Simula

6 0 0
                                        

Nakakatawa lang na sa lahat ng mga ginagawa natin, may mga taong hilig gumawa ng bagay na ikakasira mo. May mga taong pati buhay ng ibang tao ay pinapakialaman. May mga taong matataas ang tingin sa sarili at mistulang lahat ng sasabihin ay tama.

Hindi ka maari magpaliwanag ng side mo dahil hindi ka papaniwalaan. Kapag nanahimik ka nalang ay sasabihing guilty.

Life has been hard for everyone. But not entirely hard if you work hard. Ayan ang natutunan ko sa 17 years na nabubuhay ako. Kasalukuyan akong nagbabasa ng nobelang kinahihiligan ko nang tawagin ako ng isa sa ka-roommate ko.

"Yel, aalis lang ako para mamili ha? Malapit na kasi kami mag-face to face classes kaya kailangan ko ng bumili ng mga school supplies." sabi ni Iska, isa sa mga kasama ko sa dorm na nirerentahan ko.

"Ah, ganoon ba? Hindi naman ako lalabas. Tatapusin ko pa 'tong binabasa ko." sagot ko habang nakahiga.

Maliit lang ang dorm namin kumpara sa karamihan. Isa itong maliit na silid at may double deck para sa aming dalawa at isang banyo. Nagluluto naman kami sa stove na pinaghatian naming bilhin na nakalagay sa may gilid ng silid.

Chineck niya muna ang gamit at nagpaalam na sa akin para umalis. Tumango nalang ako at binalik ang atensyon sa aking binabasa.

Magdadalawang taon na simula nang ipahayag ng gobyerno ang lockdown sa aming lungsod. Hindi lang sa amin kundi sa iba pang lugar. Alam kong alam niyo na ang iba pang detalye dahil sabi ko nga "pati sa ibang lugar" ay nakaranas ng lockdown. May tinatawag na distance learning na inihayag ng DEPED kung kaya't sa gitna ng lockdown ay nakakapagaral pa rin kami.

Bored na humilata ako sa kama pagkatapos kong magbasa. Simula nang nabanggit ni Iska ang 'face to face classes' ay hindi na ako nakapag-focus sa binabasa ko.

"Malapit na pala mag-face to face classes, huh?" bulong ko sa aking sarili.
Kinuha ko naman ang cellphone ko para i-check kung may klase ba kami sa Online Class. Inopen ko ang gc namin para tingnan kung may update.

11 - STEM -1101

Pres ♡:

Guys, asynchronous daw
tayo ngayon sabi ni Sir.
Sagutan daw 'yung pdf
na inupload ni Sir sa
gclass. Thanks.

Vice-Pres Bong Go:

tnx pres, ur the best!

Genesis sad boy era:

ur ampota. your kasi!

iSECai:

Parehas kayong bobo.
You're 'yon! Ayan kasi,
tulog pa more!

Napailing na lang ako pagkatapos basahin ang mga chat ng kaklase ko.
Wala rin naman pala kaming pasok kaya pwede ako matulog maghapon.
Inopen ko naman agad ang youtube music ko at nagsimulang magpatugtog ng sad songs.

Hep. FYI, hindi ako sad girl or nagsesenti. Mas prefer ko lang na sad song kapag matutulog na ako para hindi masyadong hype 'yung beat. Imagine matutulog ka tapos pang-rock 'yung tugtugan mo? Makakatulog ka ba nun?

Napailing nalang ako at humiga sa kama para matulog. Naalimpungatan naman ako nang may marinig akong nagbubulungan sa baba. Nasa taas kasi ng double-deck ako natutulog. Binalewala ko naman iyon at pinilit na matulog nalang ngunit hindi ako makatulog kasi para silang bubuyog kung magbulungan.

Loving A NumbersStories to obsess over. Discover now