[Klark's POV]
“Babe gising na.” nagising nalang ako nong narinig ko ang boses ng taong pinaka iingatan ko.
Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at nakita ang mga matatamis nyang ngiti.
“Ano kaba naman, inaantok pa ako eh.” Mahina ko namang sabi sa kanya.
“Cge ka, baka ma late kana naman sa work.” dagdag nya pa.
“Mmhhhh cge nanga.” Dali na akong bumakod at kumuha ng tuwalya at dumiritso na sa banyu para maligo habang sya ay naghahanda ng breakfast namin.
Ang tao palang kasama ko ay walang iba kundi si Ryan, ang boyfriend ko na subrang gwapo.
Nagkakilala kami 7 years ago nong grade 11 palang ako.
— Flash Back (7 years ago)—
“Guys narinig nyo naba ang balita?” rinig kong sabi ni Amber, kaklase ko.
“Na ano?” sagot naman ni Jess.
“Ganito kasi yun, narinig nyo naman siguro na may anak si Mrs. Montefalco na nag aaral sa ibang bansa diba?” - Amber.
Si Mrs. Montefalco nga pala ang principal ng school namin. Ang whole name nya ay Mrs. Amanda S. Montefalco, SKL.
“Ano kaba naman Amber e halos lahat nanga ng studyante dito sa paaralan ay alam na yan eh.”- Jess.
“Ok fine, so ganito kasi ang chika. Dito na daw kasi magpapatuloy ng pag aaral ang anak nya at ang the most exciting part pa ay magiging kaklase natin sya!!!” masayang sabi ni Amber na para bang may halong excite.
“Luh talaga ba? OMG, di na ako makapaghintay.”- Jess.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila ng bigla nalang dumating ang mga taong kinatatakutan ko.
“Hoi Klark!” sigaw nila na nasa pinto ng classroom.
“Hali kanga muna dito.” dagdag pa nila at daling lumakad palabas ng school building.
Dali naman akong tumayo at sumunod hanggang sa nasa likod na kami ng paaralan.
Huminto na sila at ganon din ako.
Sandali lang ay bigla nalang akong nilapitan ng isa nilang kasama at sinuntok ako ng malakas sya tyan.
Napaluhod nalang talaga ako dahil sa sakit.
Ang mga tao palang ito ay mga kaklase ko rin.
Si Joseph at ang tatlo nya pang kasama na si Gab, Larry, at Ryle.
“Akin na.” sabi Joseph.
Di naman ako sumagot at galit syang tinignan.
“Ahhh so yan pala ang gusto mo ha.” Sinuntok na naman ako ni Joseph sa tyan ng malakas.
Grabi talaga ang sakit habang ang tatlo nyang mga kasama ay tumatawa lang sa harap ko.
“O ngayun, di mo parin ba ibibigay?” - Joseph
Di parin ako nagsalita. Sandali lang ay lumapit na talaga ang tatlo nyang kasama at hinawakan ang dalawa kong kamay pagkatapos ay kinuha ang bag ko at binuksan.
“O akala ko ba wala, e ano to?” sabi ni Joseph nong nakita na nya ang wallet kong may lamang pera.
Halos isang taon na rin nong simula nila akong bullyhin. Wala kasi akong kaibigan at tsaka tahimik din akong tao kaya mas madali ako ma bully.
Bat pa kasi kailangan pa tong mangyari sa akin? Wala rin naman akong lakas ng loob na magsumbong kasi baka maging center of attention pa ako at ayaw ko yun. At tsaka baka lumala pa ang sitwasyon.
Dahil sa kanila ay nawalan ako ng confidence sa sarili ko at self-esteem.
Pagkatapos nilang Makita ang wallet ko ay dali nilang kinuha ang pera at lumakad tas itinapon pa nila sa mukha ko ang pinaka habang ako ay nakaluhod lang at kinikimtim ang galit sa loob ko.
Wala din naman akong laban sa kanila, mas masasaktan lang ako kung susubukan kong lumaban.
“At san naman kayu pupunta?” rinig kong sabi ng isang lalaki.
Lumingon ako sa likod ko at nakita ang isang lalaki na hinaharangan si Joseph at ang tatlo nyang kasama.
“At sino ka naman, wag ka nalang maki alam sa problema ng ibang tao kung ayaw mong masaktan.” hambog na sabi ni Joseph sa lalaki.
“Nako! nakakatakot naman. E kung isuli mo nalang kaya yang pera sa kanya, baka kasi ikw pa yung masaktan.” natatawa namang sabi ng lalaki.
“E pano kung ayaw ko?”- Joseph.
“Mmmhhh edi para kana ring isang pangit na hampas lupa na walang ibang magawa kundi ang kunin ang pera ng iba, ganyan naba kau kahirap? Di ba kayu binibigyan ng peru ng mga magulang nyu? Nako kawawa naman pala kayu.” napangiti nalang ako dahil sa sinabi ng lalaki.
“Anong hampas lupa!” galit na sabi naman ni Joseph at sinubukang suntukin ang lalaki.
Ewan ko ba kung bakit peru hindi lang mn sya umilag. Hinayaan lang nyang suntukin sya ni Joseph at ng mga kasama nito.
“Wala ka naman ding binatbat.” natatawang sabi ni Joseph at umalis.
“Oi sandali lang.” biglaang sabi ng lalaki at daling lumapit sa akin. Huminto naman ang apat nong narinig nila ito.
“May dugo naba ang bibig ko?” tanong nya sa akin.
Nagulat nalang ako sa tanong nya at dahan dahang yumango.
“Mabuti naman kung ganon.” nakangiti nyang sabi.
Ewan ko ba kung bakit peru bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko nong nakita ko syang nakangiti.
Pagkatapos nyang magsalita ay dali nyang binalikan ang apat at nakipag suntukan ulit.
Sinubukan ulit syang suntukin ni Joseph peru agad nya itong nailagan. Grabi ang galing pala nya. Kung marunong din pala syang makipag laban ay bakit nya pa hinayaang mabugbug kanina.
Susuntukin pa sana ng lalaki si Joseph peru hindi nya natuloy kasi si Joseph na mismo ang sumuko.
“O ito na ang pera.” Daling iniabot ni Joseph ang pera sa lalaki at agad na tumakbo.
Sandali lang ay lumapit na ang lalaki sa akin.
“Ok ka lang ba?” nakangiti nyang sabi.
“Ahh Oo, salamat nga pala.”-Ako
“Ano kaba, wala yun.” nakangiti na naman nyang sabi at ibinigay ang pera sa akin. Dali ko naman itong kinuha.
“Ano nga pala ang pangalan mo?” - tanong nya.
“Ahhh ako nga pala si Klark, Klark Anderson.” sagot ko.
“Cge Klark, tumayo kana dyan baka mahuli kapa sa klase mo.” sabi nya.
“At tsaka ako pala si Ryan, Ryan Montefalco.” nakangiti nyang sabi sabay abot ng kamay nya sa akin.
💕 Thanks for reading 💕
RATE.....COMMENT.....SHARE
ESTÁS LEYENDO
Until Our Last Goodbye
RomanceRyan is the best description of an ideal BoyFriend, tall, genius, humble, handsome, and kind. He studied abroad since he was 14 and continue studying here in the Philippines as a senior high school and met Klark. Klark is a self-less person, always...
