' Hindi ko akalain na magagawa mo sa akin ito. Pwede mo naman sabihin sa aking ayaw mo na hindi iyong naglihim ka pa. Mas maiintindihan ko pa kung nagsabi ka pero sa ginawa mo ngayon, malabong maintindihan kita.'

Ipinikit ko ang aking mga mata at muling hinayaan ang luha ko na umagos sa pisngi ko. Patuloy ako sa paghikbi, wala akong pakialam ngayon sa kung sino ang nakakakita sa akin ngayon. Naramdaman ko naman ang pag-akbay ni Dion. Isiniksik niya ako sa tabi niya,  hinawakan ang ulo ko at isinandal sa balikat niya. Sa ginawa niyang iyon ay nakaramdam ako ng masasandalan. Umiyak ako nang umiyak sa balikat niya hanggang sa nagsawa na ako sa paghikbi kaya tumigil na rin ako. Wala na rin akong mailuha pa dahil mukha ubos na ang luha kong kanina pa umaagos pababa sa pisngi ko. Inayos ko ang sarili ko at bumaba nang bumaba na sila Jelai.

Ngayon ay nakaupo na kami sa hindi ko alam na shop. Masyadong maganda ang paligid pero hindi ko iyon ma appreciate ngayon dahil nangingibabaw parin ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung kaya ko pa bang makita si George. Hindi ko parin alam kung paano ko uumpisahan ang sariling pag-usad gayong alam kong napakahirap.

' Napaka daya mo, ikaw nakapag move on na habang hindi pa tayo naghihiwalay habang ako ay hindi alam kung paano humakbang paabante makalimutan lang ang sakit na nararamdaman ko.'

Dumating na ang inoder ni Dion nguni't nakatulalang tinignan ko lang iyon habang muling umaagos ang luha sa mga mata ko.

Gusto ko nang alisin ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil talagang hindi ko kaya.  Nanlulumo akong tumingin sa kawalan at hinayaang balutin ng sakit ang kalooban ko. Hindi ko rin magalaw ang pagkaing nasa harapan ko ngayon.

Gutom ako pero hindi ko nararamdaman ang gutom sa tiyan ko. Maingay ang paligid pero nabibingi ako sa katahimikan ng grupo namin. Hindi ko alam kung may ideya na sila kung bakit kami nandito.

"You should eat this. Masarap yan."  Natinag ako nang inilapit ni Dion ang pagkaing nasa harapan ko. Tinignan ko lang siya saglit at muling iniwas ang tingin ko. Para naman siyang napahiya kaya hinayaan niya lang ako at kumain na lang siya ng kaniya. Nakaramdam naman ako ng guilt sa iniasta kong iyon pero hindi ko magawang umusap ngayon dahil pakiramdam ko ay kapag magsasalita ako ay magkacrack lang ulit ang boses ko.

Muling nanumbalik sa isip ko ang itsura ni George kanina habang papalayo ang jeep na sinasakyan namin. Hindi ko alam kung totoo pa ba ang nararamdaman niyang iyon, kita ko sa kaniya ang lungkot, awa, at pagsisisi. Hindi ko rin alam kung kaya ko pa ba siyang harapin sa kabila ng panloloko niya sa akin. Masyadong masakit dahil hindi lang siya nagsinungaling sa akin, nakuha niya pang magcheat.

Napabuga ako ng hangin at muling tumingin sa kawalan. Wala na akong mailuha pa dahil mukhang naubos na kanina. ' Sana yung nararamdaman ko rin ay parang luha, kusang mauubos hanggang sa wala nang mailabas na sakit.'  sana ganon na lang nga...

Natapos sila nang hindi ko parin ginagalaw ang pagkain ko. Gulat pa nga ako nang kunin iyon ni Dion at nakangiting tumingin sa akin at saka sinabi ang salitang "SAYANG"

Tumayo na sila at lumabas. Nagpahuli naman ako dahil gusto kong mapag-isa, pero ang pagkakataong iyon ay hindi nangyari dahil kasabay ko parin sa paglalakad si Dion.

"Nandon kasi yung boyfriend ni Greg, may kahalikang babae. Boyfriend ba ni Greg yon?"  Napatingin naman ako kay Darren nang sabihin niya iyon kay Cheng. Nagulat naman ang tatlo at saka gulat na tumingin sa akin.

"S-Si George?"  Takang tanong ni Jelai at tumango naman si Darren.

"Gagong yon ah... Kaya pala kanina pa to tahimik at ganon na lang kamaga ang mukha. Kingina, tara hanapin natin si George!"  Galit na sambit naman ni Cheng.

"Daliii taraaa nanggigigil ako gusto kong kalbuhin si George!! At ikaw!"  Baling naman sa akin ni Jelai. Tinignan ko lang naman siya at muling itinuon ang paningin sa kawalan.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin?"  Galit na tanong ni Cheng. Huminga naman ako nang malalim at tinignan siya.

"Wala namang mangyayari kung sasabihin ko pa sainyo. Nangyari na kaya hindi ko na kailangang sabihan pa. Tama nang nasaktan ako sa nakita ko kanina, ayoko nang dagdagan pa ang sakit ng nararamdaman ko kapag sinabi ko sainyo at puntahan niyo pa siya. K-Kasi baka hindi ko na kayanin ang s-sakit kung maririnig ko pa ang rason niya." Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na sabihin iyon sa kanila. Humihikbi kong nasabi iyon. Akala ko ay wala na kong iluluha pa nguni't nagkakamali ako. Naramdaman ko ang yakap nilang dalawa at doon ay hindi ko na nakayanan pang hindi umiyak at humikbi muli.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa dalawa na lang kami ni Dion na sabay maglakad papauwi. Nagpresinta sila na ihahatid nila ako pero tumanggi ako.

Tahimik lang kaming naglakad ni Dion at ni isa sa amin ay hindi nagsasalita hanggang sa maratinh ko na ang kanto ng Renaissance habang si Dion naman ay magpapatuloy pa sa paglalakad hanggang sa gawi papuntang Delas Alas St.

Akala ko ay may sasabihin pa siya kaya tumigil ako, pero nang wala akong narinig na salita mula sa kaniya kaya nilingon ko siya. Hindi ko alam kung bakit lalong tumamlay ang katawan ko nang makitang nagpatuloy siya sa paglalakad at hindi man lang ako nilingon o kahit nagpaalam man lang.

Mabigat ang loob na nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang gate ng bahay namin. Inayos kong muli ang aking sarili bago ako tuluyang pumasok sa loob. Naabutan ko sina mommy na nanonood sa sala pero umakyat na ako agad dahil ayokong makita nila na ganito ang itsura ko. Alam ko ring nagulat sila sa iniasta ko kaya ngayon palang ang humihingi na ako ng sorry.

Pumasok ako ng banyo at hinubad ang lahat ng suot ko. Binuksan ko ang shower at hinayaang lamunin ng malamig na tubig ang buong katawan ko.

Muling umagos ang luha ko kasabay ng pagpatak ng tubig sa mukha ko. Kahit anong pilit kong kalimutan ang mga nangyari ay hindi ko magawa dahil para itong sirang plaka na nagpaulit-ulit sa isip ko dahilan upang lalo akong makaramdam ng kirot sa dibdib ko.

Hindi ko rin maiwasang hindi mapatanong sa sarili ko. Naging sapat ba ako? Nagkulang ba ako? ' Saan ako nagkulang?' ang daming katanungan sa isip ko, hindi ko mahinuha kung alin ba ron ang kaya kong sagutan o kung mayroon ba akong kakayahan na sagutan ang mga katanungan kong iyon.

Hindi ko alam kung paano ako natapos sa pagligo at pagsuot ng aking pantulog. Hindi ko namalayan ang sarili ko na nakahiga na ako ngayon at malalim ang iniisip.

Hinayaan kong muli ang sarili ko na umiyak nang umiyak dahi iyon lang naman ang kaya kong gawin para maibsan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Masyado paring masakit sa dibdib ko.

Sa hindi inaasahan ay biglang sumagi sa isip ko ang nangyari noong nakaraang. Inumpisahan ko sa birthday ni Vin. Sumagi sa isip ko ang paraan ng pag-uusap nila George at Venice. Doon ay napagtanto ko na may dahilan na pala ako para magselos sa kaniya. Muling kumirot ang dibdib ko sa tanong ko na ' KAILAN PA?'  Sunod kong inalal ang pagpunta namin ni George sa King Street, ang mga sweet at nakakakilig na mga ginawa niya, ang pagkanta niya at ang paghalik at pagyakap niya sa akin. Muli na naman akong nakaramdam ng kirot sa tanong ko na ' AKO PA BA ANG NASA PUSO MO THAT TIME? PARA SAAN PA YUNG GINAWA MO NA YON? PAMPALUBAG SA DIBDIB?'  pinahiran ko ang luhang kanina pa tumutulo sa aking pisngi. Nasasaktan ako pero patuloy kong binabalikan ang nakaraan. Doon ay mas lalo akong nasaktan sa isipin na, ' Kaya pala ganon na lang ang nararamdaman ko nang humingi ka ng sorry sa akin dahil may ginawa kana pala talaga.'  muling umagos ang luha sa aking mga mata. Hindi ko parin matanggap na sa ganitong uri ko pa siya masasaksihan. Nakakapang lumo.  Ipinikit ko ang aking mga mata, hinayaang lamunin ng emosyon ko ang buong katawan ko.

' Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang kapalit ng kaligayahang naramdaman ko nung nakaraan. Kung alam ko lang na ganito kasakit ang kapalit non ay hindi ko na sana hinayaan ang puso kong maging masaya.'

It Started in San Andres St.Where stories live. Discover now