CHAPTER 7

2.2K 83 15
                                    

NOEL P.O.V:


agad rin akong bumalik sa probinsya at hindi ko lubus maisip kong tama ba ang ginawa kong pagbitiw sa kanya. mahal ko siya kaso hindi na niya ako mahal.



"kuya anong nangyari?" tanong sa akin ni lorkan. gabi na kaya siguro tulog na sina lola at lolo. sinabi kong sa labas kami mag-usap dahil kung sakaling gising pa si lola, ayaw kong marinig niya ang sasabihin ko.




"wala na kami lor." sabi ko na hindi lumilingon sa kanya. pakiramdam ko maiiyak na naman ako, ayaw kong isipin niyang kalalaki kong tao umiiyak ako.





"huh diba po mahal mo siya, saka mahal ka rin niya?" kung alam niya lang.



"oh, kuya dumating ka na pala. kumain ka na ba?" kahit medyo madilim dito sa labas, alam ko kung sino ang may ari ng boses. agad kong pinahid ang luha ko saka humarap sa kanila.





"hindi pa eh, may natira pa bang pagkain para sa akin?"






mabilis lumipas ang araw at aaminin ko hindi naging madali yong mga payo nilang mag move-on. hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako, ginugul ko lahat ng oras ko sa pagtatrabaho at pagsama kay shiena sa nirecommendang psychogist sa amin ng isa sa doctor na tumingin kay shiena kasi nitong mga nakaraang araw hindi na naging normal ang tulog niya dahil palagi siyang binabangongot, ayaw niya ring matulog na walang kasama dahil baka raw bangungutin siya ulit.





"san ka pupunta hijo?" tanong sa akin ni lolo. nagmano naman ako sa kanya, nagiging makalimutin na si lolo.


"sa city po, paubus na rin po 'lo ang bigas kaya bibili na po ako don, saka gamot ni shiena" sabi ko.




"ganoon ba, sige na baka ulanin ka pa sa daan. mag-ingat ka apo"





"ay sorry po, hindi ko po sinasadya" hingi kong paumanhin sa babaing nakabangga ko. ang init kasi dito saka dahil sa pagmamadali ko hindi ko namalayang may mababangga ako.




"sorry po—-"

He Turned To  A Billionaire BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon