"Tss." Galit pala siya bakit hindi niya ako kinausap? Umabot pa ng ilang buwan! Saka anong ikinagagalit niya?

"I was jealous." Nagulat ako sa biglaan niyang pag-amin. "I am jealous."

"W-what?"

"I still like you even though, I know you like someone else." Sabi pa niya.

Ilang buwan siyang nawala. Ilang buwan niya akong hindi nakita. Hindi man lang ba napawi ang nararamdaman niya para sa akin? Kahibangan.

"A-anong i-ibig mong sabihin?" Saan niya ba nakuha ang mga kasinungalingang iyan? I like someone else? Who? "Teka lang, Senyorito. Who told you I like someone else? Anong alam mo sa nararamdaman ko?" Inis na bulyaw ko sa kanya.

"Tss. Keep denying it, Rielle. Kaya ba ayaw mo sa akin dahil may gusto kang iba? 'Yong lalaking taga-Maynila ba? The one who hugged and even...fuck! Kissed you? Is he, Rielle? Tell me." He begged while clenching his jaw.

Hinawi ko ang kamay niya at sinimangutan siya. He's talking about Raynes! He's a friend! And God damn it! He's gay!

"He's my friend, Senyorito!"

"Do you ever think him more than a friend? What about me? Do you ever think me more than a friend, Rielle? More than a Senyorito?"

He's jealous! Damn it, he's fucking jealous!

"He kissed you infront of an open field. Hindi ka man lang umiwas. And that frustrates me more!"

"He just kissed me on my cheek and...he's...gay." Pag-amin ko. Natigil siya. Hindi ko na siya kailangan pang tingnan dahil alam kong nagulat siya sa ginawa kong pag-amin.

"Andeng told me you waited for me." My eyes widened from what he said. Fuck! "Naghihintay ka daw palagi sa treehouse at nagbabakasakaling nandoon ako."

"She's lying, Senyor—"

"She told me you got drunk one night." Fuck, Andeng! "Did you miss me enough to drink or did you drink enough to miss me? Which one, Rielle?"

"Hindi ako naglasing, nalasing lang ako. Magkaiba 'yon!" Depensa ko. Malay ko ba na sobrang dami na pala ang nainom ko!hindi ko naman sinasadya iyon.

"Kung alam ko lang na ganoon pala, dapat umuwi na ako ng mas maaga at ininda nalang ang galit."

Ibinaba niya ulit ang damit kong bahagyang tumaas nanaman dahil sa hangin. At pumirmi doon ang kamay niya. Ang isa naman ay nakaalalay sa bewang ko.

"And what frustrates me more is that you let those bastards—"

"Anong problema mo sa kanila? Pinatuloy ko sila doon at pinakain."

"Marunong ka ng magluto ngayon." Nahimigan ko ng panunukso ang boses niya. Kaya pinandilatan ko siya ng mata.

"Hindi na ako magluluto ulit."

"Oo at matabang 'yong sinigang na niluto mo pero masarap." Hindi ko alam kung alin ang pagtutuunan ko ng pansin. 'Yong panlalait niya o 'yong pamumuri.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Paano mo nalaman na matabang iyon? Eh ni di mo nga tinikman manlang."

"Hindi ko lang tinikman, Rielle. Inubos ko pa." Nakangiting sabi pa niya. "Thank you. Paborito ko 'yon."

"Alin ang mas masarap? Yung luto ko o yung kay Sofia?" Gusto ko sanang itanong kaso baka sabihin niya ang totoo na yung kay Sofia ang mas nagustuhan niya. Fuck! Why do I sound like I'm competing with her?!

Ilang minuto kaming hindi nagsalita. Nakikiramdaman lang sa isa't-isa. He assumed. And I'm afraid that he's expecting too much from me.

"Why are you so silent? Still mad, baby?" Tumatayo talaga lahat ng balahibo ko sa katawan everytime na tinatawag niya ako sa ganyang pangalan. Fuck this! Kinikilig ba ako?

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora