"Tsk. Sorry na, sige sasamahan na kita," Sabi niya at maliit na ngumiti nag peace sign pa talaga ang bakla.

"Kung hindi pa ako bumagsak sa sahig hindi pa papayag," Mahinang bulong ko may halo pa ring inis at pagtatampo, ang sakit ng katawan ko kaya!

Matalim pa rin ang titig ko sa kaniya ng mag tama ang paningin namin. Iginalaw galaw ko ang braso ko at hinawakan ang siko kong unang tumama pagbagsak ko. Napatingin ako kay Trav ng sipat sipatin niya ang likuran ko. Hindi naman gano'n kasakit tuwinb ididiin diin niya ang kamay niyang namasahe sa akin. Mas masakit ang siko na na sumalo ng lahat dahil tininungkod ko iyon.

"Masakit ba?" Nag aalalang tanong niya pero sa akin pang aasar iyon.

"Are you kidding me?" Inis na tanong ko.

"Huwag mo'kong tarayan diyan, ang aga-aga, Solana ha." Aniya at inirapan ako. Napangiwi ako at maarteng pinatalsik ang buhok sa likuran.

Ilang minuto pa kaming nanatili sa gano'ng pwesto dahil nakirot kirot talaga ang siko at ang likuran ko. Kumuha pa siya ng icebag at siya mismo ang nag asikaso sa akin.

Tinupad niya naman ang sinabi niya na sasama na siya sa akin sa pag ma-make up. Pagkatapos naming kumain tumaas na kami ulit sa kwarto at pumasok sa closet at pinaupo ko na siya sa harapan ng salamim. Good thing hindi na rin naman sobrang sakit ng likuran at siko ko.

Nakangiti lang ako habang sinisimilan siyang make up-an. Wala naman akong naririnig na pag rereklamo sa kaniya pero blanko lang ang itsura habang naka crossed arms at nakatingin lang sa akin.

Ibinaba ko ang brush na hawak ko at hinawakan ang baba niya para iharap sa akin. Hinayaan niya na ako talaga ang mag make up sa kaniya hindi siya nakialam kaya mas natuwa ako. Lipstick na lang amg kulang. I already done with the eye eyebrows, eyeshadow. I even tried to try a new style of eyeliner and of course the blush on who suits him. I almost done but I noticed something, parang may kulang.

Tama! the mascara. Kinuha ko iyon at agad siyang nilagyan. I can't help but to stare at him. Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito kalapit, ramdam na ramdam ko na ang hininga niya sa pisgi ko at unting galaw na lang pag humarap siya magtatagpo na lang labi namin. Napangiti na lang ako at napailing ng tignan ko soya seryoso pa rin siya at blanko pa rin ang expression, obviously he didn't know that I stared at him. Napaka perperkto naman kasi ng features niya.

I snap my fingers. Nakita ko naman ang pag taas ng kilay niya at parang tinanong kung para saan iyon.

"Ngumiti ka naman," I pouted.

"What for?" Masungit na tanong niya.

"Trav, naman. Kanina pa kaya ako rito hinayaan mo nga sa pag ma-make up na gusto ko pero parang wala ka rin namang pake. Hindi ka nga nag bibigay ng feedbacks eh you're just giving me your blank expression," Parang batang sabi ko at inirapan pa siya.

Parang nawalan tuloy ako ng gana kung kailan patapos na.

Nginiwian ko lang siya at muling inirapan ng ngumiti siya at nagkamot ng batok na parang may napagtanto. "I thought you just need someone para makapag practice. Akala ko dapat serious lang," He smiled awkwardly.

"Nakakainis ka naman," Sabi ko at tinalikuran siya. Akmang lalabas na ako ng hilahin niya ako.

"Sige sige na. Patapos na oh, let's finish this. I'll give the expression na kanina ko pang pinigilan," He said and smiled sweetly. Napanguso naman ako para pigilan din ang pag ngiti.

Bumalik kami sa harap ng salamin at agad ko namang hinanap ang iba't ibang brand ng lipstick.

"Anong bagay sa lips mo?" Tanong ko at ipinakita ang mga hawak kong lipstick na may iba't ibang brand.

Behind Closed DoorsWhere stories live. Discover now