Chapter 10

12 3 0
                                    


"What book you're looking for?" Jake asked. Joining me on inspecting books inside the book sale.

"Series of poems," I answered, still keep looking.

Dito kami dumiretso dahil hindi rin namin alam kung saan kami pupunta. Jake with his friend and me with Selene decided to have a get together after class. Dumiretso kaming lahat dito sa mall pero habang naglalakad kaming dalawa ni Jake ay bigla na lang silang nawala. Naiwan kami ni Jake. So, here we are looking for a book to kill time.

After a minute of looking. We found a book that contains the compilation of poems. I pay for it, and we leave the store.

"So, sa'n tayo niyan?" tanong ko dito, tumigil sa paglalakad dahil wala naman kaming patutunguhan.

"May nadaanan tayong iceskating rink kanina," nasabi nito.

Hindi ako marunong mag-skate pero hinila ko ito papunta roon bago pa man ako makasagot.

"You tried it?" tanong ko dito. Napatigil naman ang lalaki.

"I... haven't," nahihiyang sagot nito. Natawa ako.

"Ako rin, matutumba lang tayong dalawa kapag sumali tayo," saad ko. Natawa na rin siya at nagkamot sa batok. Napalingon ako sa paligid para tumingin ng iba pang pwedeng gawin.

Nakakita ako ng indoor playground.

"Pwede kaya adult diyan?" tanong ko, napalingon naman si Jake sa tinutukoy ko.

"Fun City?" basa niya sa pangalan. Tumango ako.

"Let's ask." Sabay hila sa akin papunta sa nagbabantay roon.

"Miss, pwede ba ang adult dito?" pagtatanong nito.

"For kids lang po dito, sir. Sa other side po merong another indoor playground kung saan pwede ang adults. Just go to the left side." Maayos na paliwanag ng babae. Tumango kami at nagpasalamat.

Agad naman kaming tumalima dito. We plan to consume the time playing there. 600 php each person for 2-hours na. Maluwang ang lugar and madami ring pamilya ang naroroon. Mostly couples.

We tried every part of the playground, nakakapagod pero nakaka-enjoy naman.

"Para tayong mga bata," Nasabi ko kay Jake. We are now sitting at the top of the slide.

"Age doesn't matter when we are having fun," saad nito bago ako hinila para umi-slide. Napatili ako sa gulat at plano sanang sapakin ng kaunti si Jake pero napatigil ako sa nakita.

Lumingon ako sa lalaki at naabutang nakangiti itong nakatingin sakin. Magkahawak ang kamay naming dalawa. Parang nagslow-mo ang lahat sa paligid at ang tanging nasa paningin ko lang ay ang kasama.

Ito na naman yung feeling na mauubusan ako ng hininga, rinig na rinig ko yung kabog ng dibdib ko.

Ang mga nakangiti naming mukha ay mababakas. Hindi man akma ang edad namin sa lugar na ito. Ngunit tama nga si Jake na hindi importante ang edad sa pagsasaya. Natutuwa ako na siya ang kasama ko ngayon. Napakaswerte ng taong makakatuluyan nito.

Iyon na yata ang pinakamahabang slide na naranasan ko. Matapos sa slide ay nagyaya akong umupo muna sa gilid dahil hindi pa rin nakakamove-on ang puso mula sa mabilis nitong pagtibok. Pero hindi ko iyon sinabi sa kasama ko, sinabi kong pagod ako kaya pumayag naman ito.


After no'n ay nag-extend pa kami ng tatlompung minuto bago kami lumabas sa playground. Eksakto naman ang pagtext nila Selene na magkikita-kita kami sa isang fast food chain. Dahil wala naman na kaming pupuntahan pa ni Jake ay dumiretso na kami roon.

Sunshine in the RainWhere stories live. Discover now