Kanta lang ako ng kanta kahit hindi ko alam ang lyrics, pake niyo ba? Alam Kong ganyan din kayo. Paglabas ko ng cr nakita ko si inay na naghahanda ng almusal kaya agad akong lumapit dito at hinalikan ang pisngi nito.

" Mukhang masaya ang Unica ija ko ah" natutuwang sabi ni inay.

" Well I am nay, ang ganda ng gising ko po eh. Makita mo ba naman ang ganitong kagandahang mukha tuwing umaga diba nay" masayang sabi ko.

" Abay oo naman maganda ka anak mana ka saakin eh, Hala Sige umakyat kana at magbihis nakong bata ka baka malaglag yang tapis mo" kinurot pa nito ang tagiliran ko Kaya agad akong tumakbo pa akyat sa kwarto ko.

Habang nagbibihis ako naisipan kong kulitin si ma'am kaya agad ko itong chinat.

Valentina Alvarez

Good morning miss Alvarez!😚
Alam kong maganda ang umaga mo
Isang diyosa na namang katulad ko
Ang babati saiyong umaga.
Kain kana jan po ma'am hehheehe.

Ilang minuto ang nakalipas pero hindi parinito nag rereply kaya nagbihis nalang ako.

After ko magbihis chineck ko agad ang cellphone ko baka nag reply na si ma'am at hindi Ako nagkamaling meron itong chat.

Valentina:
Shut up Dugyot ang aga aga

Hehehehe ma'am naman ako lang ito
Si Mavis History Fernandez ang pinaka
Magandang anak ni juanita at juanito Fernandez hehehehehe.

Valentina:
👍.


Jusko likezone ampota naman, sineeen ko nalang ito at agad na bumaba ng kusina.Nakita ko Sina inay at itay na kumakain na kaya sumabay na ako sa kanila.

" Good morning mhiee, bat ang saya mo ata?" Tanong saakin ni Bruno ng makarating ako sa classroom.

" Wala ah maganda lang ang gising ko" tanggi ko dito habang kinakagat ko ang labi ko para pigilan ang pag ngiti.

"Anong wala, eh nong nakaraan ang seryo seryoso mo para Kang galit sa mundo tapos ngayon muka kang tanga kakapigil ng pag ngiti mo jan" lintanya nito saakin.

Sasagot na sana ako ng pumasok sa room ang babaeng rason ng aking kagalakan ngayon.

" Good morning miss Alvarez" bati naming lahat at nangingibabaw ang boses ko dito.

Tumango lang ito at nilibot ang paningin niya sa klase. Nang matapat ang tingin nito saakin agad akong ngumiti ng Malaki ngunit kumunot lang ang noo nito kaya napanguso ako.

" Get one whole sheet of paper and answer the activity 4 in page 29 of your books" agad naman kami napaangal dahil ang aga aga activity agad ang binibigay.

Tumingin ako dito Kay ma'am at nag papa awang ngumuso pero nginisihan lang ako nito.

Ampota naman talaga.

After ng mala impyerong pag sagot sa activity namin agad kaming dinismiss ni ma'am.

" Miss Fernandez, come with me in my office" nauna na ito lumabas ng room, kinalabit at tinignan ako ni Bruno na may pag aalala pero ngumiti lang ako.

Loving Professor Miss Alvarez (Unedited!)Where stories live. Discover now