88

147 11 1
                                    

Dumiretso ako sa kwarto pagkatapos naming kumain ng hapunan. Nag-half-bath lang ako pagkatapos no'n ay saka nag-ayos ng gamit. Habang nag-aayos ako ng gamit, hindi maiwasang pumasok sa isip ko 'yong sinabi ni Russel. Actually, kanina niya pa 'ko binabaha ng chat. Sinabi niya pa sa 'kin na hindi niya raw ako pini-pressure.

I sighed. Actually no'ng nasa Vigan ako, wala siyang pinakitang hindi maganda sa akin, e. Hindi rin siya rude sa mga tao sa paligid niya and maalaga rin siya lalo na kapag lasing ako.

Kinuha ko ang phone ko sa gilid para matawagan si Rio. I need an advice.

I dialed her number and after few rings, she finally answered.

"[Hello, Seya? Bakit?]" she asked.

"Uh... I need an advice," nahihiyang sabi ko.

She laughed. "[Anong klaseng advice ba?]"

I took a deep breath before I spoke. "Kasi nalilito ako sa nararamdaman ko. May part kasi sa akin na gusto sumugal pero may part rin naman sa akin na takot sumubok. Anong gagawin ko kapag gano'n?"

"[Huh? Kailan ka pa naging sugalera?]" nalilitong tanong niya.

"This is about my feelings, Rio! Feelings ko kay Russ."

Humagalpak siya sa tawa. "[Tang ina mo, akala ko kung ano ng sugal 'yang sinasabi mo! Ano wait tumatae kasi ako. Sandali lang,]"

Napa-face palm ako noong sabihin niya 'yon. Wala talagang preno minsan 'yang bibig niya, e. 

"So ano nga? Should I take the risk or nah?"

"[Kung ako ang tatanungin mo, of course take the risk. Pero buhay mo kasi 'yan, e. Back-up lang ako rito 'pag may hindi magandang nangyari sa mga desisyon mo.]"

"Magpapaligaw ba 'ko?"

Humagalpak siya sa tawa. "[Kung ako ang nasa posisyon mo, syempre hindi. Do you remember what Bel told us? Noong nanliligaw si Cassian sa kaniya? Hindi ba ang sabi niya no'n, pwede pa naman raw tayo nag-background check kahit kayo na plus 'pag nanliligaw kasi, puro pa-goodshot lang gagawin niyan tapos 'pag nakuha ka na nila, saka nila ipapakita bad side nila. Kaya ngayon pa lang, sagutin mo na. Kung ako nasa posisyon mo, ganito gagawin ko. Pero buhay mo 'yan. Desisyon mo pa rin ang mananaig sa huli,]" dire-diretso niyang sabi.

Naliwanagan ako nang bahagya sa sinabi niya. Wala rin namang masama kung susugal ako. He will be my first boyfriend if ever na susugal ako sa kaniya.

"[Wait ganito kasi 'yan, babe. Nonsense ang ligawan if gusto niyo na ang isa't isa pero kung gusto mo talaga dahan-dahanin, pwede naman, e. Buhay mo 'yan. Love life mo 'yan. Pwede mo gawin kahit anong gusto mo basta happy ka and alam mo limitations mo,]"

"You're right. Sa ngayon kasi hindi talaga ako kumbinsido na totoo 'yong sinasabi niya so ganiyan gagawin ko. Kung mag-a-ask siya ng permission ko manligaw, I'll say yes. Thanks, Rio. Love you."

•••

Somewhere in ViganWhere stories live. Discover now