•| INAY: Ikaw Ang Buhay

36 9 0
                                    

"Hay nako Cindy! Puro ka next month!" Pagsusumigaw ni aling Mirna sa harapan ng bahay namin habang pinakiki-usapan ko siya tungkol sa upa ng bahay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hay nako Cindy! Puro ka next month!" Pagsusumigaw ni aling Mirna sa harapan ng bahay namin habang pinakiki-usapan ko siya tungkol sa upa ng bahay.

"Aling Mirna...Sadyang 'di lang talaga sumasakto 'yung sahod ko e. Pangako po sa susunod na buwan makakabayad na po kami," pagmamakaawa ko sa kaniyang bigyan niya kami ng palugit.

"Hay nako! Pag sa susunod na buwan 'di pa kayo magbabayad maghanap na kayo ng malilipatan!" Ani niya't saka umalis.

"Nay? Ano sabi ni aling Mirna?" usisa ng anak ko si Jane.

"Wala anak. Sige na ituloy muna 'yung assignment mo," saad ko sa kaniya.

________________

"Oh, mare. Ba't ganiyan mukha mo?" Lumapit sa akin si Mariel, katrabaho ko.

" 'Yung may-ari kasi ng inuupahan namin e naninigil na. Alam mo namang gaano ka stress maging teacher dito sa atin ultimong mga gamit sagot natin, kaltas na nga sweldo dami pang gastusin dito pa lang sa school, ano na lang matitira sa bahay?"

"True ka diyan. Nito nga lang nakaraan nasira printer ko 'di ko pa mapaayos e. Pero alam mo, 'yung ate ko naghahanap daw ang school nila ng new teacher doon sa pinagtatrabahuan niya, baka pwede ka doon," wika ni Mariel sa akin habang gumagawa kami ng PowerPoint.

"Saan naman?"

"Sa US."

"Talaga? Alam mo ang tagal ko na gustong pumunta diyan kaso dami talaga trabaho e," tuwang tuwa kong saad ko sa kaniya.

"Sabihan mo lang ako if gusto mo ha, o siya, mauna na ako at baka nagkakagulo na mga estduyante ko," paalam niya sa akin at saka umalis na dala ang mga gamit niya.

After ng klase ko agad ko nang sinundo ang anak ko.

"Kumusta naman princess ko?" sambit ko't pinisil-pisil ang kaniyang pisngi.

"Ayos naman po, nay!" masigla niya namang sagot.

"Saan mo gustong kumain?"

"Ah kahit saan po!" pagsagot naman niya.

"Sige tara na!"

Pagkatapos naming kumain nakauwi na agad kami sa bahay at tinawagan ko naman ang kapatid kong si Ashley.

"Bakit ate?"

"May papaki-usap lang sana ako sa 'yo. May nag offer sa 'kin ng trabaho sa U.S ...gusto ko rin tanggapin kaso iniisi-" 'Di na natuloy ang sasabihin ko nang hawakan niya ang kamay ko.

"Sige na ate tanggapin mo na, ako nang bahala kay Jane, pangako 'yan," suhesyon niya.

"P-pero 'di naman ganoon kadali 'yun e . Ni hindi ko nga alam anong reaksyon ni Jane," saad ko sa kaniya.

" 'Yun lang."

Kinabukasan, maaga akong nagising gaya ng pang-araw-araw kong gawi.

"Mare! Ano na?"

"Nag dadalawang isip pa rin ako kung tatanggapin ko pa. Paano naman kasi yung anak ko 'di ba? Mag-isa na nga lang siya iiwan ko pa," saad ko kay Mariel na kadadating lang.

"Naiintindihan naman kita pero para sa kaniya rin naman ito. 'Di na bumabata ang anak mo, lumalaki na rin ang expenses niyo, ikaw din," sagot naman niya sa akin.

Makalipas ang ilang araw napagdesisyonan ko ng tanggapin ang trabahong iyon.

"Nay?! Saan ka po pupunta?" usisa ni Jane habang kinukusot kusot ang kaniyang mata dahil bagong gising pa lang siya.

"Nak," pinunasan ko muna ang luha ko at saka ako napatuloy sa pagsasalita. "Aalis muna si nanay ha, magtatarabaho lang ako sa ibang lugar. Babalik din ako," pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Nay?! Bakit naman po kailangan sa ibang lugar?"

"Anak kasi, masyido ka pang bata para maintindihan,"

"Pero...nay-"

"Anak, para rin 'to sa 'yo," saad ko at saka tumalikod na sa kaniya.

Natigilan naman ako sa paglakad nang may sabihin siya sa akin.

"Sige nay! Gumaya ka kay Tatay!" saad niya't padabog na pumasok sa bahay.

Bagamat ganun ang reaksyon niya 'di ko pa ring napigilang umalis habang umiiyak, para sa kaniya rin lahat ng ito.

Habang nasa airport ako, 'di pa rin ako tumitigil sa pagluha. Ilang minuto na lang aalis na ako rito sa Pinas. Dahil medyo matagal pa naman ang flight ko umiglip muna ako.

"Kahit mahirap ang buhay natin magkasama tayo forever hanggang sa magka boyfriend ka, hanggang sa magkaroon ka ng asawa, anak at apo, kasama mo ako." Nagising ako nang maalala ko lahat ng sinabi ko kay Jane noon. Tama bang iniwan ko siya?

Hindi!

Tumakbo na ako papalabas ng airport at pumara ng taxi pauwi sa bahay.

"Jane! Anak!" sigaw ko habang papalapit sa kaniya.

"Nay?" 'di makapaniwala niyang boses. "Nay!!!!"

Niyakap ko siya ng mahigpit ng magtagpo kami sa labas ng bahay.

" 'Di ka na po ba aalis?" usisa niya sa akin.

" 'Di na, anak," sagot ko sa kaniya at muli ko siyang niyakap.

"P-pero pangarap niyo pong makapuntang US-"

"Walang silbi 'yung pangarap ko kung 'di kita kasama," muli kong saad kaniya at binigyan siya ng magkakasunod na halik sa pisngi at mahigpit na yakap.

Kahit anong hirap basata kasama ko si Jane, makakaya namin.

WRITE-A-THON CHALLENGE 2022Where stories live. Discover now