Kabanata 18

23.2K 588 33
                                    

Jana's POV

Natapos ang unang araw na napakaraming nangyari. Nakakapagod tuloy. Buti nalang wala pang assignment pero siguro mag aadvance reading nalang ako. Nakahiram ako kanina sa library ng mga aklat na kailangan ko.

Naglalakad na ako ngayon pauwi. Gusto pa sana akong ihatid nina Hanko pero tumanggi na ako. Sinabi kong malapit lang naman.

"Look who's here......"

Napatigil ako sa paglalakad ng mapansin ko sina Diana kasama sina Lucy at Briget na humarang sa dinaraanan ko.

"It's payback time freak! Ang lakas ng loob mong ipahiya ako kanina?!", galit na galit na sabi ni Diana saka ako sinugod. Ubod lakas na niya akong tinulak kaya napaupo ako sanhi para matanggal ang salamin ko at mabasag.

"A-ano bang problema niyo sa akin?", naiiyak na tanong ko kanila.

"Ang problema namin ay masyado kang papansin?! Inagaw mo pa sa akin si Hans?! Malandi ka?!", galit parin sabi nito saka ako kinababawan at pinagsasabunot ako.

"A-aray ko tama na...", umiiyak ako habang nagmamakaawa dahil ang sakit ng ginagawa nitong pagsabunot sa buhok ko.

"Anong tama na?! Hindi pwede?! Pagbabayarin kita sa ginawa mong pagpapahiya sa akin?! Girls?!", tawag nito kina Lucy at Briget at pinagtulong tulungan nila akong saktan.

"Kilalanin mo ang kakalabanin mo bitch?! Ako si Diana Vallejo?! Anak ako ng kilalang negosyante! Mayaman kami kaya hindi mo ako kakayanin dahil isa kalang freak na basura?!"

"T-tama na please....*sob*", nagmamakaawang sabi ko sa mga ito.

"Hoy!!!! Anong ginagawa niyo sa kanya?!!!!"

Napatigil sila sa pananakit sa akin ng umalingawngaw ang isang malakas na boses.

Hirap na hirap man ay pilit kong tiningnan kung sino ang dumating para saklolohan ako. Nanlalabo man ang aking mga mata dahil nabasag kanina ang aking salamin ay nakilala ko parin ito.

"K-kristine", hirap na hirap kung bigkas dahil masakit ang pumutok na labi ko.

"Hah! Here comes another trash?! Anong gagawin mo ha?! Ipagtatanggol mo ang babaeng ito?! Subukan mo lang at idadamay kita?! I will make you suffer?!", pagbabanta ni Diana.

"H-huwag niyo siyang idamay nagmamakaawa ako. W-wala siyang ginawa sa inyo. P-please tama na. Itigil niyo na ito..", umiiyak na sabi ko kay Diana.

"Bitawan niyo siya Diana?! Sumusubra ka na?!", sigaw rito ni Kristine.

"At sino ka para sunduin ko? Isa ka ring basura?!"

"Hindi ako Diana?! Hindi ako ang dapat mong katakutan?! Si Hans?! Sa tingin mo matutuwa siya kapag nalaman niya ang ginawa mo sa babaeng mahalaga sa kanya? Higit kanino ay ikaw ang mas nakakakilala sa kanya", nakangising sabi nito.

Bigla namang nabitawan nina Lucy at Briget si Jana na parang napaso.

Bahagya namang natigilan si Diana sa sinabi nito at dumaan ang pangamba sa mukha nito.

"Q-queen..Paano kung m-magalit nga sa atin si Hans?", natatakot ring wika ni Lucy.

"No! Hinding hindi ito malalaman ni Hans! Nagkakaintindihan ba tayo?! Kung hindi mas malala pa jan ang gagawin ko sa iyo..", pagbabanta nito saka umalis na kasama sina Lucy at Briget.

"Jana?! Okay ka lang?!", nag-aalalang tanong ni Kristine at tinulungan akong ayusin ang sarili ko.

Kinapa ko ang salamin kung basag na basag. Nakaramdam ako ng lungkot dahil napakahalaga pa naman nito sa akin. Bigay ito ng Inay ko sa akin. Mejo malabo na kasi ang mata ko pero siguro kailangan ko ng sanayin ang mga mata kong wala ng salamin. Kaya ko naman siguro basta ba sa harapan ako mauupo para hindi ako mahirapan.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon