This story is pure fiction, Character, place, anything. kung ano ang pumasok sa utak ng manunulat ay siyang isusulat.
Read at your own risk, thank you
–
"Dalian mo Hennly" sigaw sakin ni Hux sa labas ng gate habang ako ay nag mamadaling bumaba sa hagdan. First time kong sasakay ng eroplano at pumunta sa ibang bansa, kaba at excite ang nararamdaman ko ngayun habang papalabas ng Bahay na ito.
"Grabe parang gustong gusto mo na akong umalis, kung pinaparamdam mo yun, Ramadan na ramdam ko hux!" Sabi ko, tawa lang ang sagot niya... Nilagay na niya ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan at sumakay na ito.
Tinignan ko muna ang Bahay na iiwan ko, kung saan lahat ng alalang hindi ko kayang ibaon ay naiisip ko, Hindi ko kayang ibaon ito kaya kaylangan ko munang Iwan, dahil walang kasiguraduhan kung kakayanin ko lahat ng to. Sumakay na ako ng sasakyan at nag patuloy na sa pupuntahan.
"Anak" tawag pansin sakin ng isang boses na nagpatigil ng aking pag iisip. Humarap Ako at nakita kong mula sa mirror sa harapan ng sasayan ay nakatingin sakin si mama, "Sorry anak ha? Ikaw tuloy ang nahihirapan sa mga kagagawan namin ng papa mo" sabi nito
Ngumiti lang ako, pampagaan man lang ng kanyang nararamdam, ginusto ko din naman ito, nag kataon lang na dumagdag lang ang problema na naging sanhi ng pag tuloy ng balak ko "Kaya ko ma" Sabi ko pero gulong gulo na ako. "Kakayanin ko para satin"
Ang pagkamatay ni lola lorin at ang pagkawala bigla ni Deilon nag umpisa ang pagbagsak ng mundo ko. Makakapag umpisa paba ako? Makakabuo paba ako ng bago kung iniwan at hinayaan ko nalang na magulo padin ang nauna?
"Nandito na tayo" Sabi nila, nasa airport na kami at naka baba na din Ang mga gamit ko, napaka lalim ng mga iniisip ko kaya Hindi ko napansin nandito na kami "Mag iingat ka don anak, kung kaylangan mo lang kami tumawag kalang ha" Sabi ni papa
"Opo pa, nandon naman sila tita selia, Hindi namn ako pinabayaan non alam mo yan" Sabi ko.
"Babalik Ako..
harap ko sakanila "Mag iingat kayo dito, pagsubok lang to" sabay sakap sakanila
"Hux Ikaw na bahala Kay mama at papa ha? Kapag papadala ako Sayo ako tatawag" tumango ito
"Mag aral ka ng mabuti dun anak, wag mo kami isipin dito, wag mo lunurin Ang Sarili mo sa pag tratrabho, ngayun palang sinasabi ko na sayo, Kilala kita" Sabi ni mama at tumawa nalang ako at nagpaalam na
Sa pag lakad ko ay iba padin ang nasa isip ko, nawala na sila sa paningin ko pero alala mo pa din bumabagabag sakin. Kung nandito kalang Sana..
Dei miss na miss na kita..
"Hey miss, I think you're in a wrong seat" mabilis kong tinaas ang ulo ko ng marinig ang panilyar na boses at bumungad sakin ang hinahanap ko
"Dei...
"What? Ohh so you're now dreaming ha?" Sabay ngisi nito ng nakakaloko
:|
