Chapter 49: "Knight's Departure"

Start from the beginning
                                    

"Tatanggapin mo ba 'tong offer, baby?" Bumalik sa kasalukuyan si Dylan nang hawakan ni Dianne ng kamay n'ya. "Mawawala ka ng three months? At sabi rito, pwede pa 'yon maextend."

Kitang-kita ni Dylan ang lungkot na saglit na naglaro sa mata ng mommy n'ya. Kung tatanggapin n'ya kasi ang offer, ito ang unang beses na malalayo s'ya nang gano'n katagal sa mga magulang n'ya.

Mahinahong bumuntong-hininga si Dylan. "It's a great offer. The school will cover all the expenses and it will help my academic credentials if I want to study medicine abroad."

"Kung sa bagay..." Naka-pout na nangalumbaba si Dianne. She knows her boy is capable of a lot of things. Nakakapanghinayang nga naman kung pipigilan n'ya 'tong mag-grow dahil lang mahihiwalay 'to sa kan'ya saglit.

"I'll still think about it, Mom." Tumayo na si Dylan at hinalikan sa ulo si Mimi. Binitbit n'ya sa isang balikat n'ya ang backpack saka muling lumapit kay Dianne para halikan ulit 'to sa noo. "'Wag kang magpapagod."

Napangiti na lang si Dianne. "Para ka talagang daddy mo kung mag-alala sa 'kin. Masyado kayong paranoid. Basta baby, kung tatanggapin mo man 'yong offer, magsabi ka agad, okay? So that mommy could shop new clothes and things for you."

"That's not needed." Sinenyasan na ni Dylan ang mga maid na nakatayo sa gilid, hinihintay silang matapos. Agad na lumapit ang mga 'to para iassist si Dianne. "Papasok na ako. See you later."

Isang masayang ngiti pa ulit ang rumehistro kay Dianne bago 'to tuluyang nagpaalam sa anak.

*********

"So, Mr. President chose Dylan?" sabi ni Chloe habang nakatingin sa listahang nakapaskil sa sarili nilang bulletin board sa loob ng classroom. Nakatingin din doon ang iba pang myembro ng Feight, pwera kay Dylan, Ayuri at Lucas na pare-parehong nakaupo ngayon sa mga pwesto nito. Binabasa nila ang bawat pangalan ng sampung estudyanteng magiging exchange students sa New Zealand.

"Medyo pamilyar 'yong ibang pangalan..." si Zendra. Sigurado s'yang nakita na n'ya noon ang ibang mga pangalang nakalista. Isa na sa mga pamilyar na pangalang nandoon ay ang kay Elizabeth Cordel. Wala si Misha, Harper at Errol.

"Of course," si Ayuri ang nagsalita na nakaupo sa upuan nito at may pinipirmahan. "Four of them are stealers."

Stealers?!

Hindi napigilan ni Sindrick na suriin ulit lahat ng mga pangalan.

Josh Calya
Ivan Illustrado
Vanessa Dixon
Blake Salvidar

Iyan ang mga pamilyar na pangalan. Oo nga naman. Paano nila makakalimutan ang mga pangalan na 'yan eh sila mismo ang nagresearch ng identity ng mga 'to. Matapos ang naging insidente noon sa abandonadong building, nakakuha sila ng ideya kung sino-sino ang mga kalaban nila. Natandaan nila ang mga mukha nito kaya hindi na mahirap hanapin ang pangalan.

Noong unang beses pa lang na makita ni Ayuri ang listahan, nakilala na agad n'ya ang lima, kasama si Elizabeth Cordel. Alam na agad n'yang apat na stealers ang makakasama ng isang Feight member sa loob ng tatlong buwan.

"A Feight member must still wear his badge in all school-related activities.," dugtong ni Ayuri.

"This is absurd," reklamo ni Sin. Humalukipkip s'ya at kunot-noong tinignan lang ang listahan. "We can't let Dyl go alone. Sure, he's strong but 4 vs. 1? And he has three months to protect his badge on his own?! They'll all be staying in the same place, same dorm, same building!" Kumumpas sa ere si Sindrick bago tumalikod sa listahan at bumalik sa upuan nito. It irritates him just thinking about it.

"Why doesn't Mr. Estebar allow at least two Feight members to participate in the program?" kunot-noo ring opinyon ni Hannah. Sinulyapan n'ya si Dylan. "You are not obliged to accept the offer, Summers."

FEIGHT (Famous Eight)Where stories live. Discover now