One last time

23 0 0
                                        

One Last Time

"Sorry po ma'am pero palala na po ng palala ang kalagayan ni Tricia. Mas better po if magi-stay nalang siya dito sa ospital, kung pagpipilitan niyo po ang gusto niyo eh malalagay po natin si Trica sa malalang kalagayan and worst, maaari siyang atakihin sa puso na ikaresulta ng pagkamatay niya..." paliwanag ng doctor sa nanay ko. Di ko na alam gagawin ko...magi-stay ako dito sa ospital? Di ko na siya makikita? Hindi pwede yun... Gusto ko pa siyang makasama... Lintek naman na sakit to eh bakit sa lahat ako pa? Ako pa!?

Tumayo ako at nagulat si doc at mama nang makita nila ako. Tumakbo ako palabas ng ospital. Habang tumatakbo ako naririnig ko si mama na tinatawag ang pangalan ko pero wala na kong paki.

"TRICIA!!San ka pupunta!? Alam mong bawal kang tumakbo diba?" BAWAL! BAWAL! Lahat nalang bawal, ano pa bang pwede saken? Humiga at magpahinga!? Yung mga bagay lang naman un ang mga pwede saken...kahit siya, bawal sakin...

Lalo ko pang binilisan ang takbo para di ako mahabol ni mama. Di ako papayag na ikulong lang nila ako sa ospital. Na papalayuin nila ako sakaniya...

Nang makalayo layo na ko at alam kong hindi na nakasunod saken si mama eh huminto na ko. Tumingin-tingin ako sa paligid...nasa playground pala ako.

Umupo muna ako sa swing para magpahinga, hinihingal na ko sobra, alam kong bawal sakin ang pagtakbo pero kailangan...para makatakas...makatakas sa lahat lahat...Ayoko na sa ospital, ayoko na sa mga doctor,ayoko na sa mga gamot...Sakaniya lang gusto ko...siya lang ang gamot.

Naalala ko pa nung una naming pagkikita...

"Hoy, bakit ka nagiisa diyan?" tanong sakin ng isang lalaking di ko kilala.

"Bakit ka malungkot? Bakit ka umiiyak? Tahan na, okay lang yan. Kung ano mang problema mo maayos din lahat ng yan." Tumabi siya sakin at inalok ako ng panyo at tubig.

"Oh, Tubig lang meron ako eh sorry, sabi nila pag malungkot daw ang mga babae pag binigyan mo daw ng icecream sasaya na. Pero tubig lang meron ako okay lang ba to?" nag-nod nalang ako at pinilit kong ngumiti pagabot niya ng tubig saken at panyo.

"Di mo kailangan ipilit yang ngiti mo. Iiyak mo lang yan. Para malabas mo lahat ng nasa loob ng puso mo." tinap niya ung ulo ko na parang akong aso, pero di ko alam, gumagaan lalo ung loob ko dahil alam ko may kasama ako. Kahit di ko siya kilala napi-feel ko naman na mabuti siyang tao.

Simula nun naging close na kami, kahit magkaiba kami ng pinapasukang eskwelahan madalas pa rin niya kong pinupuntahan. Lagi kaming masaya pag magkasama kami. Siya lagi kausap ko,kakwentuhan ko sa lahat lahat ng bagay.

Hanggang isang araw...

"Tricia...Mahal kita! Hayaan mo sana ako na manligaw sayo..."pag-confess niya saken. Nandito kami ngayon sa paboritong lugar namen ung bangin na malapit lang samen. Ang ganda ng view dun lalo na pag gabi dahil madami kang makikitang bituin.

"Hinihintay lang naman kitang sabihin yan." saka siya lumapit sakin at niyakap ako. "Salamat, salamat Tricia... Mahal na mahal kita..." saka niya dinampi ang labi niya sa noo ko.

"Tricia!" napapiglas kami sa yakap namen nang marinig ko ang boses ng mama ko. " Diba sabi ko sayo layuan mo na yang lalaking yan? Masama! Masama na ma-attached ka sa ibang tao! Di mo ba naiintindihan ha? Mahina yan! Mahina yang puso mo!" galit na galit na sabi ni mama at saka niya ko hinila palayo sakaniya. "Sorry hijo, mabait ka pero hindi talaga pwede ang gusto niyo..."

Lumipas ang ilang araw na kinulong ako ni mama sa bahay...Di niya na ko pinapapasok sa school sabi niya ipapa-home school nalang daw niya ko dahil ayaw niya lumala lalo yung sakit ko.

Sakit ko, lagi nalang yun ang rason nila. Ano bang problema kung magmamahal ako sa taong mahal din ako?

Hindi naman niya ko sasaktan eh...alam ko yun at papatunayan ko sakanila yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One last timeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon