Sabi nito sa kanya dahil naguguluhan na siya sa pinagsasabi nito sa kanya. Balik na naman sa pagiging tahimik ang batang babae at napabuntong hininga na lamang siya.


“bakit ka nga pala umiiyak kanina?” iniba na lang nito ang usapan. Kung tutuusin pwedeng-pwede naman na niyang iwan ito kaso may pumipigil sa kanya at hindi nito alam kung bakit.


“because I’m sad and alone” malungkot ang pagkakasabi nito at nakita na naman nito na may umagos na luha sa mata nito.


“why? Because you don’t have any playmates?”


Umiling lang ito sa kanya.


“eh bakit?”


“coz they left me” basag ang pagkakasabi nito dahil sa pag-iyak kaya inabot ng batang lalaki ang panyo nito at kinuha naman nito ito.


“ah so you’re crying because they left you?”


Tumango naman ang batang babae bilang sagot.


“wag ka ng umiyak, babalikan ka rin naman ng mga yun” nakangiting sabi nito.


“paano pa nila ako babalikan kung wala na sila” naguluhan naman ang batang lalaki sa itinuran nito.


“imposible naman yun! alangan naman na hayaan ka lang nilang mag-isa dito”


“it’s possible because I’m here…alone”


“err-ano ba nangyari?”


“they died…”


“who?” nagtatakang tanong ng nito sa kanya.


“my parents” parang binuhusan naman ng malamig na tubig ang batang lalaki na sinabi nito at ngayon ay naintindihan na niya kung bakit ito umiiyak.


“wag ka ng malungkot…dapat maging masaya ka kasi kasama na nila si papa God” nakangiting sabi nito dahil hindi niya alam kung ano ang tamang salita para mapagaan ang damdamin ng batang babae.


“dapat sinama na lang nila ako para di na ako malungkot…it’s so unfair to be here alone”


“I think it’s not…alam mo sabi sa akin ng mom ko pag may nawawala akong gamit or nawawalan ako ng kaibigan ‘nothing is permanent in this world kaya kung may nawala sa’yo wag kang malungkot kasi at least you experienced having it. don’t be sad…just be happy and cherished every single moment you shared with them’  kaya imbis na umiyak ka dyan dahil sa pagkawala nila why don’t you just be happy”


“bakit naman ako magiging masaya eh iniwan nila ako…sana namatay na lang din ako para kasama ko sila”


Nagulat ang batang lalaki sa sinabi nito at napailing na lang siya…


“so you’re wishing to be dead para kasama mo na sila…I think it’s so selfish to do that. Why don’t you just enjoy your life…kasi alam ko magiging Masaya sila kung makikita ka nilang Masaya.”


“yes, alam ko magagalit sila sa akin kasi gusto ko ng mamatay para makasama sila…I know they want their princess to be happy but how can I be happy if they’re not around”


May luhang kumawala na naman sa mga mata nila at napansin ito ng batang lalaki. Gustong gusto na niyang iwan ito dahil hindi niya feel ang mga ganitong eksena. Kaya nga siya umalis dun sa libing dahil ayaw niyang makita yung mga taong umiiyak tapos babagsak din pala siya dito sa isang batang babae na umiiyak at gusto ng mamatay.


Hayyy…bakit ba ang malas ko ngayong araw na to? Isip isip niya


“you want their princess dead…I know you’re broken pero wag mong sayangin ang buhay mo. don’t wish to be dead, princess. Masaya mabuhay”


Hindi nito alam kung saan niya nakuha lahat ng pinagsasabi nito sa batang babae. Dala siguro ito ng mga dramang napapanuod niya kapag kasama ang kapatid.


“kapag ipinagpatuloy ko ang buhay…I think I’ll be lifeless person in the future”


Sasagot dapat ulit ito sa kanya ng biglang bumusina yung isang sasakyan malapit sa park at alam niyang sa kanila yun. Mukhang aalis na sila kaya naman tumayo na siya at pinagpag yung damit.


Bago ito maglakad palayo tiningnan niya muna ang batang babae habang nakangiti.


“may I know your name?”


“L” maikling sagot nito


“nice meeting you sunshine, I hope we’ll meet again in the near future and by that time if you’re still a lifeless person then I’ll make a move to regain your life and make you happy…”


“huh?”


“see you soon my dead princess…”


Tinalikuran na nga siya ng batang lalaki at naglakad papunta sa kotse nila ng makasakay ito at agad itong nginitian ng papa at mama niya.


“sino yung batang kausap mo” tanong ng mama niya


“it’s just a girl, I saw her crying kanina kaya nilapitan ko” nakangiti nitong sagot at inaalala pa ang itsura nito nung una niyang nakita.


“I think my son like that girl”


“HON!” suway ng mama nito sa papa niya.


“what? Alam mo naman na ayaw ng anak mo sa mga taong iyakin tapos nilapitan niya pa rin yung batang yun”


‘it’s true’ isip nito. Ayaw nga nito sa mga iyakin dahil naiinis siya lalo na pag yung kapatid niya yung umiiyak parang binabasag kasi nito ang eardrums niya.


“pero hindi naman siguro ganun di ba anak?”


Ngumiti naman ito sa mama niya tsaka tumingin sa kalangitan.


“I like her mom…I like my princess”


“see honey! I told you Arkhin like her…he even called her ‘my princess’ mukhang binata na anak ko” tuwang tuwang sabi ng ama nito at napangiti na lang ito.


Yes! I definitely like my dead princess and if I see her lifeless in the future I’ll give her life…coz she’s  just the SO CALLED ‘DEAD PRINCESS’ and I want her to be the dead princess no more.

so-called "dead princess" (COMPLETE)Where stories live. Discover now