Irene Malven:

"Hi love, good morning!"

"Pagdating mo dito sa University, come to my office and have breakfast with me"

"Okay."

(Ay taray nawala ang nn, ang cold mo beh ha, aray!)


-•-•-•-

"NANDITO NA PO TAYO, miss ganda." Malanding sambit ng taxi driver nang makarating na kami sa university. Palihim ko siyang tinarayan. Baka kasi sabihin attitude ako. Iniabot ko na lamang ang bayad at lumabas na sa loob.

"Goodmorning, miss Samantha! ID niyo po?" Masayang bati ni kuya guard nang marating ko ang gate ng University.

"Goodmorning din po, kuya!" Ipinakita sa kan'ya ang ID ko na nakasabit sa aking leeg.

"Babeeeeee!"

"Sammy!"

Nagulat naman ako nang batiin ako ng dalawang kaibigan ko matapos akong makapasok sa university. Matagal na rin kasi simula noong nag-away kami at hindi nagkikibuan.

"Savi, Francine!" Masayang bati ko pabalik bago sila yakapin nang makalapit ako sa kanila. "I missed you both."

"Namiss ka rin namin, babe."

"Yeah, we missed you too, Sammy!"

Naramdaman ko naman na niyakap nila ako pabalik. Hindi ko maiwasang makaramdam muli ng konsensya matapos ko silang sungitan at iwasan para lang ilayo ang sarili ko sa kakulitan nila na hindi naman solusyon sa magulo kong isip.

"I'm sorry kung napagtaasan ko kayong dalawa ng boses," I sincerely apologized. Pinalo naman ako ni Savi sa braso na ikinadaing ko nang bahagya.

"Ano ka ba! Dapat nga kami ang magsorry sa'yo kasi ang kulit-kulit namin."

"Yes, kaya nga nahiya na kaming lumapit sa'yo. Para na rin makapagisip-isip ka at walang mangulit sa'yo." Francine explained, smiling at me sweetly. Muli ko naman silang niyakap nang mapalambot nila ang puso ko.

Pagkakalas namin sa aming bisig, narinig ko naman na nagtanong si Savi. "Pero, babe kamusta na pala kayo ni m-ms. Irene? Hehe." Mukhang nahihiya pa siya at nagdadalawang isip na banggitin ang pangalan ni Irene.

"Okay na kami." Tipid na sagot ko na ikinalaki naman ng kanilang mga mata.

"Weh? Paano? How? Bakit? Kailan? Talaga?"

Umupo muna kami sa bench bago ako magkwento tungkol sa naging rason ng problema namin ni Irene. Wala akong pinalampas, lahat ay binanggit ko sa kan'ya. Maski ang Ate ni Irene.

"Kasalanan pala ng chikadora at madaldal niyang Ate ang lahat-lahat, eh! 'Pag nakita ko talaga 'yang Ate niya, lalagyan ko ng asido ang bunganga niya!" Gigil na sabi ni Savi pagkatapos komg magkwento. "Huwag na 'wag niyo akong pipigilan, dahil sa kan'ya nasira ang fandom ko na SamRene,"

"Savi, tama na." Inawat ko na siya, baka kasi ano pa ang masabi. Ang dami pa namang estudyante rito, maissue ang kilos at tingin.

Bigla naman sumagi sa isip ko si Irene. Speaking of that woman, naalala ko na pupunta pala ako sa office niya kaya nagpaalam na ako sa dalawa kong kaibigan.

"Goodluck! Sana makalakad kapa, babosh!" Pinalo naman ni Francine si Savi sa braso upang tumigil. Wala kasing preno ang bibig, wala ring pakiealam kahit na pinagtitinginan na siya ng mga estudyante.

"Ewan ko sa'yo, Saviel nanggigigil na naman ako sa'yo!" Iritadong sagot ko sa kan'ya at naglakad na papunta sa opisina ni Irene.

Kumatok muna ako bago pumasok bilang pagrespeto, ngunit narinig ko rin naman ang boses ni Irene na pumasok na lamang daw ako. Binuksan ko na ang pintuan at ang sumalubong sa akin ay si Irene na nakatayo sa harapan ko.

Miss VictoriaWhere stories live. Discover now