"sino po kayo?" naguguluhan siyang tanong saka napatingin siya ulit sa akin na para bang natatakot kaya lumapit ako sa kanila.





"anak, kaming mga magulang mo" umiling ito.."hindi ko po kayo kilala. pasensya na po" napailing nalang ako ng bigla itong tumakbo papasok ng bahay.






"anong nanyari sa kanya hijo, bakit hindi niya kami maalala?" naluluhang sabi ng babae kaya sinabi ko sa kanila ang lahat.





"anon..............."



napatingin ako kaya lola na kalalabas lang nang bahay at ganoon na lamang ang pagkagulat niya.






"lola" ani nang lalaki. bakit niya tinawag na lola si lola? magkakilala ba sila.






"anong ginagawa niyo rito?" hindi ko alam pero parang galit na galit si lola.



"nan........"




"umalis na kayo" "noel, pumasok ka sa loob" naguguluhan akong sumunod kay lola.




"lola sanda" hindi pa man natatapos ang lalaki sa pagsasalita ng sumabat na naman si lola



"umalis ka na richard baka magdilim ang paningin ko" naguguluhan ako sa mga sinabi ni lola. kilala niya ang ama ni shiena? bakit siya nito tinawag na lola. pagka-alis nila saka kinuwento ni lola ang lahat. sinabi rin nito na ito ang tunay kong ama. hindi ko alama kung anong mararamdaman ko. buong buhay ko hindi ko inaasahan na hindi ako galing sa kinilala kong ama.





"pasensya ka na kung nilihim namin ang lahat apo. ginawa namin yon para hindi na kami guluhin nang pamilya rila. sana apo, maintindihan mo kami, sana mapatawad mo ang mama mo dahil tinago niya ang katotohanan" niyakap ko si lola, hindi ako galit. at mas lalong hindi ako galit kay mama sa ginawa niya.





dumaan ang ilang buwan at unti-unti na ring bumabalik ang mga ala-ala ni shiena. unti-unti ko na ring nakikilala ang tunay kong ama.




"anak, bakit ayaw mong sumama sa amin? dahil ba kay kath? ayaw mong sumama dahil umaasa ka pang magkakabalikan kayo?" tanong ni papa sa akin. paano niya nalaman ang tungkol kay kath?


" ayaw ko pong iwan iwan sina lola. lalo pa ngayon na kailangan na kailangan nila ako. saka wala naman po akong pinag-aralan kaya hindi po ako nababagay roon." sabi ko na kinailing naman niya.






"yon ba pinaproblema anak? pag-papaaralin naman ka namin saka si lorkan baka nitong darating na pasukan, mag-aaral na rin siya" sabi niya kaya napatingin ako ulit sa kanya. masaya akong sa wakas makakapag-aral na rin kung ganoon si lorkan, hanggang grade 3 lang kasi natapos niya at saka hindi pa naman huli ang lahat sa kanya dahil 2 taon lang naman siya nahinto samanatalang ako 22 na hindi pa nakatungtong nang high school.



tulad nang pinangako ni papa richard, pinag-aral niya si lorkan at kumuha rin siya ng mag tuturo sa akin. mabilis lumipas ang ilang buwan, at taon simula nang makakuha ako ng diploma sumama na ako dito sa new zealand para dito ako mag kolehiyo at si lorkan naman mag se-second year na siya sa susunod na taon. sa loob ng apat na taon, ang daming nangyari at loob na rin ng apat na taon, nakalimutan ko lahat ng masasamang nangyari noon.




"hello kuya, totoo ba yong balita na pupunta ka rito?" pagbukas ko agad ng skype ay mukha na agad ni lorkan ang nakita ko.




"yes bro kaya maghanda ka na" nakangiti kong sabi.




"kuya ha, umaasa akong nang maraming pasalubong. 4 years na kayang hindi ka umuuwi rito, buti naman naisipan mo kaming bisitahin" napailing nalang ako sa reasyon niya. seriously, sobrang na miss ko sila.



"i know, sina lola kumusta?"




"okey naman po sila" marami pa siyang kinuwento at dahil may gagawin pa akong photoshoot tinago ko na ang Ipone ko. at kagaya parin ng bilin ko sa kanya sinabi kong wag na wag niyang papabayaan sina lola habang wala ako. excited nga ako sa mga kinuwento niya sa akin kanina kaya bigla ata akong naging atat na umuwi. ilang oras nalang ang bibilangin at nandon na kami ulit.





at dahil maaga natapos ang photoshoot agad akong nagpaalam sa manager ko. alam na kasi niya yong tungkol sa pagpunta namin ng kapatid ko sa pinas kaya hindi na niya ako tinanong kong bakit ako nagmamadali.




bukas, nasa pilipinas na ulit ako... kami ni rosinda ano tong nararamdaman ko? agad akong huminga ng malalim para mawala ang kaba ko. hindi, nakalimutan ko na lahat ng mayroon kami. tama, naka move-on na ako. parti lang siya ng walang kwentang kong nakaraan na dapat nang limutin.










He Turned To  A Billionaire BeastWhere stories live. Discover now