"Wow, kunwari nagbabasa. Ang sipag na talaga. Tama na sa pagpapanggap." Bulong ni Leo, nang-aasar. Hindi ko iyon pinansin.

"Jowain mo kaya 'yon si Trinidad." Sabay kaming napalingon ni Leo sa tatlo nang marinig ang sinabi ni Franco. Nalampasan na nila kami ngunit medyo malapit pa rin. Kumabog ang dibdib ko, ako iyong tinutukoy ni Franco!

"Not interested." Tanging sagot ni Enzo na nagpalaglag ng aking balikat.

"Aba! Talandi ka! Bawal ka namang mag boypren, ah!" Singhal ni Leo nang makitang nalungkot ako. Bigla akong napabalik sa katinuan.

Oo pala. Grade 5 pa lang kami, 10 years old pa lang pala ako. Matagal pa bago ako mag 18.

"Pero alam mo..." biglang inilapit ni Leo ang sarili sa akin. Mukhang may ichichismis ito. Mabilis ko namang inilapit ang aking tainga. Interesado sakanyang sasabihin.

"Hindi pa sigurado kung totoo. Pero may girlfriend na raw iyong tatlo." Panimula niya na mas kumuha ng aking interes.

"Totoo?!"

"Oo, pero hindi sigurado kung sinong girlfriend."

"Bakit? Dito ba nag-aaral?"

"Hindi sigurado kasi... ang sabi rin ay marami ata! Ewan ko rin, baka assuming lang iyong iba."

Nanlumbay ako sa nalaman.

"Kahit si Enzo? M-may... girlfriend na siya?" Napatitig si Leo sa itsura ko bago unti-onting tumango. Napunta sa kawalan ang aking tingin. Bigla akong nanlumbay.

"Sino? Marami rin?" Kuryuso ko pa ring tanong.

"Hindi ko sure, baka." Mas nilamon ako ng lungkot. Bakit masakit sa may bandang puso? Parang kinukurot ang puso ko. Kaninong kamay ba kasi 'yan?!

Naging usap-usapan nga ang pagkakaroon ng maraming girlfriend ng tatlo sa sumunod na mga araw. Lahat ata ay iyon ang pinagchichismisan, kani-kaniyang hula ang mga ito sa kung sino ang mga girlfriends nito. Kahit saan ako magpunta ay lagi iyon ang aking naririnig. Iba-ibang babae rin ang binibida ang kanilang mga sarili na sila raw ang girlfriend ng kung sino man sa tatlo. Kaya marami rin ang naguguluhan, maging ako.

"Hoy, Mika! Nakita namin kayo ni Enzo nag-uusap noong isang araw sa library. Ikaw ba ang girlfriend niya?" Tanong ng isa naming lalaking kaklase. Natigil si Mika sa pakikipag kuwentuhan sa mga kaibigan niya at mayabang na nilingon ang nagtanong. Naging kaklase namin si Mika ngayong taon, mas lumala ang inis niya sa akin lalo na kapag sumasagot ako sa tanong ng guro at natataasan ko ang scores niya. Mas lumala rin ang bangayan nila ni Leo dahil palagi ako nitong pinagtatanggol.

"Yes, boyfriend ko na siya pero you all know naman na mahiyain si Enzo so we keep it secret muna." Buong ngiti nitong sagot, may halong yabang doon at pang-iinggit. Nagsitunog dismaya naman ang ilan kong kaklase at sinimulan na syang pag-usapan.

Nag-aalalang bumaling din ako kay Leo. May taranta akong naramdaman sa aking dibdib.

"Totoo kaya iyong sinabi niya?" Tanong ko. Umaasang kokontrahin iyon ng aking kaibigan.

"Huwag kang maniwala dyan, feelingera naman 'yan dati pa." Sagot niya at umirap kay Mika.

"Pero nakita sila sa library... nag-uusap." Nawawalan ng pag-asa kong saad. Iniharap niya ang katawan sa akin, binibigay ang buong atensyon.

"Bekeki. Hindi por que nag-uusap, e magjowa na. E bakit itong ginagawa natin, usap din 'to, ah? Magjowa ba tayo? Hindi." Paliwanag niya at umarteng nasuka sa panghuli. Gumaan ang loob ko kahit papaano dahil may punto siya. Baka nga ay isa lamang si Mika sa mga nag-iisip na jowa niya si Enzo.

Her Obsessed Husband (VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now