" Huwag na may pera pa naman ako" Sabi ko at pinukos nalang ang sarili sa pag kain. Paminsan minsan ay sinusubuan ako ni Annabelle ng dala niya pang baon kaya halos tuloy lumubo ang tyan ko sa sobrang kabusugan.

After namin kumain dumiretso na kami ni bruno sa klase namin.

Oo nga pala Thursday Ngayon kaya may integral calculus kami ngayon kay sir Manalo.

Pagdating namin sa room nakita ko si ma'am na nasa desk niya sa sulok nito ng room at seryosong nakatingin sa laptop niya.

Iniwas ko nalang ang tingin ko dito dahil sumasakit ang dibdib ko kahit tignan lang siya.

Umupo na kami ni Bruno sa upuan namin at dahil may 15 minutes ba bago Ang klase namin nag brows na Muna ako sa Facebook.

Binuksan ko din ang messenger ko at tinignan ko ang mga chat saakin. Unang una sa chat box si Annabell, she's asking me kung nakapasok na daw ako sa room kaya agad akong nag reply sakanya.

Si ma'am Alvarez ang nasa pangalawang chatbox at sumikip nanaman ang dibdib ko dahil nag flashback sa isipan ko nanaman ang kaganapan sa opisina niya.

Kaya I decided na I block nalang siya sa Facebook pati na rin sa messenger, para saan pa eh hindi naman na kami mag uusap niyan.

Nagpatuloy nalnag Ako sa pag brows hanggang sa dumating si sir at nag simulang magturo.

For the first time Kong makinig sa klase dahil hindi nakakaboring si sir mag turo talagang iniisa isa niya ang proseso kung paano nakuha ang sagot. Pati na rin ang formula talagang Mano Mano niya itong pinapaliwanag.

Nag take down na din ako ng notes pero halos lahat Ng sinulat ni sir kinopya ko dahil lahat naman importante even mga Small details.

Ramdam ko ang tingin saakin ni ma'am or assuming lang Ako? Hahahahaha

Hanggang sa matapos ang klase ay nakapukos lang ako Kay sir kahit na dinedemonyo ako ni Bruno.

" Beh napano ka? Sinapian ka yata ng kasipagan jan. Todo take notes kapang nalalaman hahhahaaha" asar saakin ni Bruno, hindi na kami lumabas ng room dahil may next class pa kami.

" Wala feel ko lang na need ko na ata mag seryoso eh HAHAHAHHAA" kinaltukan naman Ako nito.

" Huwag ako, ilang beses mo na yang sinabi"

" Eih iba Ngayon, feel ko makapasok sa dean's listed hahahahhaa"

" Ayy beh huwag lang mausog yang kasipagan mo Ngayon"

Naramdaman kong nag vivibrate ang bulsa ko Kaya naman tinignan ko ang cellphone ko at nakita kong tumatawag through video call si Annabelle.

Agad ko naman itong sinagot at bumungad saakin ang magandang mukha ni Annabelle na nakanguso habang naririnig ko ang tawa ni chanel at yves.

" Hi Annabelle wazupp" sabi ko ang nag wave pa ako ng kaliwang kamay.

" Sige na beh ask mo na hahhahaaha" rinig kong sabi ni chanel.

Nakita ko na parang kinakabahan si Annabelle kaya tumango lang ako sakanya

" What is it Annabelle?" Malambing na Sabi ko.

Bumuntong hininga nga ito at nahihiyang tumingin saakin, rinig na rinig ko ang pang aasar nina Yves sakanya.

" Pwe--deng ba--bang lumabas tayo mamaya?" Nauutal na sabi niya

Rinig ko ang pag aasar nong dalawang itlog na Kasama niya samantalang mukhang kinakabahan na si Annabelle kaya natawa nalang ako.

" Of course, sama natin sin--"

"No! I mean yung tayo lang dalawa sana"

Kami lang? Hmmm wala sa sariling napalingon ako sa desk ni ma'am na nakatingin nanaman saakin ng matalim.

