"But Daddy's not! So do I! Kylie, Daddy's dying to hug you. To be with you. Alam mo bang masakit 'yun para sakin? Na sa araw araw na magkasama kami ni Daddy wala siyang ibang bukang bibig kundi ikaw! Kundi, 'Kamusta na kapatid mo?' 'Nababantayan mo ba siyang mabuti?' 'Is she good at school?' Like, fuck shit! Ako 'yung nasa tabi niya lagi pero ikaw ang lagi niyang kinakamusta!"

Nakatingin lang siya saakin. While her tears are still falling down.

"7 years Kylie! 7 years akong tinatanong ni Daddy ng paulit ulit mga tanong na 'yun! Kahit na noong Natividad pa ang gamit mo! Apelyido din 'yun ni Mommy! She's also a Natividad! I stalked you. Lagi akong nagpapasama sa mga bodyguards ko noon para lang malaman ko kung nasaan ka o nakauwi kana ba ng safe!"

Pinunasan ko muna ang mga luhang patuloy na tumutulo. Punyeta! Kailan ba 'to mauubos?!

"Ginawa ko lahat! Sinunod ko lahat ng utos ni Daddy. I skipped class kahit na lower grade pa lang ako para lang ma-update ko lagi si Daddy. Bumagsak ako noon pero wala akong pake! At least nasasabi ko kay Daddy lahat tungkol sayo. Akala ko sapat na 'yun! Akala ko okay na! Pero hindi pa pala. I asked myself, 'Ano bang kailangan kong gawin?' Kylie, ano nga ba?!" Gigil kong tanong sakaniya.

Umiling siya. I smiled bitterly.

"Then you came in EU. Naging magkaklase tayo. Kahit na dapat ay 1st year college na ko ngayon. You know why I'm not? I failed. Umulit ako dahil sa mga absences ko at pagc-cutting. And it was all because of you! Nung dumating ka dito nag alab ang galit ko sayo."

Huminto ako at tinignan muna ang mga building sa paligid. I can't look at her right now. Nasasaktan ang kapatid ko. But I decided to continue.

"Naging magkaklase tayo, then, when I notice that you started to like Garcia, doon ako nakabuo ng plano. Plano para makapaghiganti sayo. I flirted him. Ginawa ko ang lahat para maagaw siya sayo. Yes, I like him. Pero hindi ko siya mahal. I controlled my feelings even if it's hard. Matagal na kong nagparaya. I just kept on flirting him para masaktan ka. Nung araw na nagkasalubong tayo? Nung araw na kasama ko si Rachelle. Masakit para sakin na siraan siya sayo. Kasi alam kong masasaktan ka!"

Doon ako nagkaroon ng lakas para tignan siya mata sa mata. Ang lakas ng hangin dito sa taas kaya nakalagay na ang kamay niya sa magkabilang braso niya. Naglakad ako papalapit sakaniya. She didn't moved.

"Nasasaktan ako kada may ginagawa ako sayong masama. Pero lagi kong pinapaalala sa sarili ko na, 'Kaya mo 'to ginagawa dahil, dahil sakaniya hindi ka tinutuunan ng pansin ng Daddy mo. Hurt her more, Vanessa!' Lagi 'yun! Hindi mo alam ang sakit na nadanas ko noon! Ang sakit na naramdaman ko sa mga pinaparamdam sakin ni Daddy. You don't know how hurt I am! Now, can you blame me why I did all of those to you?! Kinain lang ako ng selos! Ng inggit, galit at pagmamahal galing kay Daddy na kahit kailan hindi ko naramdaman!"

Tumigil ako sa paglalakad at humagulgol. "You didn't know what I felt. Hindi mo alam. Alam mo ba 'yung feeling na ako, nasasaktan at naghihintay na iparamdam sakin ni Daddy 'yung pagmamahal na gustong gusto kong makamit samantalang ikaw, ang saya saya mo. Maraming nagmamahal sayo pero ako? Wala! Dahil akala ng lahat napakasama kong tao! Wala kasing may alam sainyo! Walang wala!"

"Y-you're not..."

"I'm not. And I want to prove that. Kaya please, bumalik kana samin."

