Kukuha na sana siya ng ulam para sa kanya ngunit maagap si Edison at agad na napigilan nito ang kanyang kamay..

"Ako na mahal"....presinta ni Edison sa asawa at agad na inabot ang chapsoy na isa sa paborito ni Allexa dahil gaya ng kanilang anak ay mahilig siya sa gulay at nilagyan din ni Edison ng iba pang ulam at abg huling inilagay ay ang kare kare saka nilagyan din nito ang kanyang pinggan...

"Hmm ang sarap ng luto nilang pagkain dito ah!...ani Edison saka tinikman nito ang kare kare..."Kasing sarap ng luto mo mahal na namiss ko ng sobra"...muling wika ni Edison habang nakatingin sa asawa na tahimik lang na kumakain ngunit ng banggitin nito ang kare kare ay napatingin ito sa kanya ngunit umiwas ng tingin ng magtama ang kanilang mga mata...

Sa bawat pag iwas ng tingin ni Allexa kay Edison ay napapabungong hininga nalang ito ngunit hindi naman niya masisisi ang asawa kung sakaling may nararamdamang tampo o pagdaramdam sa kanya dahil kahit papaano kasi ay ina nito ang nagparanas ng kalupitan sa kanyang asawa...

"Mahal saan kayo nakatira?...maya maya ay tanong ni Edison kay ngunit tikom ang bibig nito dahil ayaw niyang malaman ni Edison kung saan siya nakatira...at dahil walang mahintay na sagot si Edison mula kay Allexa ay ang anak nito ang kanyang binalingan..."Anak saan kayo nakatira ngayon"?...malumanay na tanong ni Edison sa anak..

"Sa malaking bahay po ni lolo Gener na kasing laki ng bahay natin daddy!...deretsahang sagot ni Allison na ikinamangha na dalawa..

"Lolo Gener!?...gulat na tanong ni Edison sa anak nito saka napatingin kay Allexa na parang nabalisa ng mga sandaling iyon...

"Yes daddy sa malaking bahay ni lolo Gener kami nakatira ni mommy,and you know daddy ang laki ng kwarto ko at para akong princess kasi puro pink ang kulay sa loob ng kwarto ko at ang dami ko pang mga barbie dolls at ang laki din ng kwarto ni mommy daddy kasyang kasya kayong dalawa doon!...natutuwang pagbibida ng walang kamuwang muwang na si Allexa..

"That's good anak"...tanging sahi ju Edison saka bumaling kay Allexa..

"So tama nga ang kutob ko na mag ama kayo ni don Gener De Jesus?....mahinang tanong ni Edison habang titig na titig kay Allexa upang tingnan ang reaksiyon ng asawa..

"Oo, ama oo nga si don Gener! Bakit apektado kaba?...mahinang sagot ni Allexa at nakipagtitigan kay Edison..

"Alam kong balak mong maghigante Allexa at hindi kita hahadlangan kung iyan ang makakapagpatahimik sayo ngunit hinihiling ko lang na sana ay wag mo naman akong idamay o si Allison dahil kapwa tayo biktima ni mommy at ayokong masaktan ang murang isip ng ating anak dahil wala pa siyang alam sa nangyayari sa kanyang paligid"!....nagsusumamong wika ni Edison...

"Hindi ko kayang saktan ang aking anak iyan ang ilagay mo sa kukute mo dahik mahal na mahal ko siya"...mahina ngunit mariing sagot ni Allexa kay Edison..

"Alam ko naman iyon but i just worried na baka maapektuhan ang bata sa magiging iringan ninyo ni mommy dahil malapit siya kay mommy at ayokong dumating ang panahon na magdamdam ang bata at magtanim ng galit sa murang isip niya"...giit ni Edison..

"I can handle this!...tanging sagot ni Allexa saka tumayo na ito ngunit sinundan siya ni Edison ng papunta ito sa may washing area para maghugas ng kamay..

"Sabihin mo kasi sa akin ang totoong nangyari para maayos na ang gulong ito dahil naiipit kami ng anak natin at ayokong masira ang pamilya natin dahil ang nais ko ay muling bumalik ito sa dati,iyong tahimik at sama sama tayong tatlo na masaya"....saad ni Edison..

"Wag ka nang umasa Edison na maibabalik sa dati ang pamilyang sinira ng iyong ina!....

"Allexa please!...muling samo ni Edison ngunit tinalikuran lang ni Allexa si Edison at binalikan ang anak na noon ay nakamasid sa kanilang dalawa habang magkasunod na naglalakad..

"Mommy,daddy nag aaway ba kayong dalawa?...kukurap kurap na wika ni Allison na para bang pinipigil nito ang maiyak at namumula mula ang gilid ng mata nito..

"No anak hindi kami nag aaway ni mommy mo!....maagap na sagot ni Edison ng mapansin nito ang itsura ng anak..
I'm

"Eh bakit parang galit si mommy sayo?...muling tanong nito sabay tulo ng masaganang luha..

"No anak,hindi kami nag aaway mi daddy may pinag uusapan lang kami tungkol sa negosyo at mayroong problema kasi kaya medyo tumaas ang boses ko sa daddy mo!....kaila ni Allexa upang mapanatag ang loob ng anak ngunit lumuluha parin ang batang walang kamuwang muwang sa kanyang paligid..

"Yes anak nag uusap lang kami ni kommy about business at hindi kami nag aaway"...saad naman ni Edison sabay akbay kay Allexa at hinagkan nito ang pisngi ng asawa sa harap ji Allison na hindi nagawang tumanggi dahil nasa harap sila ng anak..

Nakumbinsi ng mag asawa ang anak na hindi nga sila nagtatalo ng mga sandaling iyon ngunit ang kanilang mga mata ay nag uusap na waring nagpapaalala ng sa mga dapat jilang gawin...

MAtapos kumain ay nagprisintang ihatid ni Edison ang kanyang mag ina ngunit tumanggi si Allexa kaya wala siyang nagawa kundi bumalik nalang sa opisina na lulan ng taxi st ng makarating ng opisina nito ay muling hinarap ang mga trabahong naantala dahil kay Allexa ngunit masaya siya dahil muli niyang nasilayan ang babaeng pinakamamahal and he promised to himself that he will do everything to win back his loving wife...

....

Lumipas ang mga araw at dumating ang pinakahihintay ni Allexa at walang kamalay malay ang pamilya ni Edison maliban sa kanya sa magaganap sa mga oras na iyon dahil minabuti ji Edison na wag ipaalam sa kanyang mommy ang natuklasan tungkol sa negosyo nila at sa totoong pagkatao ni Allexa..

....itutuloy..

...LANGIT KA, LUPA AKO...by,..emzalbino..(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon