“Nasaan ang kuya mo?” Seryosong tanong ni mom na halatang galit. Sa ginawa kong pangbabastos sa kanila.

“Hindi ko po alam.” Saka ako sumubo ng pagkain na nilapag ni dad kani-kanina lang. “Bababa rin ho naman yata siya.”

Hindi rin nagtagal, bumaba si Thrale na halatang kakatapos lang maligo. Ang tingin niya ay diretso sa aming mga magulang. Nakuha niyang ngumiti sa mga ‘to pero alam kong pilit lang ‘yon.

“Good morning.” Bati niya na agarang tinugunan nina mom at dad.

Kumain na lang kaming tatlo. Wala ni isang nagsasalita sa amin. Pasimple ring kaming nagtitinginan ni Thrale na siniguradong hindi makakahalata ang aming mga magulang. Halata sa kaniya na kanina pa ako gustong kausapin. Pigil na pigil ito.

“Gustong makipagmeeting sa akin ng mga magulang ni Silas tungkol sa kanilang anak. Hindi ko alam kung bakit kasi nakabibigla. May problema ba sa batang ‘yon para magdala ng magulang?” Tutok na tutok ang tingin ni mo sa amin.

Pinunasan ko ang aking bibig bago sumagot. Tumingin muna ako kay Thrale na patuloy sa pagkain. Alam ko ang dahilan kung bakit gustong makipag-usap ng mga magulang ni Silas. “Hindi ko po alam. Mas mabuting siputin niyo na lang ho.” Naalala ko ‘yong sinabi niyang ililipat niya sa kaniya ang dapat kay Kein. Ginawa niya talaga?

“Mas mabuti.”

“Papasok na ako.” Mabilis ang pagkatayo ni dad sa upuan. Hindi ko alam ang kaniyang problema dahil panay siya ngiti sa amin. Ewan ko lang ngayon.

“Mag-ingat ka.” Si mom.

“Thrale, may duty ka, ‘di ba? Bakit hindi mo bilisan ang pagkilos diyan? Sumabay ka na sa akin.” Matapos sabihin ‘yon ng aking tatay, tuluyan na siyang lumabas ng kusina.

Ako ang unang natapos sa pagkain. Pumunta na ako sa lababo para magsepilyo. Hindi pa tapos ang dalawa kaya napagpasiyahan ko munang maupo sa sala. Abala ako sa panonood nang may sumigaw na sobrang tinis.

“Thrizellllllll! I miss youuuuu!”

Nanlaki ang aking mga mata. Napatayo para salubungin siya ng yakap. Ibang-iba ang hitsura niya ngayon. Masyadong maputi at mahaba ang buhok. Sobrang ganda niya. Mas maganda pa pala siya kapag harapan mong nakita.

“Miss din kita. Bakit ngayon ka lang?”

“E, kasi, nasa bahay pala si dad kaya nagstay muna ako sa hotel. Ayaw na ayaw kasi ni mom na magpakita ako roon. Hiwalay na sila, ‘di ba?” Ginaya niga ako paupo sa sofa. Pinakita niya sa akin ang paper bag niyang dala. “Para sa ‘yo ‘to!” Kinikilig niyang abot na agad kong kinuha. “Nasaan sina Tita Threa? Tito Leo? Saka si Kuya Thrale! May pasalubong ako sa kanila!”

“Nandito kami sa likod mo, hija. Sa sobrang lakas ng boses mo, mapapalabas kaming tatlo” Natatawang pagsasalita ni mom sa likod ni Amira na kanina pa nandoroon.

“Tita!” Agad niyang yinakap ni mom. Inabot ang kaniyang pasalubong, sinunod niya si dad hanggang kay Thrale. “Wow, Kuya Thrale, mas lalo kang pumogi kaya siguro mahal na mahal ka ng kaibigan ko.” Natahimik kaming lahat sa kaniyang sinabi pero ang kaibigan ko ay tila walang naramdaman. Ganoon pa rin ang kaniyang kilos. Muli siyang bumalik sa pagkakaupo. “Kumusta ka, Thrizel? Kayo ni Kuya Thrale? Wala ka nang naikwento sa akin tungkol sa inyo.” Nilapit niya ang kaniyang ulo para bumulong. “Ikakasal na ba? Kyahhhhhhh!” Bulong na naririnig naming lahat.

“Pumasok na kayong dalawa.” Pag-iiba ng usapan ni mom. “Kumain ka na ba, Amira?”

“Opo, tita.” Humarap siya kay Thrale. “Anong oras ka uuwi, Thrale? P’wede bang magbonding tayo nila Thrizel? Libre ko lahat.”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum