Dumating sina Elyse at Sevi sa reception na nakasakay sa isang puting Cinderella carriage. Tumayo kami at naghiyawan pagkababa nila. Kumakanta si Via at Arkin ng "Can You Feel The Love Tonight" habang naglalakad ang newly wedded couple sa gitna. 


Tumigil sila sa gitna para magkaroon ng first dance. Napangiti na lang ako habang pinapanood silang dalawa. Ang saya lang nila, nagtatawanan pa habang umiikot. 


"Nakakabitter tingnan 'yong dalawa," sabi ko kay Luna. 


"Ano ka ba!" Tumawa siya at sinandal ang ulo niya saglit sa balikat ko. "Cute nila!" 


Pagkatapos ng welcome speech ay sabi ni Elyse may important announcement daw siya para sa lahat. Alam na namin kaya naghintay na lang kami ng reaksyon ng iba. 


"We've been keeping this a secret but now, I'm ready to tell everyone. I'm pregnant!" excited na sabi niya.


I heard some gasps and whispers from the audience. May grupong nagtawanan at tinuro si Shan na nakaupo roon at nakaawang ang labi, gulat na gulat. Pumalakpak naman kami at sunod-sunod na ang sigaw ng 'congratulations' para sa kanilang dalawa. 


"Okay, that's all, enjoy your food!" Binaba na ni Elyse ang microphone at bumaba na rin ng stage para makihalubilo. Doon siya dumeretso sa table na inuupuan ng Kuya niya para yumakap dito habang tumatawa. 


Masarap din iyong pagkain, lalo na iyong champagne na sinerve. Grabe, hindi na natatapos ang mga celebration, ha! Naaawa na ako sa katawan ko dahil sa alak kaya naman kaunti lang ang ininom ko. Paunti-unti na lang para hindi na mangyari iyong last time sa celebration nina Luna. 


Habang kumakain ang iba ay nag-open na ang gitna para sa mga slow dances. Napainom ulit ako sa champagne glass ko habang pinapanood silang magsayaw roon. 


"Architect Ynares." Napalingon ako bigla sa tumawag sa akin.


"Engineer Lavin!" Napangiti kaagad ako nang makita ko siya. Tinanggal niya ang coat niya kaya naiwan na lang siya sa long-sleeved polo. 


Ngumisi siya at lumapit sa akin para ilahad ang kamay niya. "Can I have this dance?" seryosong tanong niya kaya napakurap ako sa kaniya. 


"Wow, ha... High school musical." Tumayo ako at humawak sa kamay niya.


"Gagi, prinaktis ko pa 'yon," bulong niya at tumawa ako habang naglalakad kami papuntang gitna. "Gumana naman ang charms ko." 


Nilagay ko ang mga kamay ko sa balikat niya at ang kaniya naman sa baywang ko. We started with small steps, swaying side by side. He was looking down at our feet, hindi sanay sumayaw. 


"Just follow me," sabi ko sa kaniya, natatawa. Hinawakan ko ang baba niya para i-angat 'yon. "Heads up. Eyes on me." Tinuro ko ang mga mata ko at ngumisi. 


He followed my lead as he stared at me. Ngumiti lang ako sa kaniya nang mahuli ko siyang nakatitig. Alam kong sabi ko ay eyes on me pero hindi na siya umiwas ng tingin. 

Our Yesterday's Escape (University Series #6)Where stories live. Discover now