Matagal siya bago nagsalita kaya lumapit ako sakaniya at niyakap siya. Hindi siya gumagalaw. Ilang minuto din kaming ganun ng humiwalay siya at umatras. Tinignan niya ako at muli, nangibabaw nanaman ang sakit sa mata niya.

"No. No. No. Kahit sabihin mong hindi mo iyon gusto ay ginawa mo pa din! You can control yourself! You're too fucking late!"

"Bakit? Kung kinontrol ko ba ang sarili ko ay babalik ka pa din saamin without me doing all of this? I'm pretty sure you still won't! You loved Tita Anna so much! Mahal na mahal mo ang tumayong ina sayo for 8 years! I know it's not easy for you but I'm not forcing you to love us back! I just want you, to be with us!"

"If I said no. Then no! My Mom died! And Tita Anna was the one who accepted me! Tinanggap niya ko ng buong puso hindi dahil pamangkin niya ako! Dahil mahal niya ako! She's the one who continued Mom's duty to me! Kahit na nung una ay nerd ako. Oo, alam nating lahat na hindi ako ganto una pa lang. But because of that incident it changed me! Hindi mo din alam kung gaano kasakit sakin ang makita ng harap harapan ang pagkamatay ni Mommy!"

Hindi ako makapagsalita. Naalala ko nanaman kung bakit hindi ko nasaksihan 'yun lahat.

"Mommy! Daddy! Gusto po ako papuntahin ni Chariss sa bahay nila. We will play daw po." Paalam ko kila Mommy na kasalukuyang nanonood.

I was 9 year old, back then.

"Susunduin ka ba nila? Isama mo si Kylie," Daddy said.

"Po? Ako na lang po muna, Dad! May gagawin din po kasi kaming assignment." That's true. Hinding hindi ako nagsisinungaling kila Mommy.

"Okay. So, susunduin ka nga ba nila?"

"Opo, Mommy! Can I?" Sabi ko at umupo sa kandungan ni Mommy. "Please, Mommy, please?"

"Nako! Naglalambing pa. Sige na. But, behave there okay? What time will we pick you up?" Tanong saakin ni Daddy.

"Hon, ako na ang susundo sakaniya. I'll also go to Maritess." Sabi sakaniya ni Mommy.

"I'll go with you."

Agad umiling si Mommy, "Walang magbabantay kay Kylie. Saglit lang ako dun. Then, pupuntahan ko si Vanessa doon kila Chariss."

"Okay, just text me when you're on the way home okay?" Sabi ni Daddy na agad namang tinanguan ni Mommy.

Naligo na kami ni Mommy at nagtaka ako kung bakit todo ayos siya. Ganoon din ang naging reaction ni Daddy. Nang tinanong siya ni Daddy ay sinagot lang siya ni Mommy ng, "Gusto kong kabugan si Maritess. You know her, hon." At tumawa siya.

Umalis na kami at hinatid nga ako ni Mommy kila Chariss. We played and did our homework ng agad agad kumatok si Tita Faye, Chariss' mother.

"Vanessa, anak." Nagaalalang sabi nito.

"Bakit po?"

Hindi siya magkanda-ugaga. At halos hindi ako makalunok sa sinabi niya saakin.

"May nangyaring hindi maganda sa Mommy mo." And there, agad agad akong nagmakaawa kay Tita na ihatid ako kung nasaan man sila Mommy.

Tinignan ko si Kylie. She really reminds me of Mom. Magkapatid si Mommy at si Tita Anna. Kaya hindi nagdalawang isip sila Tita noong inampon nila si Kylie. Ako naman ay nanatili kay Daddy dahil wasak na wasak siya noon.

"Please, Kylie. Just come back." Pagmamakaawa ko sakaniya at lumuhod pa ako.

Umiling siya kaya halos manlambot ako. At tuluyan akong nanlambot sa sinabi niya.

"I will never go back. I hate you two!" Sigaw niya saakin at tumakbo na siya pababa.

Napahawak ako sa sahig. Tuloy tuloy ang iyak ko. What will I do now?

My gaaaaad! Umiiyak ako habang tina-type 'to. Btw, bawing bawi ba? Ang haba nito hindi ko namalayan!
@PrinsesaFever

Campus QueenWhere stories live. Discover now