Ang Lahat ng Iyo: PAG-IBIG

7 1 0
                                        

Huwag mo sanang iwawaksi ang iyong napakagandang ngiti
Pagkat dito ako nabubuhay at ang makita kang hindi ito suot ay katapusan na ng aking mundo at lahat ng buhay nito
Huwag na huwag mong iwawaksi ang iyong ngiti lalo't maganda ka habang suot ito
At ang makita kang nakangiti, ay bagong panimula ng mundong alam kong masaya, pagkat sayo ito umiikot.

Huwag mong kukwestyunin ang iyong presensya, huwag kang magtago
Pagkat dito ako nabubuhay, sayo umiikot ang lahat ko
Huwag mong ikukulong ang tawa mong musika sa aking tainga
Maganda ka sa kahit anong anggulo, kahit sa mga simple mong ginagawa.

Huwag mong itatago ang natatanging kaibahan
Pagkat dito ako nabubuhay, sayo umiikot ang kalawakan
Pakatatandaan na hindi na kailangang baguhin ang sarili pagkat sapat ka na, kung titimbangin pa nga ay sobra sobra pa
Ngayo'y wag nang mag-alala pagkat sayo ay may nagmamahal, hindi mo man napapansin ako'y nandito sa distansya ika'y sinisinta.

PAG IBIG. PAGLUHA. PAGGISING. Stories to obsess over. Discover now