba alam na bawal ang magsalita habang kumakain?

“Yes.”

“Hmm, same.”

“Okay.” tanging sagot ko at mas binilisan ang pag-ubos ng kinakain ko.

Hindi na siya nagtanong pa ulit. Nauna kong natapos ang pagkain ko kaya’t pagkatapos kong uminom ng tubig ay dumiretso na ako sa pwesto ko.

“Miss, anong sa’yo?” tanong ko sa isang babae na parang nasa 15-16 pa ang edad.

“Isang bottle ng gin.”

“How old are you?” I asked para masigurado kung dapat ko bang bigyan ito or hindi.

“Desi-sais anyos ako, bakit?” ma-attitude niyang sagot.

Omg, nagtataray siya sa’kin.

“I’m sorry pero hindi kita pwedeng bigyan ng liquor since menor-de-edad ka pa lang. Balik ka na lang kapag bente anyos ka na ha?” sarkastikong sambit ko dahilan upang ikutan niya ako ng mata at lumabas ng store.

Lumapit sa’kin si manager at nasa babae ang tingin niya, “Problema no’n?”

“Bibili sana ng gin kaso menor-de-edad pa, Ate kaya sabi ko hindi ko siya pwedeng bigyan kasi bawal pa sa edad niya and ayun, pinakitaan ako ng pagka-attitude niya.” kuwento ko, napailing-iling na lang si ate.

“Hays, mga kabataan talaga ngayon. Nasasakop na ng iba’t ibang bisyo. Tulad noong isang gabi, may nadaanan akong mga bata diyan sa ilalim ng bridge, naku, panay sigarilyo na parang expert na sa paggamit ng produktong iyon.” Matapos no’n ay dismayadong bumalik si ate sa pwesto niya.

Nakaka-dismaya nga talaga. Ayon pa kay Jose Rizal, kabataan daw ang pag-asa ng bayan pero paano uunlad ang bayan kung mismong mga kabataan ang sumisira rito?

Mas lalo pa kaming naging busy compared kaninang umaga dahil mas marami ang costumers sa hapon kaya nagka-ugaga kami ni Johann sa trabaho namin. Pati ‘yong manager ay sumali na rin para mapabilis.

Pagsapit ng 6:30 ay pinagpahinga muna kami ni Ate Estella dahil napagod kami nang sobra kanina, sa dami ba naman ng bumili.

Umihi muna ako sa banyo saglit dahil kanina pa talaga ako nagpipigil. Pagkabalik ko ay bumungad sa’kin si Ate na tila ay hinihintay talaga akong lumabas.

STRANGERS WITH MEMORIES (ON GOING)Where stories live. Discover now