"it's okey hijo, tika nakita mo ba itong anak namin? baka naman nakita mo siya dito? mag-aanim na buwan na siyang nawawala sa amin. kaya kung nakita mo siya, nakikiusap ako sayo hijo, sabihin mo sa amin kung saan mo siya nakita" sunod-sunod na sabi niya sa akin at kitang kita ko na maiiyak na ang babae. sunod-sunod akong napalunok ng makita yong nasa litrato.






"hindi ko po nakita yan dito" kinakabahan kong sagot. nagmamadali akong umalis pero hinabol ako ng kasama niyang lalaki.







"bossing, sandali. hito pinapabigay ni madame baka kamo makita mo siya, tawagan mo tong number na ito"





agad din itong umalis ng maibigay niya sa akin ang papel na may numerong nakalagay. bago ako umalis, dumaan muna ako sa opisina nong psychologist na nirecommend sa amin para masuri si shiena.





"oh naparito ka hijo?" sabi ni ng makita niya ako.




"magandang hapon po, may gusto po akong itanong kung maari po." sabi ko.





"oo naman, pasok ka"



nag-usap kami tungkol kong paano mapapadali yong pagbalik nang memorya ni shiena at sinabi niyang tanaging pamilya nito ang solusyon para don. hindi na ako nagtagal at umuwi na rin. hanggang ngayon, pinag-iisipan ko pa rin kong tatawagan ko ba yong binigay nilang numero sa akin o hindi. paano kung hindi ito ang mga magulang ni shiena? baka mapahamak siya at isa pa napamahal na siya sa amin, lalo na kaya lola.



"princess, oh my God!"




"ang anak ko"kitang kita ko kung paano nabigla si shiena. tama nitong mga nakaraang araw nabuo na pasya ko na tumawag sa kanila. sinabi ko rin ang lahat kina lola ang tungkol dito at sinabi ni lola na wala namang masama kung susubukan namin silang kontakin dahil baka ito talaga ang tunay niyang mga magulang.





He Turned To  A Billionaire Beastحيث تعيش القصص. اكتشف الآن