Gaya ng ginagawa ko kahapon nagbread at tubig lang ako habang papunta ng gym . Oo sa gym ako pumunta pero kunyaring dadaan lang ako doon pero sa library talaga pakay . I knew it , they followed me. Kala siguro nila hindi ko napapansin. Kung ano ano na namang ka abnoyan ang binabalak nila. I've been friends with them since four kaya alam ko na ang mga gagawin at binabalak nila. Kaya ganun nalang din siguro sila sakin. Mabilis silang mag suspect. Gaya nalang ng lagi ko ng pagpunta ng library.

Malapit na ako sa gym ng lumingon ako para makita sila. Pero ang mga loko agad na nagtago sa likod ng puno. Kala mo naman hindi makikita. Kitang kita ko kung pano sila magtulakan para lang hindi mahuli. Mga abnoy talaga.

Hindi pa sila umaalis kaya no choice ako kundi magkunyaring papasok ng gym. Na'ng makapasok na ako kita ko ang mabilis nilang pagsunod. Tumatakbo pa na parang spy. Mga abnoy. Dali dali akong dumaan sa backstage ng gym . May exit naman dun kaya dun na ako dadaan. Sigurado naman akong hindi na ako susundan ng mga lokong yun. Sigurado din kasi akong gutom na sila.
Pustahan.....

Nagpunta na ako ng library. Medyo madaming girls ang lumalapit sakin at nagbibigay ng mga love letters malapit sa gym. I'm pretty sure na chismis na naman ang lagi kong pagpunta dito kaya lagi na nila akong inaabangan. I don't know but I don't feel to assure my image in front of them now. Ever since I've incounter her, prez. I feel like I don't even know that I was actually famous. Mas nagpapakatotoo ako sa sarili ko. Hindi ko kailangan magpagwapo. At kung ano anong pinaggagawa para lang hindi masira ang image ko sa girls.

" Yung totoo nagbabasa ka ba talaga?" Bungad sakin ng librarian.

Nakakaloko ang tingin nito at mukang sinusuri ako. " Of course. Pero nga hindi ko naintindihan"

Kinuha ko na yung record book saka nagsign. Sa baba ng name ni prez. She's here. She's already here. Mas nauna lang siya sakin ng five minutes.

" Hoy . Type mo yun si class prez noh?" Nakangisi at nakatamimid sa lamesa na sabi sakin ng librarian.

Bakit ba sobrang chismosa niya? Sobrang layo niya sa pagiging librarian. Diba dapat strikta at tahimik sila. Pero ito pakialamera ng buhay.

Weird ko siyang tinignan,
" gusto lang maging friends, type na agad?"

" Sus indenial. Pero ship ko kayo yieee...."

Umalis na ako pagkatapos may sign sa record book. Panay na kasi ang tilian ng librarian na yon. Anong ship? Yun lang kung lalayag. Mukang marereject panga ako sa pag-ayaya sakanya maging friends eh.

Nagkunyari na akong kumuha ng libro. Hindi ko alam ang title. Pero medyo makapal siya. Nakita ko siya sa pwesto niya. Sa walang tao. Siya lang magisa. Napapalibutan siya ng maraming libro. Stall of book. She read those?

What a study maniac.

Idol na kita prez.

Naupo ako sa harap niya at kumunot ang noo niya akong tinignan.

" Mas nakakafocus rin ako dito eh..... Would you mind?"

What a lie . What a lie . what a lie. Of course hindi ko naman talaga binabasa. Inirapan niya lang ako. Parang bihira lang siya magsalita. At kung magsalita man iisa lang o Lima tapos iiwan ka pang walang kamalaymalay. Ikakasakit ba niya pag magsasalita siya ng madami?

Ibinuklat ko ang libro sa page 394. Parang kung anong naramdaman ko. Parang natamaan ko sa diko mawaring paraan .

She chases after her dreams
as if she's running for her life.
Don't get in the way
if you won't help her reach them.
How many women like her do you know, live as if life is nothing if they don't become something.

To be AmoureuxWhere stories live. Discover now