Prologue

51K 1.8K 859
                                    


Tahimik lang akong naglalakad papalabas sa palengke. Bumili ako ng gulay at isda na uulamin namin mamayang tanghalian.

Hindi ko maiwasang magtaka dahil puno ng Van ang paligid, marami ring mga lalaking nakaitim na parang nagmamasid at may hinahanap.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad nang biglang may humila sa damit ko. Agad akong tumigil at dahan-dahang lumingon, bumaba ang tingin ko sa batang babae na ngayon ay nakatingala sa akin.

"Hi, 'neng? Anong atin?" Takang tanong ko. Tsaka taga rito ba ang batang 'to? Nakakapag-taka kasing subrang puti niya tapos may kulay asol pang mata. Ang gandang bata naman.

"Let's go home! Please, come with us!" Nagsalubong ang kilay ko.

Englishera.

"'Neng? May problema ka ba? Nasa'n mama at papa mo?" Mabilis itong umiling.

"I don't want daddy! So, please come with me! He will scold me if he find me!" Napakamot ako sa ilong.

"Brazilla! Fuck! Where have you been!" Pareha kaming napalingon dahil sa malalim na boses.

"He's here... please Mommy! Come with us!"

"Brezilla! Come here!" Imbes na makinig ay nagtago ito sa likuran ko. "Hey, get off. I want my daugther," nakanganga lang ako habang nakatingin sa kanya.

Ang pogi. Ang hot. Ang muscles bakat. Sh*t sino ang anghel na 'to?

"Can't you hear me!? Woman!"

"Y-Yes Daddy --- I-I mean... y-yes Sir?" Shit umayos ka mal#nding Zamia!

"Give her to me," nilingon ko ang bata, umiiling ito.

"Daddy --- I mean Sir, ayaw niya ata..." Napaatras ako nang lumapit ito sa amin. Walang kung ano'y hinila niya 'yong bata dahilan para sumigaw ito.

"Mommy! Mommy! Uwi Ka Na Raw Sabi Ni Daddy!" Nanlaki ang mata ko.

"Talaga? Sabi ni Daddy---"

"Shut up, woman!"

"Eh sabi niya raw eh-"

"Damn shut up!"

"Uwi ka na Mommy!" Sumigaw siya ulit.

"Oh, 'di ba sabi-"

"Shut up!"

Patay galit na ata.

____________________________________________________________________

(:

The Unknown Daughter (COMPLETED)Where stories live. Discover now