•| AGAINST THE WOLD

30 7 0
                                    

"Sorry talaga," saad niya habang ‘di mapigilan ang pagbuhos ng kaniyang mga luha

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Sorry talaga," saad niya habang ‘di mapigilan ang pagbuhos ng kaniyang mga luha.

"‘Di ba lalaban tayo? Kahit anong sabihin nila! Hoy!" Pagpupumilit ko sa kaniya.

"Tama naman mga magulang mo e, kay Heist, tanggap kayo ng mundo at higit sa lahat andiyan siya palagi para sa ‘yo. Babae at lalake naman talaga dapat ikasal."

"Xier!" Sinubukan ko siyang pigilang umalis sa ilalim ng ulanan. Magmula sa araw na ‘yun wala na siyang paramdam.

"Raich, pagpasensiyahan mo na ‘yung best friend ko na ‘yun ha," sambit ni Heist at nagabot siya ng inumin sa akin. "Nga pala na ready ko na lahat ng kakailanganin natin for the wedding, if there's any problem just tell me asap, okay?" Tumango lang ako bilang sagot. I don't get bakit uso pa rin sa panahon ngayon ang arrange marriage, mabait naman si Heist, na appreciate ko ‘yun pero ayaw ko namang umasa siya kasi kung ano man nararamdaman ko lahat ng ‘yun appreciation lang sa mga ginagawa niya.

Kinabukasan...

"Asaan na ba si Heist? Pabuhos na ‘yung ulan oh!" saad ni mama habang palingo-lingo sa paligid.

"Nariyan na pala siya," biglang saad naman ni papa na siyang ikinapanatag ng loob ni mama.

Nagsimula ng maglakad si Heist sa red carpet. Pagkarating niya sa hararapan ko sabay naman kaming humarap kay pastor, may sasabihin pa sana si pastor nang bigla siyang pinigilan ni Heist at lumingon ito sa likuran kaya napalingon din ako. Laking gulat ko nang makita ko si Xier doon. Wala na akong sinayang pa na segundo at tumakbo na ako papunta sa kaniya, wala akong pake alam sa mga tao sa paligid.

"Kala ko sa babae ka pa rin ikakasal, sa 'kin pala," saad niya sabay buhos ng ulan.

"Baliw ka!" sambit ko sa kaniya't niyakap ko siya ng pagkahigpit-higpit.

WRITE-A-THON CHALLENGE 2022Where stories live. Discover now