Bahala siya jan ayan nanaman siya.

" Hmmkay, text mo ako after this class" ngunit naman ito ng matamis at tumango.

"Thank you Dugyot, Don't worry libre ko naman"

" Yun oh Sige sige sabi mo yan a" naniniguradong sabi ko.

" Oo naman malakas ka saakin eh,sunduin kita maya jan sa room niyo after ng class mo juts text me" malambing na Sabi nito.

Siniko siko ako no Bruno na kanina pa nakikinig sa pag uusap namin.

" Wuyy ano yan mhiee? Date kayo ni Annabelle? " Tudyo nito saakin.

" Hindi naman kakain lang gaga" natatawang kong sabi.

Kinuha nito ang cellphone ko at lumayo saakin, mukhang may pa bilin nanaman itong baklang to.

Ramdam na ramdam ko ang tingin saakin ni ma'am jusko ano ba problema niya. Mag sama sila nong unggoy na panget na yun.

" Mhieee pinatay ko na Ang tawag oh, Basta suduin ka nalang daw niya mamaya" tumango nalang ako tsaka binulsa ang cellphone.

Wala pang ilang Segundo ng mag vibrate nanaman ito kaya tinignan ko kung ano nanaman iyon.

Pero Isang text message from unknown number lang kaya hindi ko na ito pinansin.

Tumunog nanaman ito at Sunod sunod pa. Kaya inis kong binuksan ang text at galing nanaman ito sa unknown number.

From: 09*******67
Why the fuck you block me?!!

From: 09*******67
Whose that bitch who called you?!
Is it Annabelle weirdo?!!

From: 09*******67
Fuck you! Answer me!

From: 09*******67
What the fuck is wrong with you!!?

From: 09*******67
Magpa iwan ka after class. WE NEED TO TALK!

Base sa mga text alam kong kay ma'am ito galing pero hindi na ako nag abalang mag reply dahil pake ko sakanya, duon siya sa unggoy na iyon.

I really don't understand her, she's giving me false hope o talagang nag aassume lang Ako? Pero kahit na ewan ko sakanya.

Pinindot ko ang airplane mode para hindi na ako maka received ng text galing kay ma'am tskaa nilagay sa bulsa ang cellphone, sino ba siya para replyan.

Dumating na Ang professor namin at nag simula na akong makinig.

Kung kailangan ko lang pala masaktan para tumino ako sa pag aaral edi sana pala noong una ko pa ginawa iyon jusko.

Matamang akong nakikinig sa professor namin ng may narinig kaming kalabog sa likod namin kaya agad kaming napalingon dito.

Nakita namin na nalaglag ang laptop ni ma'am at nakakunot lang itong nakatingin dito.

" Ma'am are you okay?" Tanong ng kaklase ko, bago pa sumagot si ma'am agad na akong humarap sa unahan.

Gaya ng sabi ko wala na akong pake kay ma'am, bahala siya sa Buhay niya.

Rinig ko naman ang mahinang sagot ni ma'am dito pero pinag sawalang bahala ko nalang.

Nag patuloy ang professor namin sa pag tuturo hanggang sa matapos ang klase na wala akong ka lingon lingon kay ma'am.

Nang matapos ang klase agad kong nilabas ang cellphone ko at tinanggal ang pagkaka airplane mode nito at halos Sunod sunod ang text mula sa unknown number na si ma'am lang naman.

Hindi na ako nag abalang tignan ito at agad na tinext si Annabelle na tapos na ako sa klase.

Halos nakalabas na Ang mga kaklase ko at si maam at ako nalang ang nasa loob. Susunduin daw ako ni Annabelle sa labas kaya dito na muna ako.

Rinig na rinig ko ang mga pag dabog ni ma'am sa likod pero pinag sawalang bahala ko nalang.

" You're really gonna ignore me?"

Loving Professor Miss Alvarez (Unedited!)Where stories live. Discover now