"Iyong bibig mo,"

Natigilan ako sa ginagawa at kunot noong tumingin sa kaniya dahil parang umiral na naman ang pagiging malanding bakla niya. Napansin niya ang pag titig kong iyon dahil bigla siyang umayos sa pagkakaupo at nag iwas ng tingin sa akin.

"I-i mean...Ano...mhie..the same lipstick you used...on your lips.." He said between coughing, hindi rin nakatakas sa akin ang pagpula ng pisgi niya hanggang tenga.

Napailing na lang ako at maliit na napangiti.

"Whatever, Travon," Mapang asar na sabi ko at bumalik ako sa ginagawa at kinuha ang lipstick na timutukoy niya.

Napangiti ako at napapalakpak ng sa wakas ay natapos ko rin. Hinawakan ko ang baba niya at hinarap ulit sa akin para makita ang kabuuan ng niya. Pinag kikiskis niya pa rin ang mga labi dahil sa lipstick, agad ko namang pinunasan ang lumampas sa labi niya.

"Pak, ang ganda mo!" Tuwang tuwang sabi ko habang pinag mamasdan siya.

Mas natawa pa ako ng nag kunwari siyang may mahabang buhok at maarteng pinatalsik iyon sa kaniyang likuran. "I know right," Maarteng sabi niya pa.

"But seriously, you're already good at this. Bakit kailangan mo pang mag practice kuno?" He asked.

"Masyado ka kasing masyadong alam sa maraming bagay, mas magaling ka pa minsan sa'kin kaya siyempre dapat masabayan kita o malampasan pa," I chuckled and winked at him.

"Tsk. Given na iyon. I'm gay remember?" Maarteng sabi niya at pinatunog ang daliri. Natigilan ako sandali bago maliit na ngumiti at tumango.

Sa totoo lang hindi ko masyadong iniisip sa ngayon ang tungkol sa pagiging bakla niya. Masaya ako sa iba't iba at mga bagong bagay na kasama siya. I love experience things with him pero hindi ko maitatanggi na palaging may kirot. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko itatago ang pagkakagusto ko sa kaniya dahil habang tumatagal mas lumalalim pa tapos wala akong magawa kundi mag panggap na maayos lang ang lahat.

I'm afraid of many things. Takot akong umamin sa kaniya dahil alam kong wala ring patutunguhan kapag ginawa ko iyon. Takot ako na mag bago lang ang pakikitungo naman sa isa't isa at ayoko non at natatakot ako dahil sa paglalim pa lalo ng nararamdaman ko hindi ko alam ang maaaring mangyari.

I sighed heavily.

"You okay, mhie?" I got back to my senses when I heard Travon asking me worriedly.

I cleared my throat and nodded awkwardly.

"Mygodness. Let's go downstairs na. Baka gutom ka na at natutulaley ka na, after let's watch movie," Aniya at umakbay sa akin.

Hindi na naman ako pumalag at sabay na kaming naglakad pababa hanggang kusina. Nag simula na siya sa pagluluto ako naman ay nakatanga lang habang pinag mamasdan siya.

Hindi ko rin maiwasang hindi matawa dahil feel na feel niya pa ang make up habang nag luluto hanggang sa pagkain hindi niya talaga tinanggal iyon. Inaartehan pa ako na mas maganda pa raw talaga siya kaysa sa akin. Whatever.

Nanood mga kami ng movie katulad mg gusto niya matapos kaming kumain. Parehas kaming nakasamdal sa headboard ng kama habang ang laptop ay nakapatonh sa hita niya. Napatingin ako sandali sa labas ng veranda dahil bukas na bukas ang kurtina non. Masyadong mabilis ang oras dahil madilim na.

Nilalaro laro ko ang mga daliri niya habang nanonood kami kahit sa totoo lang wala talaga akong maintindihan sa pinapanood namin. Halatang siya lang ang interesado dahil tutok na tutok siya. Sumandal ako sa balikat niya ng mapahikab ako.

"You sleepy na?" He asked.

Tipid na tango lang ang sinagot ko tumango naman siya at hinaplos ang ulo ko. Hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya ng mahagip ko ang relo niya.

Behind Closed DoorsWhere stories live. Discover now