Inirapan niya naman ako bigla, “At Tita, hindi ko po kayang mabuhay kasama ang sabog na ‘yan. Ayaw kong magkaroon ng anak na panget.”

“Aba aba, sinasabi mo bang panget ang anak ko so panget din ako?” natatawang tanong ni Mama kay Shawn.

“Syempre hindi, Tita. Ang ganda-ganda kaya ng Tita Cris ko oh. Human version ni Aphrodite, naks.”

Napuno ng tawanan at kwentuhan ang agahan naming tatlo. Si Kuya, maagang umalis kasi may trabaho kaya nauna na siyang mag-agahan kanina.

“Hoy sabog, ba’t panay ngiti ka riyan?” biglaang tanong ni Shawn dahilan para mapatalon ako sa gulat.

“Hoy sabog, ba’t panay ngiti ka riyan?” I mimicked while laughing. Pasalamat siya at nasa good mood ako kaya hindi ko siya mababatukan. Tinaasan niya naman ako ng isang kilay. “Wala lang, pakialam mo ba? Tumabi ka nga at ako’y magpapatuloy sa paglilinis.”

Umiling-iling na lang siya at umalis habang ako naman ay nagpatuloy sa ginagawa ko habang nakangiti at sinasabayan ko rin ito ng pagkanta.

Alas-sais na nang gabi nang maisipan naming maghapunan kahit maaga pa dahil sa alas-syete ang alis namin ni Shawn pabalik sa Cebu. Two weeks from now, magpapasukan na. Civil engineering ang kinuha ko kasi I could imagine myself wearing a hard hat while guiding my workers para sa mga gusaling itatayo namin soon and I couldn’t wait for that day to happen.

Shawn insisted to cook for our dinner since may skill siya roon. Pero kung ako ang gusto niyong gawing chef para magluto sa mga meals niyo, sorry hindi ako available. Wala akong maibabahaging skill para diyan.

“Anak, isang linggo na naman akong maghihintay sa’yo.” malungkot na sambit ni Mama habang nakahawak sa kamay ko.

Kung pwede lang sana na umuwi ako araw-araw para makasama si Mama kaso ‘yong trabaho at pag-aaral ang iniisip ko. Titiisin ko na lang since isang school year na lang naman ang hihintayin ko.

I gave her a smile and caressed her hand, “Mama, kaunting tiis na lang, hmm? Nandito naman si Kuya eh. At isa pa—”

“Yo, I’m home!” naputol ang dapat na sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto at niluwa si Kuya.

“Pabigla-bigla ka naman. Anyway, kumain ka na rito. Sabayan mo na kaming tatlo.” saad ko at ako na mismo ang naghanda sa pagkain niya.

Shawn’s phone rang kaya dali-dali niya itong sinagot at tumalikod. Hindi ko naman nakita kung sino ang tumawag and wala naman akong balak alamin.

“Hey, bro!.....Inuman?.....Saan at kailan?.....Sige-sige, game.....Bye.”

Ang tanging naiintindihan ko lang ay may inuman sila bukas. Maglalasing na naman ang mokong tapos ako na naman ang tatawagan niya para sumundo sa kaniya. Routine na namin iyan.

Nagkaroon ng kwentuhan at tawanan ang aming hapunan dahil itong si Shawn, panay joke. Hindi naman ako informed na gusto niya pala maging comedian, i-support ko sana siya.

Saktong alas-syete nang nakasakay kami ng bus. Wala na kasing vehire sa mga oras na ito. Bago ako sumakay ay binigyan ko muna ng yakap sina Mama at Kuya. Nami-miss ko na naman sila agad kahit ilang minuto pa lang ang nakalipas.

Oh, I’ve been lying here and wide awake

Till the night dies out and day to break

Every minute seems like endless hours

When I’m with you

Nasa labas ang tingin ko habang pinapakinggan ang kantang pinapatunog ng bus driver.

STRANGERS WITH MEMORIES (ON GOING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt