32 - forgiveness?

Start from the beginning
                                    

Sino nga ba ako? Ako lang naman ay isang ordinaryong estudyante na kahit kailan ay hindi mo mamahalin pabalik.

"No, love please don't say that. Ako, I'm worried about you because I love you." She hugged me and kissed my forehead. Umiling naman ako sa kan'yang sinabi, kahit kailan naman ay hindi ako minahal ng taong 'to.

"H-hindi ba'y sabi mo na hindi mo naman ako m-minahal at ang mas mahalaga sa'yo ay ang iyong t-trabaho?"

Umiling naman ang ulo niya habang umiiyak na sa harapan ko. "Minahal kita, Samantha. Minahal kita. Maraming dahilan kung bakit ko 'yun sinabi at ginawa."

Sana man lang binigyan mo ako ng isang dahilan, dahil handa akong makinig Irene.

"Irene, nangako ako sa'yo na hindi ako mawawalay sa buhay mo at gusto ko panindigan 'yun. Pero sa pinapakita mo, binibigyan mo ako ng rason para bitawan ka na." I uttered while preventing my non-stop tears dripping on my face.

"Pagod na pagod na ako, Irene pwede bang lubayan mo na ako. Dahil ako? Handa na akong iwanan ka k-kahit masakit para sa akin.." Dugtong ko na ikinagulat naman niya.

Kung ito lang din naman ang solusyon, hindi ba? Bakit hindi na lang. Kasi kung tayo talaga, tayo talaga. Alam ko rin na para sa ikabubuti niya 'to.

"No! No, Samantha, please! Nagmamakaawa ako 'wag mo akong iiwanan." Pagmamakaawa niya at lumuhod sa harapan ko. "Handa akong iwanan ang trabaho ko, Samantha. Magreresign ako just please, please. Huwag mo akong iwanan." Niyakap niya ang aking mga tuhod.

Mahal, pangarap mo 'yun. Hindi mo kailangan ipagpalit ang trabaho mo para sa akin.

Umiling-iling ako sa kan'yang sinabi, dahil maliwanag na talaga ang lahat. Rason na lang ang hinihintay ko.

"Tumayo na ho kayo, miss Irene." I commanded her to stood up from the ground she's knelting down, which she immediately obeyed.

"Hayaan mo na ipaliwanag ko sa'yo ang lahat-lahat, Samantha. Please, forgive me.."

Sana'y hinayaan niyo rin akong bigyan ako ng pagkakataon at tyansa na mahalin kayo para maging patas ang lahat.

"Kapag po ba hinayaan ko kayong ipaliwanag ang lahat, hahayaan niyo na rin po ba akong mawala at bumitaw sainyo?" Walang emosyong tanong ko sa kan'ya.

She's immediately hugged me when she heard my question from her. "N-no.. Please, my love huwag kang bibitaw.. mahal na mahal kita." She begged as she pressed her forehead against mine.

Mahal na mahal din kita, mahal ko. Pero masyado nang masakit. Trabaho mo ang nakasalalay rito at estudyante mo lamang ako, ayokong maging dahilan nang pagkawala ng pangarap mo.

Humiwalay na ako sa kan'yang yakap, pagkatapos ay inayos ang aking mukha at buong katawan. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita ulit.

"Pumunta ka sa condo ko, gusto ko ipaliwanag mo nang malinaw sa akin ang lahat-lahat." I commanded, which made her head just nodded for response. "Ito po, sana'y mabasa niyo 'yan. Galing po sa akin 'yan." Hindi ko na ipinaliwanag kung ano ang nakasulat sa 'letter' at basta basta ko na lamang 'yon ibinigay sa kanya.

(Author: If hindi niyo nabasa ang letter, nasa chapter 19 'yun.)

Binigyan kita ng pagkakataon dahil mahal kita. Sana'y hindi ako magsisi sa aking ginawa dahil lang sa pinagbigyan kita ng pagkakataon.

Kahit kailan mahal ko, hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa'yo, hindi ko magagawa 'yun dahil masyadong malalim ang pagmamahal ko para sa'yo.

Bago pa man ako makaalis ay hinatak niya ako sa pagkakayakap bago magpasalamat sa akin. "Thank you, love."

Miss VictoriaWhere stories live. Discover now